Pagkatapos namin kumain ay nagtungo na agad ako sa SK unit, ang kwarto para sa akin. Sa totoo lang ay may kamahalan ang pag-upa sa isang SK unit sa halagang dalawampung rak isang gabi pero salamat sa halos sampung taon kong pag-iipon noong nasa Xiang Xiu Mei pa ako ay naging sapat na iyon upang iupa sa loob ng isang taon. Bukod pa roon ay nakatulong rin ang mga naiambag nina Maeve at Nyree para madagdagan ang pera ko.
Papasok palang ako sa building ay may mga nag-checheck na ng mga papasok sa bawat unit.
Nakakagulat dahil imbes na mga robots ang nagchecheck ay mga personal crews ang nasa b****a ng units at manwal na kinakapkapan ang mga pumapasok at lumalabas. Bukod ang pinto ng papasok at ganoon din ang lumalabas.
Hanggang sa oras na para ako naman ang inspeksyunin. Hindi ko akalain na hindi pala basta basta personal crew ang mga ito. Sa tingin ko ay para rin silang robot dahil wala itong pakialam sa mahahawakan lalo pa noong makapa ng babaeng crew ang iniingatan ko bilang isang lalaki.
"Ugh!"
Napapikit ako dahil sa gulat. Hindi ko man sabihin alam kong wala namang ibang nakakita sa nakakahiyang ganap na iyon lalo pa at walang pakiramdam ang nasa harap ko.
"This way please" saad nito saka tumingin sa susunod na papasok.
Humakbang na lang ako palayo sa pinto na yun habang inaayos ang akto ko. Ni hindi man lang ako naka kilos para protektahan ang sarili.
Tsk!
Nang makapasok na ako sa loob ng sariling unit ay inayos ko muna ang mga gamit saka humiga habang nakatingin sa kisame.Minsan na akong napaisip, kung bakit namamatay ang isang tao.
Hindi ba pwedeng magsama sama na lang ang tao, kasama ang mga mahal nila sa buhay at mamuhay ng masagana?
Bakit kailangan pang may mamatay kung may mabubuhay rin naman? Tulad ng pagkain na kinakain natin. Bakit kailangan natin kumain ng pagkain kung mamamatay rin lang tayo. Hindi ko alam kung may saysay ba ang buhay ng tao dahil kahit anong ganda o sama ng nagawa nito ay lilipas rin naman ito sa oras na pumanaw siya.
Habang nalulunod ako sa kaisipang ito ay naihilig ko ang ulo sa kanan. Nakikita ko ang sarili ko sa harap ng salamin habang nakahiga at kitang kita ang hubog ng katawan.
"Sapat na ba ang katawang ito para magpa bagsak ng isang hierarchy?" wala sa sariling tanong ko.
Napaupo ako at tinignang maayos ang sarili. Mula sa hugis ng mukha na hinulma nang ako'y nabuo ng aking ama at ina, hanggang sa katawan na sinanay ng panahon kalakip ng sakit at pagdurusa, masasabi kong hindi pa nga ako handa na harapin lahat ng ito, pero ang bakas ng sugat sa aking puso ang siyang sandalan ko at sapat na rason na para sa akin na hindi sayangin ang panahon at gawin ang dapat at nararapat.
Hindi ko naman iniisip na maibabalik ang buhay ng mga mahal namin sa buhay kapag ginawa ko ito, pero alam kong hindi na ito mauulit sa oras na makamit ko ang gusto ko.
Habang nagmumuni-muni ay biglang tumunog ang pinto.
Awtomatikong napahawak agad ako sa matigas na bagay na nasa mesa ko at naging alerto. Hindi ko kilala kung sino ang nasa labas at kahit na sabihing hindi agad makakapasok ang mga may masamang balak dahil sa seguridad ay hindi pa rin isang-daang porsyento na ligtas ang bawat taong kumakatok sa pinto mo.
Pagkabukas ko ay isang personal crew lang pala at nagdala ng mga gamit na kailangan sa unit. Kinuha ko naman ito agad at inayos na lang sa lagayan.Habang naga-ayos sa wardrobe ng mga damit ko ay may nahulog na litrato na nakaipit sa isang damit.
Cadiz Etrama...
Halos mapunit ko na ang larawan habang hawak hawak ko ito. Kung may tao man akong kinamumuhian ng husto ay ito ang taong ito. Siya ang dahilan kung bakit namatay ang lola ko. Siya rin ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin naha hanap ang kinaroroonan ng magulang ni Nyree. Kahit na matagal na panahon nang sumuko si Nyree na mahanap ang ama at ina , alam kong nais niya pa rin itong makita. At maaaring may kinalaman rin ito sa pagkamatay ng magulang naman ni Maeve.
