Azriel POV Agad akong lumapit kay Alette nang makita ang kaputlaan nito. Hindi ko alam kung paano ito aakayin lalo na nang bigla ito sa mismong harapan ko. "ALETTE!!" Anong nangyayari sa kanya? Te-teka— "Alette?? Alette!!" Pinipilit ko itong gisingin ngunit hindi ito magising gising. Binuhat ko ito pahiga sa kama niya.Nakasuot ito ng manipis na shirt at maikling shorts, tipikal nitong kasuotan sa tuwing nasa loob ng unit. Hindi ko maiwasang mapatingin sa kanyang katawan. Sa totoo lang ay halos perpekto na ang katawan ni Alette. Maputi, makinis at malambot ang balat nito kaya naman hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaiba sa tuwing nagdidikit ang aming mga balat. Arghh!! Ano ba iyang iniisip mo, Azriel! Agad kong iwinaksi sa isipan ang anumang ideya ang pumapasok sa isip ko. N

