Azriel's PoV
Makaraan ang ilang oras ay natapos na rin ang palabas. Masasabi kong mas marami ang mga nagtanghal na babae kaysa sa mga lalaki. Magagaling ang karamihan sa kanila ngunit hindi pa rin mawawala ang mga technical errors habang nagtatanghal.
Tulad na lamang ng isang babae na napalakas ang pagkanta kaya naglabas ng napakalakas na tunog at maging siya ay halos mahimatay sa lakas ng waves na inilabas nito. Mabuti na lamang ay agaran itong pinahinaan upang makontrol rin ang waves na mailalabas ng instrumento. Habang si Jing naman na kanina ay nahimatay ay sinusulit na ngayon ang mga masasarap na pagkain na nakahain sa mga kainan sa loob nitong hall.
"Azriel, gusto mo?" alok nito sa akin.
Isa itong hipon na sa tingin ko ay nilaga muna bago nilagyan ng mga ingredients na nakabalot rito bago muling niluto.Kinuha ko naman din agad ito upang tikman. Hindi na ako nagtataka kung bakit napakasarap ng mga pagkain rito sa lugar gayong nasa loob lang naman kami ng bayan ng Central Phyllis.
Maya-maya ay naisipan kong magtanong tungkol sa babaeng nagtanghal kanina, si Hana.
" Jing, nais ko sanang tanungin kung palagi ba nagtatanghal dito si Hana? " tanong ko sa kanya.
Kanina ko pa nais itanong ito sa kaniya simula nang magtanghal ang dalaga. Para kasing bihasa na ito at alam na alam ang paligid.Napalingon lamang ako kay Jing ngunit hindi ito sumagot.
"Jing..." tawag ko uli sa kanya.
"Oh?"
Sa wakas ay nakuha ko na ang atensyon niya na kanina pa nasa mga pagkain.
"Si Hana, yung babae kanina...naisip ko kasi, hindi sa interesado ako sa kanya ah,pero palagi ba siyang nagpe-perform dito?" ulit na tanong ko sa kanya.
Hindi sa itinanong ko ito dahil siya ang Hana na tinutukoy ng dalawang lalaki bagkus ay hindi ko lamang maiwasang mapaisip kung bakit kailangan pa siyang magsuot ng maskara.
"Alam mo Az, kung interesado ka sa isang babae, umpisahan mo sa pagpapakilala. Hindi ako ang makakasagot sa mga tanong mo at kung iniisip mo na simple at ordinaryong tao lang si Hana, hindi ka naman nagkakamali. But for the explanation, then it's for you to find out. Mahirap mag-explain eh, hahahaha" natatawang saad nito.
Ordinaryong tao?
Ibig sabihin ay mali nga talaga ang hinala ko na maaaring siya ang Hana na nabanggit noon ng babae?Napatingin ulit ako sa entablado kung nasaan ito kanina. Muling bumalik sa aking alaala ang itsura nito habang nagtatanghal sa harap.
Maaaring hindi siya ang taong hinahanap ko ngunit hindi ko alam kung bakit hindi siya maalis sa mga mata ko lalo na kanina. Nakikita ko kasi na kahit na nagtatanghal ito sa harap ng entablado at nakangiti, masasabi kong hindi siya masaya.Marahil ay katulad ko rin siya noon,nakikita ko ang sarili ko sa kanya na ngumingiti lang dahil yun lang ang dapat gawin at hindi dahil sa masaya ka.
'You smile because you need to. Not because you're happy, it's more like because you're hurt'
Napayuko ako. Muli ko na namang naalala ang mga katagang iyon ni lola.Maya-maya pa ay may napadaan na mga babae sa harapan namin. At sa tingin ko ay isa rin sila sa mga nagtanghal kanina.
"Ganda talaga,hihihihihihi" pasimpleng bulong ni Jing sa akin.
Napalingon ako sa kanya at nakatingin ito sa isang babae na napadaan kanina. Nakasilip pa ito sa bandang baba ng damit nito.
