Aangkinin Din Kita Pagkauwi ng bahay, binaha agad ako ng katanungan ni Mama lalo na't kalat na kalat na naman na may gwapo raw akong boyfriend at pumasok pa rito sa bahay para lang sunduin kami ni Lucas. Gumagawa na naman sila ng sarili nilang version at iyon na naman ang paniniwalaan. "Magsabi kana kasi ng totoo sa akin, Marione. Boyfriend mo na siguro iyong boss mo 'no? Nakakotse raw eh," sabi niya habang bumubuntot sa akin papasok sa kuwarto lalo na't nakayakap si Lucas sa akin at mahimbing parin ang tulog. "Hindi nga, Mama," inis kong sagot at dahan dahang ibinaba si Lucas sa kama. "Anong hindi? H'wag kanang magsinungaling. Bakit ba ililihim mo sa akin eh halatang halata na. Ikaw lang ang nakikinabang diyan sa mayaman mong boyfriend..." Bumusangot ako. Hinila ko iyong kumot par

