Kalmado Lang Hapon na noong magland ang eroplano sa airport. Nakauwi na kaming dalawa ni Ken at si Mang Rodulfo pa ang sumundo sa amin. Ramdam ko ang pagod ng byahe pagkapasok namin sa loob ng condo ni Ken. Napatili ako nang bigla nalang akong kinarga ni Ken. Humawak ako sa kanyang balikat. "Ililipat ko na sa kuwarto ko ang mga gamit mo," aniya habang naglalakad siya papasok. "Huh?" Pinihit niya ang doorknob. Nilingon ko si Mang Rodulfo sa aming likuran na pinapasok ang mga gamit. Hindi niya isinara ang pinto. Naglakad si Ken patungo sa kanyang king size bed at inilapag ako roon. Hindi ko agad binitiwan ang kanyang leeg kaya itinukod niya ang kanyang mga kamay sa bawat gilid para hindi ako madaganan habang nakayuko. "Sleep... I know you're tired." Hinaplos niya ang aking pisngi. "E

