Azriel POV Pagkalipas ng ilang minuto ay huminto na rin ang sasakyan namin. "Andito na tayo," saad ni Alette na may halong pagkasabik sa mga boses nito. Ilang saglit pa nang mapatingin ako rito ay nakita ko kung gaano na siya kasabik na makita ang kanyang pamilya. Marahil ay nasa hindi magandang sitwasyon sila ngayon ngunit alam kong may tiwala ito sa kanila na nasa mabuting kalagayan ito sa mga oras na ito. Sumunod ako sa kanya sa pagbaba. Hindi katulad ng Litri ay mas malawak ang pagitan ng mga building dito at kung tutuusin ay halos hindi magkadikit ang mga taong naglalakad sa mga kalsada. Naunang naglakad si Alette papunta sa isang kalye habang hila-hila ang kanyang maleta. Napatingala naman kaming tatlo nina Vera at Jing habang pinagmamasdan ang paligid. Hindi rin nagtagal ay n

