"Ahhhh!!!!"
Mas na-curious ako sa mga boses na iyon kaya naman hindi ko maiwasan na mas ilapit pa ang tenga sa pinto.Hanggang sa mas maging malinaw na ito sa akin kung ano iyon at akmang bubuksan ko na sana nang bigla na lamang may sumita sa akin.
"Anong ginagawa mo dyan??!!" sigaw ng lalaking may kalakihan ang tiyan.
Sasabihin ko pa sana na may naririnig akong ingay sa loob ng magsalita ito uli.
" Penalty code 17: No one is allowed to stand at the front of the stranger's unit" banggit nito saka ko naalala ang mga nabasa ko sa manual ng unit.
“Pe-”
“NOW!” malakas na sigaw nito
Dahan-dahan na lang akong lumayo sa unit na iyon at naglakad na palayo. Pero mas nagtataka ako noong pumasok na ako sa elevator at muling sinilip ang lalaking nangsita sa akin ngunit wala na roon ang lalaki. Wala na akong nakita. Isang kwarto ang nasa dulo ng kwarto at sigurado akong hindi naman ganun kabilis makakababa ang lalaking iyon gamit ang hagdan.
Nasaan na iyon? Napakunot ako ng noo .Maya-maya ay bumaba na ang elevator.Hindi ko na masyadong binigyang-pansin ang lalaki kanina bagkus ay naglakad na lamang paalis ng elevator.
Balak ko muna kasing bumili ng makakain bago ako umuwi kaya naman pagkalabas ko ng elevator ay nagtungo na ako sa bilihan. Hindi rin naman nagtagal ay nakabili na rin ako at bumalik na sa unit ko.
Wala na rin akong naririnig na ingay mula roon at napaka tahimik na ng paligid. Maging ang lalaking sumita sa akin kanina ay wala na rin doon.
Nang makarating na ako sa unit ko ay napahiga na agad ulit ako sa kwarto. Sobrang dami ng nangyari sa akin ngayon kaya naman hindi ko maiwasang mapagod. Maging ang mga narinig ko kanina. May kutob ako na nasa panganib ang mga nasa kwarto ng iyon, ang ungol na iyon ay nakakabahala. Pero hindi ko magawang tumulong dahil sa mga patakaran. Bukod pa roon ay hindi ko rin naman alam ang gagawin ko sa oras na makapasok na ako.
Habang nakahiga ay naisip ko kung ano kaya ang nangyari sa kanila. Hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
Tunog ng alarm ang nakapag pag gising sa akin kaya agad akong napabalikwas sa higaan.
10 PM
Naramdaman kong nanunuyo ang lalamunan ko kaya naman uminom muna.
Balak ko pa sana ang lumabas upang bumili ngunit 10 na pala at hindi na pwedeng lumabas ang kahit sino sa kanya kanyang unit. Sa pagpatak kasi ng 9:30 ay nagkakaroon na ng inspeksyon ang mga robots at naglalabas ito ng napakalakas ng waves kaya naman nababahala ang mga tagapamahala sa mga units.
*****
Kinabukasan, nagising ako ng maaga dahil sa isang tunog. Iyon ang tunog sa tuwing may namamatay. Nag-ayos agad ako ng sarili at lumabas. Naabutan ko ang ibang tao na nakiki usyoso sa dumadaan na blench. Isa itong robot na hugis higaan na karaniwang ginagamit sa mga emergency sa hospital.
Nakasakay sa blench na ito ang isang matabang lalaki at sa kabila naman ay ang babae na may katulad na katawan sa lalaki. Nagulat pa ako dahil sa kaputian ng dalawa. Hindi kasi pangkaraniwan ang puti nila. O baka naninibago lang ako dahil ngayon lang ako nakakita ng ganoon kaputi na tao.
Habang dumadaan ang blench ay narinig ko ang mga usap-usapan ng mga tao.
"Grabe, tingnan mo naman at parang kahapon lang noong kausap ko iyang si Abet, pero ngayon patay na..." malungkot na saad nito.
