27

3227 Words

Pineapple Juice Pagdating namin sa pool ay natanaw ko agad si Lucas kasama si Eunecia na tumatawa. Nilapitan ko ang dalawa lalo na't hindi na mahitsura ang mukha ng aking kapatid. "Napano 'yan? Anong ginawa mo?" tanong ko kay Eunecia at sinundan ng tingin ang kapatid kong inangat na ni Ken saka ito kinarga. Humagalpak si Eunecia, tuwang-tuwa. "Tinukso ko siya na crush niya iyong babae! Sabi ko girlfriend niya!" Itinuro niya iyong 2 years old lang ata na nasa may mushroom at tuwang tuwa sa tubig na nahuhulog. "Loka-loka ka talaga. Wala naman siyang alam sa ganyan. Nabubwesit 'yan sa'yo dahil ang ingay mo," sabi ko.  "Ang suplado ni Lucas, Aioni! Pakiramdam ko nga ay sasapakin na ako!" Namilog ang kanyang mga mata at tinanaw si Lucas na dinadala na ni Ken doon sa malaking pool.  Bumal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD