Bad Taste Huminto kami sa isang five-star Restaurant. Nagningning agad ang aking mga mata habang tinatanaw iyon sa bintana ng kotse. "Wow..." halos bulong ko sa aking sarili at hindi na makakurap. Makakapasok na ba talaga ako sa magarang kainan na iyan? Noon lang kalinderya lang ako eh tapos ngayon... Teka, hindi kaya ako maignorante sa loob? Alam ko naman iyong proper etiquette sa mesa dahil napag-aralan namin iyon pero kinakabahan parin ako! "Nasa loob na ba siya?" tanong ko kay Ken habang hindi ko inaalis ang tingin doon. "Papunta pa lang. Pumasok kana roon," sabi niya. Kumurap ako at nilingon si Lucas na nakatayo narin sa likod at nakatanaw rin sa labas ng bintana. Ang kanyang mga mata ay nakasentro sa mga kotseng nakapark. Iyon ang mas umaagaw ng pansin sa kanya. Narinig ko