"Oo nga...pag talaga oras mo na, oras mo na.." nakayukong saad ng isa.
"Mamatay rin naman tayo eh, bakit pa tayo magtataka na namatay sila" diretsong saad naman ng isa.
Napalingon agad ako rito. Oo nga pala. Tulad ng mga sinabi sa akin noon ng matatanda, tatlo lamang ang dahilan kung bakit namamatay ang tao.
Una ay dahil sa pinarusahan ito ng hierarchy, maaari rin namang namatay dahil sa sakit at karamdaman o kaya naman ay dahil sa katandaan. At ang panghuli ay maaaring dahil sa oras mo na talaga upang mamatay. Hindi sila naniniwala na maaaring may pumatay rito.
"Iyan kasi, antaba naman kasi nila masyado eh, ‘yan tuloy at namatay sila ng maaga"
Hindi ko maintindihan ang ilan sa mga sinasabi ng mga tao pero karamihan sa mga konklusyon nila ay hindi na sila na sorpresa pa na namatay ang dalawa. Na parang napakapormal lang nito.
Hanggang sa naaalala ko ang ingay na narinig ko sa isang kwarto. Iyon rin ang kwartong kinabibilangan ng mag-asawa na ito! Hindi kaya…
Inilibot ko ang paningin hanggang sa makita ko si Jing.
"Jing!!!" sigaw na tawag ko rito.
"Oh? Ikaw pala, bakit??" masayang bati nito.
Sabay kaming naglakad papunta sa isang Z-resto para kumain. Umorder na rin kami bago dumiretso sa upuan.
"SIya nga pala, malapit sa unit niyo yung namatay ah...kilala mo?" tanong nito sa akin.
Hindi naman na ako nagtataka dahil alam ko na kung sino ang tinutukoy nito. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa kanya-kanyang upuan.
"Mm...oo pero hindi ko naman sila kilala" saad ko.
Marahil ay nasa isang unit ground kami pero hindi ko naman kilala lahat ng mga ‘yun.
"Sa tingin mo, ano ang ikinamatay ng mag asawa?" curious na tanong ko sabay kagat sa inihaw na manok na in-order ko.
Nagpatuloy ako sa pagnguya pero wala akong napansin na gumalaw si Jing. Nakaupo lamang ito at parang walang balak na sumagot. O baka naman hindi niya ako narinig?
"Jing??"
"Hmmm...??"
Saka lamang ito napalingon sa akin. Tinanong ko uli siya dahil mukhang hindi niya naintindihan ang una kong tanong.
"Hmmm, ang alam ko kasi may sakit ang dalawang ‘yun. Halata naman sa katawan nila eh. Sobrang taba na nila at baka ‘yun ang dahilan ng pagkamatay nila" sagot ni Jing saka ipinagpatuloy ang pagkain.
Napapaisip ako lagi tungkol sa pagkamatay ng isang tao. Sa totoo lang ay hindi ako naniniwala na namatay ang dalawang iyon dahil sa sobrang katabaan. Marahil angdalawang iyon ay pinatay at hindi namatay sa ordinaryong paraan.
Pero alam kong walang kahit isa ang maniniwala sa akin dahil una sa lahat ay hindi makakagawa ng ganung krimen sa oras na tumungtong ka sa Central Phyllis. Maaari pa kung nasa Xiang Xiu Mei o kaya naman ay sa Ezben. Iyon ay dahil sa sobrang higpit ng seguridad kaya matatakot na ang mga tao na gumawa ng masama lalo na sa bayan na ito.
Bakit ganoon ang paniniwala nila?
Bigla kong naalala ang sinabi sa akin noon ng aking lola.
Flashback
"Lola, sabihin niyo na po kasi, bakit po ba namamatay ang tao?" curious na tanong ko noon sa kanya.
Nagluluto kami noon para makapaghanda ng ihahandog sa pagdating ng mga house guards.
