Azriel's POV Nanatili lamang kaming nakatingin sa kanila. Halos walang naglakas-loob na magsalita. Paano namin sasabihin kay Alette ang tungkol kay Thye kung nasa ganito kaming sitwasyon? Alam namin kung gaano kalapit si Alette lalo na ang kanyang pamilya sa lalaking ito, hindi katulad naming tatlo nina Jing na kamakailan lamang nang makilala si Alette. Hahakbang na sana ako palapit rito nang biglang magsalita si Jing. "Alette! Hoy, kamusta na?!" malakas na sigaw nito saka mabilis na lumapit sa dalaga. Napakunot ang noo ni Alette sa biglaang pagsigaw nito. "Ha?" naguguluhan na tanong nito. "Aish! Hindi ka man lang matuwa na nag-aalala kami?" patawang tanong ni Jing. "Eh? Akala ko naman kasi ay may sasabihin kayong importante sa akin eh, ang seryoso kaya ng mga mukha niyo," saad nito

