Warning: SPG Punishment Nakahalukipkip ako sa harapan ni Ken habang matalim itong tinitingnan ganoon rin siya na nakapameywang sa aking harapan at iritang irita sa aking suot. Si Lucas naman ay nasa aming gilid lamang at pinaglalaruan iyong buhangin. "H'wag ka ngang nang-aaway rito!" sabi ko at sinulyapan ang mga schoolmate ko roon sa may dagat. Nakita ko roon ang tatlo niyang kaibigan na nanghihirit pa sa ibang mga babaeng naka bikini. "Ang tigas ng ulo mo," aniya kaya bumalik ang tingin ko sa kanya. Iritado niyang tiningnan ang aking see through . Sa sobrang talim ng kanyang tingin ay para na iyong tumagos sa aking loob. "Eh ikaw nakatopless ka pinakialaman ba kita?" Ngumisi siya ngunit matabang na naman iyon. Binasa niya ang pang-ibabang labi habang pinapasadahan ng haplos