Nabalitaan kasi ng lola ko na namatay na ang kaibigan niya na babae sa kabilang bayan.
"Iho, hindi mo pa maiintindihan ‘yan sa ngayon..."mahinahong pagpapaintindi ni lola sa akin.
"Pero lola...matalino po ako. Maiintindihan ko po yun" matapang na sagot ko kaya naman napilitan na si lola na sabihin ito sa akin.
"Apo, ang tao ay namamatay kasi tao tayo, hindi imortal. Ang pagkamatay ng isang tao ay tuwing gabi lang at hinding hindi mamamatay ang tao kung deserve niya pang mabuhay. Kapag oras mo na,oras mo na" paliwanag nito sa akin.
"Pero...lola bakit hindi po ba pwedeng mamatay ang tao sa umaga??"
"Sabi nila, hindi...at naniniwala ako doon. Dahil lahat ng mga kakilala ko ay namatay tuwing gabi.." saad nito saka nilagay ang mga gulay sa niluluto.
*****
Alam kong maaaring walang maniwala pero sigurado akong may pumatay rito. At noong oras na narinig ko ang weirdong tunog sa loob nito ay ang eksaktong oras na may pumatay sa kanila.
Hindi ko maiwasang makaramdam ng guilt dahil kung natulungan ko lang sana ito ay maaaring buhay pa ito ngayon. Hindi ko naman dapat iniisip kung sino at ano ang motibo ng pumatay ngunit hindi ko pa rin maiwasang isipin kung gaano kabrutal ang pagpatay sa mag-asawang iyon.
Maya-maya ay may narinig akong nag-uusap sa kabilang mesa.
"Oo, room 675 ata yun..."
"Wehh...hala malapit pala ‘yan sa kwarto ng pinsan ko"
"Talaga?"
"Oo,nakakatakot noh....hindi natin alam kung mabubuhay tayo o hindi eh" saad nito.
Ramdam ko ang lungkot at takot ng dalawa at hindi man nila sabihin ay alam kong ang mag-asawa na namatay ang pinag uusapan nila base sa mga sinabi nila.
Napakuyom ako ng kamao dahil dito. Kung ganon nga ay mukhang hindi lang ako ang biktima kung hindi ay marami kami.
Pero ang ipinagtataka ko ay kung bakit parang ako lang ang nakakakita sa katotohanan? Na hindi sila namatay dahil nagkasakit o na aksidente sila, kung hindi dahil sa may pumatay sa kanila.
"Ayos ka lang Az?" tanong ni Jing nang mapansin niyang nakakuyom ang mga kamao ko.
Napatango na lamang ako at simpleng inilingon ang paningin sa kabilang direksyon.
Pagkatapos namin mag-usap ay bumalik na rin ako sa unit ko dahil may balak akong puntahan ngayon. Plano kong puntahan si Kenaz, kaibigan nina Maeve at naging kalaro ko rin dati, ngunit hindi rin nagtagal dahil umalis na siya agad bago pa kami maging malapit sa isa't isa. Pero nang muli itong bumalik sa Xiang Xiu Mei, ay labing limang taon na ako at nangako siya sa akin na tutulungan niya akong maghanap ng hustisya sa pagkamatay ni lola.
Sa ngayon ay isa siyang underground fighter sa LX ward. Kilala siya bilang "The killing machine" dahil sa dami na ng napabagsak niya sa ground pero hindi siya ang pinakamalakas sa lahat. Sabi ni Maeve ay pang labing pito lamang si Kenaz sa pinakamagaling na fighter sa underground.
Nakakamangha na kahit na makapasok ka sa ika-dalawampung rank sa ground dahil libo-libo ang mga fighters doon pero mas nakakamangha kung magiging pinaka malakas ka.
Habang papunta sa LX ward ay may naririnig akong boses. Sinilip ko ito at nakita ko ang isang malaking tao
"Sino naman ito?" tanong ng isang lalaki.
