"Habulin mo ko, bleh! Hahahaha" nang-iinis na sigaw ni Nyree kay Maeve habang tumatakbo. Hindi naman nagpatalo si Maeve at tumakbo rin upang habulin ito. "Ikaw! Mahahabol rin kita!! PUGITA!!" sigaw nito saka mabilis na tumakbo palapit rito. "Hahaha," Habang ang binatang si Azriel naman ay natatawa lamang sa isang tabi habang pinapanood ang mga kaibigan. Nasa isang parke sila upang i-celebrate ang kaarawan ni Nyree. Hindi pa mataas ang sikat ng araw kaya naman hindi pa masakit sa balat ang init. "Hmm," nakangiting saad ni Azriel habang inihahanda ang pagkain. Mga aalas-singko pa lang ng umaga ay binulabog na siya nang dalawa upang magpunta sa parke at maagang makapaghanda ng makakain. Ngunit sa huli, mukhang ang binata lamang ang mag-aasikaso ng lahat habang ang dalawa ay walang ginaw

