Ika-limang Episodyo

2943 Words
RING OF TREVON!!! Hindi ako maaaring magkamali. Minsan ko nang nakita ang marka na kagaya nito at sigurado akong ito ang Ring of Trevon. Kung tutuusin ay simpleng tattoo lang ito kung titignan ngunit iba kapag tinitigan ito. Sa loob ng bilog nito ay may tatsulok na tila ba’y naikot kapag tinitigan. Kaya rin nila ito tinawag na Ring of Trevon dahil sa kapangyarihan na magbigay ng isang ilusyon. At ito nga ang umiikot na simbolo nito kung tinititigan. Bukod pa dito ay ang mga letrang kakaiba na wala sa alpabeto na sinasabing may nakatagong kahulugan. Makikita ito sa pagitan ng bilog at tatsulok. Sa totoo lang ay hindi ako maalam tungkol sa tattoo na ito dahil naririnig ko lang naman ito sa mga kwento ng weirdong matatanda sa bayan noon. Dahil sa kuryosidad ay sinundan ko sila. Pagkalabas nila ng resto na iyon ay pasimple rin akong tumayo. Nung una ay lumingon pa ang lalaking nakatingin sa akin kanina at tila nagmamatyag kung susunod ba ako o hindi buti na lamang ay hindi pa ako nakakahakbang palayo at nasa gilid ko ang rest room. Imbes na sumunod sa kanila ay napilitan akong pumasok muna sa restroom upang hindi sila manghinala. Makalipas ang halos dalawang minuto ay lumabas na rin ako.Hindi ako maaaring magtagal sa loob dahil baka hindi ko na sila maabutan, gayundin naman kung agad akong lalabas ay baka maghinala sila ng husto. Pagkalabas ko sa resto na iyon ay napansin kong wala na sila sa labas. Kaya naman ay nag gala gala ako para kung sakaling makita ko sila ay agad ko itong maabutan. Hanggang sa makarating na ako sa ika-pitong palapag ay wala akong nakita ni isang anino mula sa kanilang dalawa. Ngunit nang pagtalikod ko ay nakita ko ang isang kasama nito na sa tingin ko ay ang lalaking may hawak kanina ng litrato ang naglalakad pakaliwa. Dahil siya lang ang lead ko kung nasaan ang isa pa ay sinundan ko ito at laking gulat ko nang makita ko kung saan ito papunta.Ito ang kwartong nakita ko kanina na binabantayan ng robot. Dito rin pumasok ang dalawang lalaki habang ako naman ay hindi pinayagan na makapasok. Sa tingin ko ay malaya lang silang nakapasok rito dahil sa wala namang bantay ang nasa daanan nito sa ngayon. Nang makapasok na ito sa kwarto, ay dahan-dahan naman akong humakbang upang makalapit dito at unti-unting binuksan ang pinto. Ngunit ng buksan ko ito, ay hindi ko inaasahan ang nasa loob. Bukod sa pader at mga naglalakihang karton na siguro ay kasya ang isang tao, ay wala na akong nakita pang iba. Wala na rin ang bakas ng taong sinusundan ko kanina. "Na-nasaan na sila?" takang tanong ko sa sarili. Kinapa-kapa ko pa ang sahig at mga dingding upang tingnan kung may sikretong lagusan ba rito. Ngunit hindi pa ako nakaka kalahati ay bigla na lang akong may narinig na boses papasok sa kwartong ito. "Oo nga...ang sabi nila ay ngayon magkikita kita, hindi ba?" "Ewan ko rin...alam mo naman si Master Raizel, minsan ay bigla na lang niyang kinakansela ang mga tawag niya" Palapit ng palapit ang mga boses kaya mabilis akong naghanap ng matataguan. May isang malaking box ako na nakita sa loob ng kwarto na ito kaya minabuti ko na doon muna magtago ng pansamantala. Habang nakakubli sa karton na iyon ay pumasok ang dalawang tao, isang lalaki at isang babae sa kwarto habang nag-uusap. " Hindi ko rin alam kung bakit...pero sa tingin ko ay mas dehado si Hana" " Bahala na...oo maganda si