Alette POV Halos hindi pa sumisikat ang araw nang magising ako. Kahit na hindi pa ganoon kaganda ang pakiramdam ko ay parang naging magaan ang paggising ko. Balak kong puntahan muna si ama sa kulungan upang bisitahin ito bago mag-umpisa mamaya ang paglilitis. Hindi rin nagtagal ay dumating na si Thye. Dala ang mga papeles na kailangan para mamaya ay sabay kaming naglakad palabas ng building. Hindi na rin muna namin inabala ang tulog nina Azriel ngunit nag-iwan na lamang ako ng sulat sa harap ng kwarto ni Vera. "Binibining Alette, hindi maaaring magpunta agad tayo sa kulungan ng iyong ama," biglang saad nito na ikinagulat ko. "Ha?? Teka! Humingi na tayo ng permit noong nakaraan pa ah?! Bakit bawal??" takang tanong ko. Dahil ngayong araw ang paglilitis ni ama ay hindi rin basta basta an

