Alette's POV Parang huminto ang mundo ko sa narinig. "Oo, ako ang may-sala sa lahat ng ito..." matapang na saad ni ama na ikinagulat ng lahat. Hindi ko magawang makapagsalita habang dahan dahan akong nawawalan ng lakas at napabitaw mula sa pagkakahawak sa mesa. Para akong tinraydor ng sarili at ni ama. Lahat ay ginawa ko ngunit hindi ko inaasahang tinutulungan ko pala ang isang kriminal. Eto ba ang ibig sabihin ni ama na tumigil na ako? Na wala akong mararating sa ginagawa ko? Eto na ba ang katapusan ng pakikipaglaban ko para kay ama?? Kaliwa't kanang bulungan ang narinig ko sa paligid matapos marinig ang mga katagang iyon. "Te-teka... ibig sabihin ay nagawa niya talagang pumatay ng tao?" "At nakapag nakaw pa siya ng limang milyong rak sa cabin!!" "Kung ganoon ay parusahan niyo n