Hana at isang pangarap ng bawat lalaki pero hindi naman tama na ganunin niya ang hierarchy hindi ba?" tanong nung lalaki. "Oo" pagsang-ayon naman ng kausap. Habang nag uusap ang dalawa ay hindi ko alam pero kinabahan ako. Lilingon na sana uli ako pero wala na ang dalawa sa pwesto nila kanina kasabay ng pagsara ng pinto. Nang wala na akong makitang ibang tao sa kwartong ito maliban sa akin at tumayo na ako at lumapit sa pinto ngunit malas ata ako sa araw na ito. Habang nakasilip ako sa labas ng pinto ay nakita ko ang dalawang guwardiya sa labas at nagbabantay. Ito marahil ang dalawang pumasok kanina na isang babae at isang lalaki. "Argh!! " Paano ako makakalabas nito kung may nagbabantay na sa labas?! Naguguluhan at hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya marahil ay maghihintay na lamang ako ng himala.Habang nag iisip ay naglibot libot ako sa kwarto at nakita ko ang mga scratches sa pader. Napakalalim ng mga scratches na ito. Marahil ay galing ito sa mga mababangis na hayop tulad ng lion at tigre ngunit wala akong pakialam roon. Ang sa akin ay makahanap ako ng isang bagay na makakatulong sa pag iwas at pag alis ko sa kwartong ito nang hindi nahuhuli dahil sa dalawang nagbabantay sa labas. Habang naglilibot ay nasagi ko ang isang karton na gumawa ng ingay. Kahit ako ay naestatwa dahil dito. Hanggang sa unti unting bumukas ang pinto. Dali dali akong nagtago sa kalapit na malaking karton at bago pa man makapasok ang taong may hawak ng pinto ay huminto na ito at isinarado ulit. Mukhang inakala nito na wala talagang tao sa loob. Habang naghihintay na muling mag bukas ay nilapitan ko ang pinto at sumilip rito. . "Mukhang wala na sila" saad ko sa sarili kaya dahan-dahan na akong lumabas sa kwartong iyon. Nang tuluyan na akong makalayo sa kwartong iyon ay halos hingalin ako dahil sa pigil hininga kong ganap kanina. Naghulog ako ng limang baryang rak sa canned drink machine na nakita ko at kasabay nito ang paglaglag ng isang flavored drink. Habang nagpapaalis ng hingal ay umupo muna ako sa isang bench sa tabi. Hana?? Sino naman si Hana? At-at...bakit narinig ko uli ang pangalang Master Raizel? Sa totoo lang ay nagpunta ako rito sa Central Phyllis upang makapunta sa Great Castle para mahanap si Cadiz Etrama na taong may kasalanan sa pagkamatay ng lola ko, pero hindi ko maaaring ipawalang bahala ang mga taong dumadagdag sa isipan ko. Tulad nalang ng Master Raizel na ito. Karamihan kasi sa kanila ay konektado sa mga naririnig at nakikita ko noon tulad ng tattoo ng Ring of Trevon. Maging ang misteryosong pagkawala ng dalawang tao kanina ay naiisip ko rin. Unang beses ko lang narinig ang pangalang Hana at sa totoo lang ay wala dapat akong pakialam rito pero nararamdaman kong nasa peligro ang buhay ng kung sino man ito. Masasabi kong hindi ko siya kilala kaya wala akong pakialam rito ngunit hindi ko maiwasang mapaisip at maawa rito base sa mga narinig ko kanina dahil siguradong isa rin siya sa mga biktima ng hierarchy. Habang malalim akong nag-iisip ay biglang may tumabi sa akin. Akala ko ay kung sino iyon pala si Jing lamang ito. Isinawalang bahala ko lamang ito ngunit nagulat ako ng bigla ako nitong siniko. "Yahoo!!!" masayang bati nito sabay siko sa akin. Hindi agad ako nakapag react sa kanya dahil sa gulat. Idagdag mo pa nang bigla niya pang kinuha ang inumin sa bibig ko. "Salamat" sabi nito sabay higop sa