“Ah basta iyan,”
"Bakit ito?..." natatawang saad pa nito.
Malaki ang katawan nito at parang bakal na ang katawan. Malayong malayo sa katawan ko.
Baka ito ang number one nila?
Kinakabahan ako sa ngayon. Sigurado akong sa oras na pumasok ako sa kwarto na iyon ay mapapalibutan na ako ng mga malalaking tao ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikita si Kenaz.
Nasaan na ba ‘yun?
Hahakbang na sana ako paalis nang bigla na lang may tumawag sa akin. Napaka-lalim ng boses nito kaya nagulat pa ako nung una.
"Hoy bata!!!"
Hindi agad ako makagalaw at makapagsalita. Nanatiling akong nakatalikod rito at hindi na humarap sa kanila. Hanggang sa makarinig ako ng mga yabag na unti unting lumalapit papunta sa direksyon ko.
Naramdaman kong mas lumapit pa ito sa akin at hinawakan ang balikat ko.
"Bata!!! Kinakausap pa kita hindi ba??" nakakatakot na saad nito.
Hindi pa rin ako makagalaw ngunit dahan-dahan na nagagalaw ang katawan ko paharap sa lalaking ito. Hindi ko siya kilala pero natatakot na ako sa presensya niya.
At maya-maya pa ay naiharap na ako sa kanya. Unang tumambad sa akin ang kanyang malapad sa dibdib na halos sementadong pader na kung titignan.Unti unti kong itinaas ang ulo ko at tumingala hanggang sa nakita ko ang kabuuan niya.
Matapang ang mukha nito habang ang buhok ay nakahilig sa magkabila. Hindi naman katandaan ang mukha pero siguro ay nasa mid 30 na ito. May maliliit na balbas rin ito sa gilid ng mukha hanggang sa bandang leeg na mas nagpapatapang sa mukha niya.
Nang makita ko na ng maayos ang mukha nito ay pinandilatan ako nito ng mata.
"Sino kang bata ka huh??" nananakot sa saad nito.
"Hindi yan taga-rito Bran..." saad ng isa.
Naguluhan naman ako dahil halos lahat sila ay nakangisi at parang nakakita ng bibiktimahin. Nang biglang may magsalita sa likuran niya
"Bran?? Anong meron dyan?" saad ng tinig.
At lumitaw noon ang taong hinahanap ko.
"Azriel?" nagaa-alangang tanong nito
"Kuya Kenaz..." magalang na saad ko.
Matanda siya sa akin ng limang taon kaya dapat lang na tawagin ko siyang kuya.
"Kilala mo Ken?" tanong ng lalaking si Bran.
"Oo, kaibigan ko..."sagot nito.
"Ah, akala namin outsider eh..."
Muling tumingin pa sa akin ng lalaking iyon bago tuluyang umalis kasama ang iba pang mga lalaki kaya kaming dalawa na lang ang naiwan doon.
"Sabi na nga ba at darating ka," nakangiting bati nito.
Pero hindi ko pa rin magawang makapagsalita dahil nakatingin pa rin ako sa mga lalaki kanina.
"Si Bran ba? hahaha...hayaan mo yun, ganyan talaga siya. Pero wag ka mag-alala, mas magaling ako dun... Bwahahahahaha" tawang tawa na saad niya.
"Mas magaling ka pa dun?"
"Oo naman, ano bang binatbat ng rank 23 sa rank 14?"
Rank 14??
"Rank 14 ka na kuya?"
"Oo...tumaas ng ilang puntos hahahahahaha..." mapag malaking sambit nito habang natatawa.
Natutuwa ako na makita si kuya Kenaz ngunit hindi ko rin maiwasang makaramdam ng takot rito dahil sa rank nito sa ngayon. Kung natatakot na ako sa lalaking yun, kay Bran na isang rank 23...paano pa kaya sa isang rank 14 na si Kuya Kenaz.
Hindi ko tuloy maiwasang humanga sa galing niya.