Azriel's POV Minabuti kong sundan ang dalawa ngunit hindi pa man ito nakakalayo ay bigla na lang tumakbo si Jing palayo kaya naman pinilit ko itong hanapin. Lumiko ako sa kanan nang mapansin kong may tumatakbo sa direksyon na iyon. Sinundan ko pa ng anino nito hanggang sa hindi ko na namalayang nawala na ito sa paningin ko. Inikot-ikot ko pa ang paningin ko sa halos ilang minutong pagtayo sa gitna ng maraming tao ngunit hindi ko na muli itong nakita. Laglag balikat akong bumalik sa unit ko. Hindi ko naman alam kung bakit tumakbo si Jing pero bakit mukhang takot na takot ito? At sino naman ang kasama niya? May nararamdaman kasi akong kakaiba mula sa nakita ko kanina. Hindi ito mapakali at balisa. Sa pagkakakilala ko kay Jing ay hindi siya ganon dahil napaka-masayahing tao nito.Nang ma

