45

3237 Words

Sa'yo Lang "Walang nangyari? Kahit kiss? As in wala?" Hindi ako tinigilan ni Necia noong magkita kaming muli. Kulang nalang ay sugurin niya ako sa condo ni Ken. Sabado at nagpahatid lang ako kay Mang Rodulfo dahil nakikipagkita siya sa akin pagkatapos ng trabaho ko. Nasa isang cafe kami at noong makaupo na ako sa mismong harap niya ay sunod-sunod na agad ang kanyang tanong.  Bumuntong ako ng hininga. "Wala nga. Nag-usap lang." Lumukot ang kanyang ekspresyon. "Edi... Hindi siya nagselos? Eh ba't ka raw niya sinundan?" Hindi ko alam kung alin ang sasagutin sa dalawa. Nagkibit ako at sumubo noong slice ng cake na nilibre niya sa akin. Ang tangi niya pang nagagalaw ay ang kanyang frappe dahil masyado akong pinagtutuunan ng pansin.  "Ewan ko," tangi kong sagot kaya mataman na siyang tumi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD