Third Person's POV "Ginoo, positibong siya ang batang Lei. Kilalang-kilala ko ang lola niya, walang duda. Sigurado ako, Councilor Cosin," litanya ng matanda na ikinagulat ng lahat. "Ha? Totoo ba?" "Kaya hindi niya rin nasabi kung sino ang totoong batang Lei!" "Lapastangan!" Kaliwa't kanang usapan ang bumalot sa lugar. Napayuko naman ang iba dahil sa wakas ay nakita na nila ang taong naging dahilan ng pagbagsak ng Litri. Sa kabilang banda naman ay naikuyom ni Vera ang kanyang kamao. Ngayong nalaman na ng lahat ang totoo ay paniguradong wala na silang kawala. "Totoo ba iyon, Ginoong Azriel?" naninigurado na tanong ni Councilor Cosin. Nanatiling nakayuko ang binata. Hindi niya alam kung paano haharapin ang lahat lalo na si Syrr na naging malapit sa kanya. Sa katunayan ay masaya siya sa