Maikli ang palda nito at kapansin-pansin ang napakakinis na balat nito. Hindi maipagkakaila na alagang alaga ang mga binti nito kaya naman ay napakarami ng nakatingin sa kanya.Sandali pa akong nakatitig dito hanggang sa mapagtanto ko ang ginagawa.
Bakit nga ba kong nakatingin sa binti niya? Mamaya ay sabihin pa nila na ang bastos ko.
Ngunit huli na ata dahil nakatingin na rin sa direksyon ko ang babae.Nanlaki ang mga mata ko nang bigla na lang itong pumunta sa direksyon at pinag hahampas ako.
Patay!
"Bastos!! Bastos ka!!!" sumisigaw na saad nito habang walang tigil sa paghampas sa akin.
"T-teka!! Hindi ko sinasadya!! Te-teka!! Paumanhin!!" hindi magkamayaw na paghingi ko ng pasensya sa kanya pero hindi pa rin ito tumitigil.
Maya-maya ay may pumigil na sa babaeng iyon at halos lahat ng tao ay nakatingin na sa direksyon namin.
"Alette!! ano ba iyan...tama na yan!" saway ng kasama nito.
"Eh, bastos ang lalaking ‘yan eh...nakita ko sa dalawang mata ko!!! Nakatingin siya hita ko!!! At alam ko na sa mga tingin na ‘yun ay may masama siyang iniisip!!!" sigaw nito na halos ikapula ng buong mukha ko.
Marami nang tao ang nakatingin sa amin partikular na sa akin na sinasabing naninilip sa kanya.Nakakahiya tuloy. Hindi ko naman sinasabi na hindi ako nanilip pero napatingin lang naman ako.
Tsss... Ang hirap talaga minsan kausap ang mga babae. Pati ang mga lalaki na kanina ay malagkit rin ang tingin sa kaniyang binti ay sinamaan ako ng tingin.Napatayo ako sa pagkakaupo at hindi ko alam ang gagawin ko.
"Teka binibini, hindi ko naman sinasadya eh, napatingin lang ako at saktong napaharap ka sa akin" paumanhin at pagpapaliwanag ko rito.
"Anong hindi sinasadya??Eh kitang kita ko!! Nakatingin ka sa binti ko...at halos hubaran mo na ako sa tingin mo pa lang eh,sabihin mong hindi huh??!!!" sigaw pa nito kaya mas lumakas ang bulungan sa paligid.
"H-hindi ko sinasadya! At hindi ko rin naman sinasabing hindi ako napatingin..."
"Oh, di'ba??? Sinabi mo na rin...bastos ka talaga!!!"
"Pero hindi ko rin naman sinasabi na sinilipan kita...k-kasi hindi talaga" paliwanag ko sa kanya.
Sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang bagay na iyon sa kaniya. Hindi ko tuloy alam kung maiinis ba ako o magagalit sa sarili. Unang beses pa lang naman na may nag bintang na naninilip ako dahil hindi naman ito nangyari noon kahit na mga babae ang kasama ko.
Sandaling katahimikan ang namayani sa pagitan namin pero kita ko kung paano namula ang mukha ng babaeng kaharap ko. Maganda siya sa totoo lang kaya ayoko sanang ipahiya siya sa harap ng maraming tao dahil alam kong kahiya hiya iyon para sa babae pero heto siya at tila bulkan na sasabog na sa galit.
"Arghhh!!!! Sabi na!! Mas bastos ka pa sa inaakala ko!!!" sigaw nitong muli at sinugod uli ako.
Napahawak ito sa braso ko kaya hindi ko alam kung dapat ko bang hawakan at alisin iyon o itulak siya palayo. Pero hindi rin nagtagal ay hinila na siya ng mga kasama niyang babae.
"Alette, tama na yan!!!" saway muli ng mga kasama niya sa kaniya habang masama pa rin ang tingin sa akin.
Naaawa man ako para sa dalaga dahil sa kahihiyan pero mukhang dapat ay mas maawa ako sa sarili dahil sa sira kong damit.Hinila na siya ng isang babae at lumayo sa direksyon namin habang nagbubulungan pa rin ang mga taong nakarinig.
"Lakas mo Az!!! hahahahaha" natatawang saad ni Jing sa akin saka niya hinampas ang braso ko.
Napangiwi naman ako dahil sa sakit. Isa rin kasi ang braso ko sa mga nahampas ng babaeng iyon kanina.
"Hahahahahaha. Alam mo Az...pag maninilip ka, ‘wag kang magpapahuli.Nagpahuli ka kasi eh...hahahah" banat pa nito sa akin habang tumatawa.
"Hi-Hindi naman kasi ako naninilip eh!!" nahihiya kong sagot dito ngunit kumaway lang ito habang palabas ng hall.
Sumunod naman na agad ako sa kanya dahil tapos naman na ang palabas. Habang nasa labas ay napalingon ako kay Jing.
"Jing, kilala mo ba yung babaeng yun? Yung kanina?" nag aalangan na tanong ko rito.
"Oo naman..."
Marahil ay kilala niya ito dati pa o kaya naman ay may kaugnayan sa kanyang pamilya.
"Nakita ko siya noon, unang beses kong pumunta sa Central. Namimili kami sa building A1 habang siya ay kumakain naman ng Shenu ata yun, tapos dun ko na siya lagi inaabangan kapag namimili kami ...ganda niya kasi. Kaya siguro hindi ko rin maiwasan na maisip kung may nobyo na siya" biglang saad nito na ikinabigla ko.
Magsasalita na sana ako ng bigla na lang itong humarap sa direksyon ko at ngumiti sabay nagsalita.
"Pero ayos lang...hahahaha...nga pala salamat rin sayo. Nakita ko siya ng malapitan kanina kaya, salamat..." saad nito sabay ngumiti.
Nauna na itong naglakad kaya sumunod na ako. Nakatingin ako sa kanya habang sumusunod kaya kitang kita ko kung gaano ito ka-saya.Pero napapaisip ako. Masayang makita ang mahal natin nang malapitan pero bakit hindi niya na lang nilapitan kanina? Bakit hindi siya nagsalita man lang?
Nakatingin lang ako dito kaya hindi ko namalayan na may nakabangga pala ako. Siguro ay masyado akong pokus kay Jing kaya hindi ko na napansin ang nasa harap ko.
"S-sorry..."paghingi ko ng paumanhin rito.
Isang magandang dalaga ito na nakamaskara. W-wait...nakamaskara?
"Ms Hana?? Ayos lang po kayo?" agad-agad na tanong ng isang lalaking matangkad.
"Hoy bata!!! Sa susunod tignan mo ang dadaanan mo ah" matapang na saad ng isang lalaki.
Hindi agad ako nakasagot dahil sa nakatingin pa rin ako sa dalaga habang ito ay nakayuko lamang. Kapansin pansin ang mamula-mula nitong pisngi at perpektong hugis ng mukha. Masasabi kong marami nga ang magandang dilag dito sa Central dahil halos lahat ng mga babaeng nakikita ko ay maitsura.
"Hoy!!! Kinakausap kita bata!" saway ng lalaki sa akin na nakapag pabalik sa akin sa wisyo.
Malaking tao ang lalaking iyon kaya kailangan ko pang tumingala para makita ito ng maayos.
Nanlalaki ang mga mata nito at parang kahit anong oras ay handa itong mangain ng buhay.
Bigla akong hinila ni Jing, "Ahhh,sorry sir...pasensya na baguhan lang kasi 'tong kapatid ko dito kaya hindi niya alam ang mga patakaran dito pasensya na" paghingi ng paumanhin ni Jing.
Nabigla naman ako sa biglang pagdating ni Jing. Hindi ako nakapag-react agad dahil nag-umpisa nang maglakad ang dalaga palayo at sumunod naman agad rito ang mga kasama.Nang makaalis na ay matalim na tumingin sa akin si Jing.
"Bakit mo kinausap si Hana??" kunot-noo na tanong nito.
"Ha?"
Nasapo na lamang niya ang noo at tila ba ay problemado.
"Hindi mo dapat siya kinakausap lalo na at andyan ang mga protectors" inis na saad nito.
"Protectors?? Teka, humingi lang naman ako ng paumanhin kasi nagkabangga kami..." paliwanag ko rito.
"Kahit na!! Hindi ka pwedeng makipag-usap sa mga mas nakakataas. Isa yun sa mga bagong patakaran dito sa Central Phyllis...sa makabagong henerasyon."
Dahan-dahan niyang ipinaliwanag ang mga makabagong patakaran na isinulong dito sa Central. Wala pa ito sa mga libro kaya hindi ko pa alam. Ayon kay Jing Quo, ang mga may nakakataas na estado sa buhay ay hindi maaaring makipag-usap o makipag tinginan ng matagal sa mga may mas mababang antas. Ang mga lumalabag rito ay maaaring maparusahan ng mga protectors. Ang protectors naman ang siyang mga guwardiya na inihahandog ng Hierarchy sa mga espesyal na tao na gaya ni Hana.
Bukod pa dito ay ang mataas rin buwis na binabayaran ng mga lehitimong mamamayan ng bayan. At dahil isa lamang akong dayuhan sa Central Phyllis ay hindi ko kailangan gumastos ng halos dalawang daan at limampung rak para sa buwanang buwis.
Kung tutuusin ay hindi ganun kalaki ang dalawang daan at limampung rak para sa mga mamamayan rito gayong mas maunlad naman ang bayan na ito kumpara sa Xiang Xiu Mei. Ngunit para sa amin ay napakamahal na ng buwis na ito.
"Kaya hindi ka maaaring makipag usap sa mga kagaya ni Hana sa labas ng venue na pinagdausan ng palabas niya.Kahit sa loob ay hindi ka maaaring makipag-usap. Ngunit pwede mo siyang matitigan..." saad ni Jing
"Pero, si Hana, bakit siya hinandugan ng mga protektors?? Ano ba siya?"
Si Jing na rin mismo ang nagsabing isang ordinaryong tao lamang si Hana ngunit bakit ngayon ay bigla itong nagkaroon ng mga protectors na ibinibigay lamang ng hierarchy sa mga espesyal na tao, hindi ko maiwasang isipin na baka tama pa rin pala ang hinala ko.
Na baka ang taong tinutukoy ng mga lalaking nakasalubong ko kamakailan ay iisa sa taong nakabangga ko kanina.
"Hindi ko rin alam kung ano ang kaugnayan niya sa hierarchy pero yun nga, masasabi pa ring nakakataas siya sa atin.Hindi rin naman isinasapubliko ang mga taong may katungkulan sa hierarchy eh" simpleng sagot ni Jing sa akin.
"May kaugnayan ba siya sa Great Castle?"
"Syempre naman. Ang sabi kasi, ang hierarchy at Great Castle ay iisa. Pero ang alam ko, ang mga hierarchy ang siyang nagpapatakbo ng Central Phyllis. Sila rin ang may mga access sa Great Castle,pero ang sabi ay hindi lahat ng hierarchy ay nakaka akyat sa Great Castle. Pili lang naman daw kasi ang nakaka akyat doon" paliwanag ni Jing.
Hindi ko alam na ganito pala kalaki ang mundo dito sa Central Phyllis. Hindi lang pala ang simpleng pagpunta sa Great Castle ang dapat na tunguhin ko kundi pati na rin, kung paano ako makakapunta roon kung pati ang mga hierarchy ay hindi agad nakakakyat sa itaas nito.
Ngunit sumagi sa isip ko ang isa pang tao na hinahanap ko.
"Si-si Master Raizel, kilala mo ba siya Jing?"
"Hindi"
Halos hindi nag isip si Jing nang sabihin yun.
"Wala naman akong alam na tao na ganyan ng pangalan...sino ba yun?" takang tanong nito.
Hindi sa wala akong tiwala kay Jing pero napapaisip ako kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi.
*****
Pagkatapos namin mag-usap noon ay hindi na rin kami dumaan pa sa kung saan at dumiretso na sa kani-kanilang units.
