JUSTIN KEN DELAFUENTE’S UNTOLD PART Humalukipkip ako sa sofa habang pinapanood si Nana na sinusukatan si Aioni. I volunteered to do it but she just pushed me and told me to stop being so clingy. Ngayon, wala akong magawa kundi panoorin nalang ang measuring tape na hawak ni Nana at pinapalipot niya na sa maliit na beywang ng aking asawa. "Ang liit ng beywang mo..." ani Nana at isinulat iyon sa notes na nasa table na malapit lamang sa kanila. Aioni just smiled sheepishly. Sa tuwing may compliments si Nana sa kanya ay nahihiya lamang siyang ngumiti at hindi na nagsalita. Dumako naman si Nana sa chest part. I licked my lowerlip and stared at her deeply. Dahan-dahan akong nilingon ni Nana noong nagtangka na siyang sukatin ang dibdib nito. "You're staring too much, Ken. Nadidisturbo mo