kaninang ininuman ko. "T-teka..." "Aheyy, sarap ng flavor ah...anong flavor ‘to?" Hindi ako nagsalita bagkus ay nagpatuloy lamang sa pagtingin sa mga nadaan. "Ahhh...kaya pala" saad nito na tila ba ay walang kasamang iba at sarili lamang ang kausap. Napaharap nalang ulit ako sa harap habang nakalagay ang mga kamay sa dalawang tuhod. "Nga pala!! may gagawin ka mamaya?" tanong nito habang nakatingin sa mga nadaan at hinihigop ang natirang juice. "Meron bakit?" sagot ko. Balak kong hanaping muli ang mga lalaki na nakita ko kanina. May tattoo sila ng Ring of Trevon kaya alam kong magandang lead rin sila para makita ang hinahanap ko. "Ehh, saan ka pupunta?" takang tanong nito sa akin. "Bakit?" wala akong masagot dahil hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na may sinusundan ako kaya hindi ko alam paano malulusutan ang pagtatanong niya. "Bakit ayaw mo sabihin?! Wala akong kasama mamaya eh..." reklamo nito . Hindi ako sumagot. Mas hahaba pa kasi pag nagpaliwanag ako. "Bahala ka, yayayain sana kasi kita eh...ipagpaliban mo muna kaya yan" suhestiyon nito. "Saan ba?" "Sa Nights of night...maganda dun!" excited na saad nito. Halos kita ko rin ang mga mata nito na puno ng galak. "Ahh, ano ba yun?" "Hayss...oo nga pala at baguhan ka pa lang.Ang Nights of night ay parang palabas. Libre lang ang tiket ngayon kaya kahit sino ay pwedeng pumasok dun...bukod sa mga masasarap na pagkain...Ay!! siguradong mabubusog rin ang mata mo sa sobra!! Sobrang dami ng magagandang babae!!" masayang saad nito habang tila ay kinikilig pa. "Tapos si Ganda andun pa!...sana makita ko siya sa malapitan" "Sino naman si Ganda?" "Si Hana the Black Maiden" simpleng saad nito pero bakas pa rin ang pagnanais na makita na ang dalaga. Wait...Hana? Iisa lang ba ang "Hana" na tinutukoy niya sa "Hana" na naririnig ko? O magkaiba? At...sikat siya? "Sino itong si Hana the BlackMaiden?" Napalingon siya sa akin at kaunti na lang ay mukhang naglalaway na ito. "Sa totoo lang hindi ko pa nakikita ang pinaka itsura kasi nag mamaskara siya pero makikita mo sa mga performance niya grabe!! Hindi ko alam paano i-explain...BASTA MAGANDA SIYA!! at eto pa, ang sexy niya rin grabe!" natatakam na saad nito na para bang nanggigigil na. Napaisip ako sa sinabi niya. Maaaring ang Hana na kaniyang tinutukoy ay iisa sa binanggit ng babae kanina. Bukod sa parehong sikat ito ay mukhang tamang tama sa deskripsiyon na kinagigiliwan ito ng marami. "Ano sasama ka?" umaasang tanong nito. Kung tama nga ang hinala ko ay maaaring makita ko rin doon ang mga taong hinahanap ko dahil naroon si Hana. Ngunit bago iyon ay dapat ko munang alamin kung ang Hana na tinutukoy ng mga lalaking nakita ko kanina ay iisa lang sa Hana na tinutukoy ni Jing. Tumango ako sa kanya habang siya ay halos pigil na ngumingiti. Noong una ay naweiweirduhan ako sa kanya dahil parang pinipigilan niya rin na hindi maiyak hanggang sa maya maya ay tumulo na ang mga luha niya "Az!!" malakas na sigaw nito saka yumakap sa akin. Dahil sa gulat ay hindi ko na alam ang gagawin kaya na estatwa na lamang ako. Naramdaman ko ang mga luha nito na natulo sa damit ko at para bang humahagulgol rin siya base sa mga galaw nito. "Hindi ko alam na sasama ka..." naiiyak saad nito. Aaminin ko na hindi ako komportable sa sitwasyon namin ngayon pero naramdaman ko ang saya na hatid ng pagpayag ko sa kanya. "Ikaw lang ang pumayag na