Azriel POV Pagkalabas na pagkalabas ko pa lang sa kwartong iyon ay isang kamay ang biglang humila sa akin. Ni hindi ko nagawa pang makapag-react dito dahil sa gulat. Si-sino?? Mahabang buhok ang dumampi sa aking mukha habang sabay kami’y tumatakbo. Maging ang mga kamay nito na nakahawak sa aking braso ay napaka lambot. Likod lamang ang nakikita ko rito kaya naman nagtataka ako kung sino ito. Si-sino to? Maya-maya ay napansin ko na lamang na nasa isang kwarto na kami. Hingal-hingal na umupo ang babae sa upuan habang nakatingin sa akin. "Vera??" gulat na tanong ko rito. "IKAW!" sigaw nito. Te-teka? Anong problema nito? "Ba-bakit??Bakit ka pumayag??!!" Halos manlaki ang mga mata ko. Hindi ba't sila ang may gusto na pumayag ako dito? Sa ganitong paraan ay makikita na nila ang power s

