Alette's POV Dahil doon ay sinabi ko ang lahat kay Jing. Gusto kong tulungan si Azriel sa kung ano man ang nangyayari sa kanya bago ako umuwi sa amin para naman tulungan ang pamilya ko. Hindi ko kayang humiga lamang rito maghapon sa loob ng dalawang linggo nang walang ginagawa habang ang mga taong mahalaga sa akin ay nasa panganib. Noong una ay hindi ito pumayag sa gusto ko ngunit nag matigas ako. Alam kong siya lang ang pag-asa ko para makalabas sa hospital kaya naman ginawa ko ang lahat upang mapapayag ito. Kalaunan ay pumayag na rin siya. Tanghali noon at kailangan ko nang kumain nang dumating si nana. Akala ko nung una ay naging mabait lamang si Jing kaya niya ito binigyan ng maiinom ngunit nakita ko na lamang si nana na nakatulog sa sofa. "A-anong ginawa mo?!!" biglang sigaw ko ri

