Jing's POV Isang linggo na ang nakakaraan mula noong umalis si Azriel patungong Litri. Sa katunayan ay pareho kami ni Alette na nag-aalala para sa kanya. Hindi namin alam kung ayos lang ba ito o kung ano ba ang nangyari sa kanya. Kasalukuyan kaming nasa loob ng kwarto ni Alette dito sa isang hospital . Hindi na rin kasi siya pinayagan ni nana na makalabas ng hospital mula noong pumayag siya sa operasyon.Ang sakit ni Alette ay bihira lamang makikita sa mga tao sa panahon ngayon. Ayon kay nana ay maging sila ay walang karanasan sa paggagamot ng mga taong dumaranas nito. Ang Hexsysdroma ay sakit na nagmula sa Ezben ngunit kahit ang mga ekspertong manggagamot at doktor doon ay walang alam kung paano ito malulunasan. Karaniwan kasi ay namamatay na agad ang mga taong nakakaranas nito bago pa

