Ika-apatnapu't dalawang Episodyo

2032 Words

Azriel's PoV Nanatiling naka-angkla ang mga braso ni Vera sa akin. Nakahilig ang ulo nito sa balikat ko habang tahimik na natutulog. Alam kong hanggang ngayon ay apektado pa rin siya nang ginawang panloloko rito ni Sin. Sa totoo lang ay wala ako masyadong alam tungkol sa dalawa bukod sa malapit sila sa isa't isa simula pagkabata. Napatingala ako sa langit. Ngayong nakaalis na kami sa site na iyon ay maaari na kaming magpatuloy sa tunay na rason ng pagpunta ko rito sa Litri. Ngunit sa kabilang banda naman ay nagdadalawang-isip ako tungkol rito. Ngayong nakatakas kami sa site ay paniguradong hindi na rin kami malayang makakapaggala sa loob ng lugar. Napabuntong hininga ako. Ilang buwan na ang nakakalipas ngunit kahit isa ay wala pa kaming naisasagawa. Maya-maya ay isang malakas na sigaw

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD