Turn on Hindi ko mabura bura ang ngiti ko noong gabing iyon nang makahiga na ako sa aking kama. Parang noong nakaraan lang ay umiiyak iyak pa ako pero ngayon ay kulang nalang umabot sa aking tenga ang ngiti ko. Linggo. Hindi nagyaya si Necia sa akin kaya wala rin akong naging plano noong araw na iyon. Ang balak ko nalang sana ay pumunta sa bahay kaso hindi muna ako nagpaalam kay Ken dahil baka may plano rin siya... Sa umagang iyon ay nadatnan ko nalang siya sa loob ng countertop, topless, magulo ang buhok at tila may niluluto na naman dahil naaamoy ko rin ang isang masarap na pagkain. Dala-dala ang aking bottled water ay tahimik akong naglakad papunta roon kaso hindi pa ako tuluyang nakakarating sa kanyang dako ay lumingon na agad ito sa akin. Tumigil ako sa paglalakad. Ngumisi nam

