Naging isang malaking party ang dinaluhan namin kagabi. Hindi dahil sa marami ang pumunta kung hindi dahil sa mga bigating panauhin. Ayon kay Jing ay kasama rito ang mga malalayong kamag-anak ng hierarchy tulad ng mga tiyuhin at mga pinsan nito. Kahit kasi malayong kamag-anak sila ay tinitingala pa rin ang mga ito dahil sa koneksyon nila sa itaas. Halos alas-onse na nang matapos ang kaganapan na iyon. Naging maayos naman ang lahat ngunit may kakaiba akong napansin kay Jing kahapon. Matapos ko kasing ulit-ulitin ang tungkol sa pagpunta niya sa interrogation room ay hindi na siya nagbubukas pa ng usapan na malapit sa usapin na iyon. Pinipilit niya ring iwasan ang mga tanong ko sa tuwing napapadako roon ang usapan. At nang matanong ko ang tungkol sa Ring of Trevon ay hindi niya nagawang s

