Third Person's POV Nagulantang ang lahat dahil sa biglaang pagpasok ng asawa ni Vespar sa loob ng court. Halos hindi sila makapaniwala na narito ito gayong simula pa lang noong unang pumutok ang balita tungkol sa asawa ay tumanggi na itong magpakita sa publiko dahil sa sobrang takot at kahihiyan. Sa totoo lang ay hindi na sila makapaniwala noong pumasok si Aegys, ang ikalawang anak ng may sala sa loob ng kwartong iyon. Nabalot ng kaliwa't kanang bulungan ang kabuuan ng silid na iyon. Maya maya pa ay nag-umpisa nang magtanong ang isang principal. Nakasuot ito ng isang magara at mamahaling kasuotan at kumikinang rin ang kanyang suot na alahas sa leeg. Bahagya itong tumayo upang makita ng lahat ang kanyang presensya. "Ginang Alesia, maaari mo nang ipahayag ang iyong testimonya sa ngalan n