sumama sa akin sa Nights of night," naiiyak pa na saad nito. Habang pinupunasan nito ang luha ay hindi pa rin mapigil ang saya niya. "Masamang ideya ba ang pagsama sa iyo sa Nights of night?" takang tanong ko. Ngunit imbes na ngiti ang sagot ay isang nakakapangilabot na pag ngiti ang nakita ko sa mukha nito.Nakaramdam ako ng kaunting takot dahil dito. Masama bang ideya ang sumama sa kanya? "Hindi naman" saad nito saka ngumiti muli, ngunit may bahid ng pagkaloko na naghatid ng kakaibang kilabot sa buong katawan ko. ***** Alas-sais na ng gabi at sabi ni Jing ay mag umpisa na maya maya ang Nights of night kaya heto kami at naghihintay na makapasok. Habang papasok ay kapansin-pansin ang mga taong pumapasok dito na halos nagdudugo na ang mga ilong. Siguro ay dahil sa lakas ng waves na ipinapalabas ng mga humanoid robots na nagbabantay sa entrance. At nang maalala ko ay napalingon ako kay Jing. Kitang kita ko ang tuloy tuloy na agos ng dugo sa ilong niya ngunit ipinag walang bahala niya ito bagkus ay nagpatuloy siya sa paglalakad habang nakangiti. Ilang metro nalang ang layo namin sa entrada ng hall nang bigla kong marinig ang mga maliliit na hiyawan sa harapan. May mga taong nakahiga at tila nahimatay na dahil sa hindi na kinaya ng katawan nila ang lakas ng waves nito. " Yan ang ayaw nila...kaya walang gustong sumama sa akin dito ay dahil hindi nila nakakaya ang waves at hinihimatay sila. Ilang beses na akong nahimatay sa tuwing dadaan ako sa humanoid robot pero sa tingin ko makakalampas ako ngayon." positibong saad nito. Hindi naman pala masama ang ideyang ito. Marahil ay natakot na ang mga taong inimbitahan niya na sumama dahil sa nakakakilabot na epekto ng waves sa kanila. Dalawang tao na lang ang nasa harap ko, si Jing at ang nasa harap nito habang sobrang dami pa ang nakapila sa likod ko nang makaramdam ako ng konting likido sa bandang ilong ko. May hinala na ako na naapektuhan na ako ng waves na ito kaya dahan dahan ko itong pinunasan. Hindi nga ako nagkakamali matapos makita ko ang pulang likido mula rito. Napalingon naman sa akin si Jing at ngumiti ito. Ngunit laking gulat ko nang makita ang itsura niya. Sobrang putla na niya at sobrang dami na ng dugo sa ilong niya na pilit niyang pinupunasan ng damit. Nang si Jing na ang ini inspeksyon ng humanoid robot ay halos lumabas na lahat ng dugo niya sa ilong. Medyo nawalan pa ito ng balanse at mukhang pinipilit niya lang na hindi mahimatay kaya naman inalalayan ko pa ito. Hinang hina itong humakbang papasok sa hall matapos nitong mainspeksyon. Maya maya ay ako na rin ang sunod at ramdam ko ang matinding waves na ito. Unti unti na ring dumadami ang dugong natulo sa ilong ko lalo pa at nasa harap ko ngayon ang isang humanoid robot. Nang matapos ay agad na rin akong pumasok sa loob at pinunasan ang dugo sa ilong. Unang hinanap ng mata ko si Jing Quo nang mapansin ko ang isang lalaki na nakamukmok sa tabi.Base sa damit na suot nito ay alam kong siya ‘yun kaya naman agad akong lumapit rito. . "Jing, Jing ayos ka lang?" nag-aalala na tanong ko rito habang kinakalabit ang kanyang braso. Marahil ay masyado siyang nanghina dahil sa sobrang pagkaputla kanina at hindi na niya kinaya pa na tumayo pa Ilang saglit pa ay nagising na rin ito at para bang hindi ito nahimatay. "Azriel! Nakita mo yun?Huh? Nakita mo?!" manghang sigaw nito sa akin. Hindi kakikitaan ng kahit anong sakit