Habang nakaupo sa kama ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang maamong mukha ng babaeng nakabangga ko kanina. Hindi ko alam pero ngayon lang ako nakakita ng ganon kagandang babae.
Nang biglang sumagi sa isip ko ang babaeng pinag hahampas ako kanina. Ang makikinis nitong binti hanggang sa…
Nagpasabunot ako ng buhok dahil sa mga kung ano anong pumapasok sa isip ko. Masyado na ata akong pagod kaya maraming kalokohan ang naiisip ko. Napahiga ako sa higaan habang nakalaylay ang mga kamay ko sa magkabilang dulo at hinayaan ang sarili na makatulog.
****
Maya-maya ay nagising ako sa malakas na tunog ng bell.Tumayo ako at tiningnan ang kumakatok. Medyo antok pa ako kaya kailangan ko pang kusutin ang dalawang mata upang makita ito ng maayos.
" Mr. Azriel, ipinapatawag po kayo sa Central Lobby Building..." seryosong saad nito.
Ilang segundo pa bago ko mai-proseso ang sinabi nito at agad na sumunod sa babae.
Isang kulay pula na robot ang nakita ko at base sa mga sinabi ni Jing, ang red robots ay para sa nga interrogation purposes. Ang puting robot naman ay mga service crews na karaniwang makikita sa mga resto at siya ring naglilinis ng mga kwarto sa bawat unit.
Habang ang itim na robots ay minsan mo lang makikita dahil nakalaan ito para sa digmaan. At ang humanoid robots ay para sa seguridad.
Nang maproseso na ng isip ko ang lahat ng iyon ay agad akong napatingin sa robot pero wala na ito. Kaya naman mag-isa na lang akong pumunta sa Central Lobby Building. Kinuha ko muna ang jacket ko bago ako pumasok sa loob ng lobby. Walang katao-tao rito kaya kapansin-pansin ang pailan-ilan na pumapasok rito. Umupo na ako sa isang bench nang bigla na lang in-announce ang pangalan ko kaya agad na akong pumasok sa isang silid.
Tulad ng mga naunang interrogation sa akin ay walang tao sa loob at boses lamang ang maririnig.
Maya-maya pa ay nagsalita na ang boses sa mikropono.
"Mr.Azriel, our camera security system reports you for entering the room that is prohibited for the civilians to enter." plain na saad nito.
Hindi agad ako nakapag-react at halos ma-estatwa ako kasabay ng biglang pag-flash ng isang larawan sa harap ko. Nagpe-play ang video na nakuha ng ultra camera security at kitang kita ang pagpasok ko sa loob ng kwarto na iyon.
Halos hindi ako makagalaw dahil sa maaaring mabisto ang plano ko. Magsasalita na sana ako para mag dahilan nang bigla na lang magsalita ang boses na iyon.
"Our system doesn't care about you and your alibis...Take those reasons unto yourself and let us finish this. This will be your first warning for entering such a room. And the system wants you to forget about that room and don't enter it ever again." mariing saad ng boses.
Nagtataka naman akong napakunot ng noo. Masasabi kong malaki ang pasasalamat ko dahil hindi ko na kailangan pang mag dahilan pa pero mas ipinagtaka ko kung bakit parang takot silang mapasok uli ang kwartong iyon.Pinalabas na ako ng boses na iyon at hindi na ako nakapagsalita pang muli.
Habang naglalakad paalis ay may nakita akong pumasok sa loob ng elevator. Susunod na sana ako pero hindi ko na ito naabutan kaya naman kailangan ko pang maghintay. Nagamit na kasi ang halos limang elevator sa ground na ito.
Napasandal na lang ako sa pader at napaisip tungkol sa kwarto na iyon. Hanggang sa may narinig akong kakaiba at weird na tunog sa kabilang kwarto. Ayokong mag-isip ng masama pero mas lumakas pa ang mga weird na boses na iyon.
Dumikit ako sa kwartong iyon at pinakinggan ng mabuti ang boses na iyon.
"Ahhhh!!!"
*Ang isang rak ay katumbas ng 17$ sa totoong buhay*