"T-tubig..." Nagising ako sa reyalidad nang bigla itong magsalita. "Ah! Oo, te-teka" nauutal na saad ko saka tumayo. Nagpaalam muna ako na bibili ng tubig dahil tanging pagkain lamang ang dala ko kanina.Habang naglalakad ay pinagsasampal ko ang sarili dahil sa kahihiyan. Tsk!! Inabot pa ako ng ilang minuto ngunit pagbalik ko ay wala na ito sa dating pwesto.Nasaan naman na yun? Iniikot ko ang paningin sa paligid hanggang sa makita ko ang isang lalaki. Teka...siya ang lalaking hinahabol ko kanina ah!! Lalapit na sana ako nang bigla kong makita ang dalaga na kanina lang ay kasama ko. Pilit ito na pinasakay sa loob ng isang sasakyan. Nanatili akong nakatayo sa kinaroroonan ko. Ba-bakit? Maya-maya pa ay napatingin ito sa direksyon ko. Hindi ito nagsalita bagkus ay boluntaryo itong