At isa rin iyon sa mga dahilan kung bakit mas kinamumuhian ko siya. Sinamantala niya ang kapangyarihan niya bilang kasapi ng hierarchy habang inaapakan at dinu dungisan ang mga kagaya namin.
Hindi na ako nagtagal at nagpalit na ako ng damit at lumabas na ng kwarto. Balak kong mag libot-libot sa buong building. Ang Building Ynen, ang gusaling kinaroroonan ko ay isang main built na kung tawagin ay BRANCH dahil nandito mo makikita ang isa sa mga pinakamalaking bilihan ng mga technology. Sa building na ring ito makikita ang mga condo tulad ng SK unit na inuupahan ko.
Habang naglalakad ako ay may nakasabay akong dalawang lalaki. Hindi naman katandaan ang isa,siguro ay nasa kalagitnaan ng 30 at 40. Habang ang isa naman ay mataba at medyo kalbo na matanda.
Hindi naman kapansin-pansin ang mga iyon dahil kasabayan ko lang naman ang mga ito at sa dinami dami ng taong nadaan ay wala siguradong makapapansin. Ngunit nagulat ako ng bigla silang lumiko sa kanan kahit na wala naman ng daan para rito.
Nilapitan ko ang direksyong pinuntahan nila. Hanggang sa may napansin akong isang kwarto. Hindi naman ito kalumaan pero halatang ipinagbabawal dahil sa dalawang robots na nakabantay. Pero sa lobby na yun, ay pinatataka ko kung bakit nakapasok ang dalawang lalaki na iyon. Mas nakakapanghinala pa dahil sa kawalan nito ng ilaw. Sa pagkakaalam ko ay pinapagana ng solar ang building na ito kaya nga tinawag itong " Solar Powered Building " ngunit sa parteng ito ay wala kang makikitang kahit anong anino ng liwanag.
Naglakad ako papunta sa loob ngunit nasa b****a palang ako ng hall ay pinigilan na ako ng mga robots na bantay.
"You are not allowed..."
Kung ganoon ay bakit nakapasok ang dalawang iyon?
Hindi naman na ako nagpumilit pa bagkus ay nagpatuloy na lang sa paglalakad kahit na hindi mawala sa paningin ko ang kwarto na iyon.
Habang naglalakad ay bumalik sa ala-ala ko ang itsura ng dalawang lalaki. Hindi naman kahina hinala ang mga itsura nila ngunit bakas sa kanilang katawan na sanay sila sa mabigat na bagay.Hindi pa man ako nakakaramdam ng gutom ay dumaan muna ako sa isang resto. Hindi naman ito kalakihan pero makikita sa loob nito ang naggagandahang disenyo ng lugar.
Umupo na ako sa upuan malapit sa pinto ng may lumapit sa akin na isang robot at nag abot ng menu. Ilang sandali pa ay nakarating na rin agad ang in-order kong shenu. Habang kumakain ay naaalala ko ang mga kababata ko.
Kamusta na kaya sila? Hindi ko alam kung ano na ang balita sa kanila dahil hindi naman lumalabas sa Tech vision ang mga nangyayari sa ibang bayan.
Ang tech vision ay parang media na naglalabas ng mga napapanahong balita. Ang pinagkaiba lamang nito ay walang newscaster na makikita bagkus ay ang kaganapan lamang. Minsan lang makikita ang mga paliwanag nito kung ang issue ay kailangang maipaliwanag ng husto.
Habang abala ako sa pagkain ay may mga pumapasok na mga bagong customer. Hindi naman ako nag abala pa na tignan ang mga ito dahil sa gutom ko pero isang lalaki ang nakaagaw ng atensyon ko.
Umupo ito kasama ang isa pang lalaki sa katabing mesa, sa bandang kaliwa ko. Hindi kalakihan ang lalaki pero halatang may pinag aralan. Habang ang isang lalaki naman ay mukhang middle aged na, marahil ay nasa 30+ na rin ito.
"Maayos naman na ang lahat..." saad ng lalaking 30+.
"Mabuti naman..." sagot ng isa pa.
Habang inaantay nila ang kanilang order ay naglabas ng isang larawan ang lalaking kausap. At ako naman ay pasimpleng tinitingnan ang mga ito habang kinakain ang Shenu.
"Eto, sa susunod na gagawin niyo ang misyon ninyo, maaari bang magsama kayo ng isang bihasa. Hindi maaaring bumagsak ang hierarchy dahil sa kabulastugan ninyo." paalala ng lalaki sa kausap habang ang isa naman ay tiningnang mabuti ang larawan.
Hierarchy??
Nagpantig ang tenga ko dahil sa narinig. Kung ganoon ay may kaugnayan sila sa hierarchy??!!
Pilit kong inaabot ng paningin ang larawang hawak niya. Ngunit bandang kasuotan lamang ang abot ng aking mga mata. Pasimple pa akong tumuwid ng tayo ngunit napansin kong napalingon ang kasamahan nito sa direksyon ko.
*****
Mahalaga ang susunod na misyon namin ngayon at kailangan siguraduhin na hindi kami papalpak. Habang ina analisa ng kasama ko ang litrato ay napalingon ako sa kabilang table ng mapansin kong pasimpleng tumitingin ang lalaki sa litrato.
Mukhang ordinaryong mamamayan lang naman ito kaya hindi ko ito binigyang pansin masyado. Nang mapansin niyang nakatingin ako ay umiwas siya agad ng tingin. Malamang ay takot ito sa presensya namin. Isa lang naman kaming mga retiradong house guards ng Ezben at pinalipat dito sa Central. Kahit na hindi gaano kalaki at kilalang siyudad ang Ezben ay respetado pa rin ito dahil dito karamihan ipinanganak at nanggagaling ang mga seer o manghuhula ng hierarchy.
" Hindi ko akalain na siya ang sunod nating misyon?" tanong ng kasama ko.
"Maging ako ay nagulat ng makita ko iyon." komento ko saka ipinagpatuloy muli ang pagkain.
"Pero, bakit sa dinami-dami at siya pa?"
"Ang alam ko ay kilala siya sa Central pero mukhang katapusan na ng kanyang kasikatan" nakangising saad pa nito.
" Ang alam ng hierarchy ay nakakatulong siya sa Central ngunit nitong mga nakaraang buwan ay napansin ng hierarchy na medyo nawawala na ang kapakinabangan ng babaeng iyan"
Maging kami ay nagulat sa balitang siya ang susunod na misyon namin. Isa lang naman siya sa mga magagandang babae dito sa Central na kinagigiliwan ng lahat lalo na naming mga kalalakihan. Nakakapanghinayang lang at nagkamali siya at eto ang resulta.
"Kamusta na pala si Master Raizel?" tanong ng kasama ko.
Napalingon naman ako sa kanya at naalalang may kailangan akong sabihin na siguradong ikakabigla niya..
*******
Master Raizel…
Halos manlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang pangalang iyon. Wala naman akong kilalang Raizel ang pangalan ngunit minsan ko na itong narinig sa bibig ng lola ko.
*Flashback*
Maaga na noon at kailangan kong maligo sa ilog. Isasama ko sana noon si lola pero siya ang nagpumilit na maiwan na lamang.
Napansin ko noong araw na iyon na medyo balisa siya at hindi maawat sa pagpapa root parito nito. Kahit na itago niya ito ay napapansin ko pa ring may bumabagabag sa isip niya.
"Sige na apo, punta ka na sa ilog...maligo ka na" nagpupumilit nitong saad sa akin.
"La, ayoko pa mamaya na..." angil ko dahil inaantok pa ako at gusto ko pang humilata muna.
Pero dahil sa nagpupumilit ito ay napilitan akong pumunta na sa ilog. Ngunit nang pagbalik ko ay may kausap na ang lola ko. Akala ko noong una ay kapitbahay lamang namin ngunit hindi ako makapaniwala na halos lumuhod ito sa kausap.
"Bigyan niyo pa ako ng konting oras.Pasabi na rin kay Master Raizel na sapat na iyon para sa kagustuhan niya " pagmamakaawa ni lola rito.
Master Raizel?
Kaibigan ba iyon ng lola ko? Pero bakit parang natatakot siya dito?
Ngunit hindi ko inaasahan ang susunod na sinabi ng kausap.
"Sa susunod na hindi ka tumupad sa usapan ay alam mo na ang kalalagyan mo. Hindi lang simpleng kamatayan ang darating sa iyo" banta nito sa akin.
Dahil sa takot ay napadikit ako sa pader at hindi na lumingon pa sa kanila. Hindi ako ganun ka bata para hindi maintindihan ang pinag uusapan nila. Ang salitang kamatayan ay sapat na para matakot ang isang tulad ko.
*****
Hindi rin nagtagal ang dalawa dahil mukhang sa ibang lugar nila pag uusapan ang iba pang bagay. Unang tumayo ang lalaking napalingon sa akin kanina at sumunod naman ang kasama nito.Mahina pang nag usap ang dalawa habang paalis sa upuan. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, ay muling napalingon ang isang lalaki sa akin.
Bakas sa mukha nito ang pagtatanong. Marahil ay kanina niya pa ako napapansin na nakatingin kaya naman iniwas ko kaagad ang paningin ko sa kanila.Habang naglalakad ay may napansin ako sa batok ng isang lalaki. Medyo malabo ito pero nahagip ng mata ko ang tatsulok sa loob ng bilog na tattoo na ito.
"Kung hindi ako nagkakamali, iyon ay ang Ring of Trevon..." mahinang saad ko sa sarili hanggang sa nawala na sa paningin ko ang dalawa.