ALETTE POV Hindi na kami nagtagal sa kwartong iyon at agad na dumiretso palabas kung saan kami idadaan ni Vera.Buhat buhat pa rin nina Azriel at Jing ang katawan ng lalaki na hindi ko alam kung buhay pa ba. "Azriel! Dalian niyo! Malapit na tayo," utos sa kanila ni Vera habang tumatakbo. Nakasunod lamang ako sa kanila habang tumatakbo. Nakatingin ako sa direksyon kung saan kami patungo ngunit malayo pa lamang ay may napansin na akong kakaiba. "Te-teka!!" malakas na sigaw ko sa kanila habang nakatingin sa harap. Sabay sabay silang napatingin sa akin. Hindi ko alam ngunit may napansin akong bulto ng tao sa daan kung saan kami pupunta. Agad na lumapit si Vera sa tabi at gaya ng iba ay nakatulala ito habang nakatingin sa taong nasa harapan. "Si-Sin" nanghihinang saad ni Vera. VERA POV

