[Mage's POV] "Halimaw ka talaga!" Biglang sambit ko. Hinahabol niya kasi ako sa loob ng kwarto namin. "Halimaw pala ah!" Sabi nito sabay kiliti sa'kin nang mahuli niya ako. Ito talaga ang kadalasang bonding namin kapag magkasama kami. Nagkukulitan sa bahay at nag-aasaran lang. "At least ikaw lang ang halimaw ng buhay ko noh! Ang swerte mo!" "Syempre!" Sabi nito saka humalik sa buhok ko. "..May gusto sana akong sabihin sa'yo." Biglang humina ang boses nito. "Ano naman 'yun?" "Gusto ko ng magkababy tayo..." Bulong nito sa tenga ko na nagpakilabot sa'kin. Napalunok ako't kinabahan bigla. "Ilan ba gusto mong baby?" Pag iiba ko ng topic para mawala ang kaba ko. "Dahil malungkot kapag nag iisa kasi naranasan na natin 'yun. Gusto ko, Isang basketball team!" Natatawang sagot nito. "-

