My Greatest Possession "Your gown is already here," ani Ken sa Biyernes ng tanghaling iyon. Mabilis akong lumabas sa kanyang kuwarto at nakita ko itong may hawak hawak na malaking plastic at binubuksan na ang laman noon. "Bakit mo pinapakialaman?" sigaw ko at mabilis na nagtungo sa may sofa. "What? I need to see it myself..." Tuluyan niyang inilabas ang isang gown na nakahanger pa. "Why is this so..." Hindi niya agad nadugtungan ang sasabihin dahil inagaw ko na iyon. Nagkasalubong ang kanyang kilay. "It's fine, Ken! Maganda ito," giit ko at itinago iyon sa aking likod. Umangat agad ang kanyang kilay. Ngumisi ako at tumalikod na kaso ay mabilis niya akong kinarga at kapwa kami natumba sa sofa hanggang sa napaupo ako sa kanyang kandungan. "I want to see it. Isukat mo." Kinuha niya sa