o anong pagdurusa ang mukha niya kundi ang ang purong kasiyahan lamang. " Nakita mo yun?? Nakalagpas ako!! Woahhh!! Nakalagpas ako sa lintik na humanoid na yun!! Hahahaha" natutuwang saad nito. Hindi ko alam pero napangiti ako sa sinabi niya. Ito nga ata ang unang beses na makalagpas siya sa isang humanoid nang hindi nahihimatay kaya ganun na lang ang saya na nararamdaman niya. Maya maya pa ay nagsalita na ang nasa harapan kaya tumayo na agad si Jing at tumakbo papunta roon na parang walang nangyari. Sumunod naman ako sa kanya at saka ko lang napansin na parang isang concert ang Nights of night na ito ngunit para rin itong isang party. Bukod sa mga buffet na naka-display sa gilid ng hall ay may mga banda na nakahanda sa backstage. Hanggang sa nag umpisa nang tumugtog ang unang banda. Karamihan sa mga tumutugtog ay mga babae kaya naman napuno ng tuksuhan ang kabuuan ng hall habang nakikinig sa banda ng ilan. May mga lalaki rin naman na nag-perform kaya hindi rin magkamayaw ang mga babae sa pag tili. Ngunit biglang na tahimik ang lahat ng magsalita ng muli ang emcee. "Maraming salamat sa lahat ng dumalo ngayong gabi para sa Nights of night, kahit na piling pili lamang ang mga nakapasok dito ay swerte tayong lahat na matagumpay na makakanood ng palabas na ito. Kaya naman, hayaan niyo akong ipakilala ang nag-iisang 'HANA the Blackmaidennn'!!!!" At sunod sunod na palakpakan at hiyawan ang bumalot sa hall. Inilabas na rin ng mga instrumentong gagamitin kasabay nito ang paglabas ng isang magandang babae sa stage. Marahil ay nasa labing pito o kasing edarin ko lamang ito base sa itsura at katawan nito ngunit kapansin pansin ang maskarang nakabalot sa mukha nito. "Sino ba si Hana, Jing?"tanong ko rito. "Hindi ko rin siya kilala kasi ngayon lang ako nakanood ng harapang pagtatanghal...lagi akong nahihimatay sa entrance palang eh, pero nababasa ko sa mga magazine na may pangalan siya sa larangan ng kantahan" "Ma-may masama bang gawain si Hana?" "Hmmm...basta ang akin lang ay napaka ganda niya, tsaka...wag mong pag-iisipan ng masama si Hana, masisira imahe niya sakin eh, BASTA MAGANDA SIYA PERIOD!!!" matigas na saad nito. Hindi na siya nagsalita pa at ganun rin ako kaya tumingin na lang uli ako sa harap. Nakita ko siyang naghahanda para sa pagtatanghal hanggang sa pumuwesto na ito sa gitna.Kitang kita ko ang mukha niya at kalakip nito ang matamis na ngiti nito na sa tingin ko ay hindi totoo ngunit marami pa rin ang naloloko sa ngiting iyon na akala nila ay para sa kanila. Para sa akin ay isang pilit at napakalayo sa totoong ngiti ang ipinapakita niya ngayon. Habang tumutugtog ay nararamdaman ko ang waves nito lalo na sa bawat hampas sa drums at hagupit ng tunog ng gitara. Hindi na ako nagtaka pa na nahimatay ang mga taong kanina ay muntik nang mahimatay gaya na lamang ni Jing. Buti na lang at nasalo ko ito at na iupo sa isang couch malapit sa direksyon namin. Nang maiayos ko ito ng upo ay sinulyapan ko uli ang babaeng kumakanta sa harap ng entablado. Sa totoo lang ay nagdadalawang isip ako kung siya ba ang Hana na tinutukoy ng mga lalaking iyon dahil sa pangkaraniwan nito ang anyo. Sa tingin ko ay hindi naman ito anak ng mayaman dahil sa simpleng kasuotan nito at maamong mukha. Marahil ay nagkamali ako sa hinala ko. Isa pa ay napakasimple lang naman niya kung titignan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD