Third Person's PoV "Totoo ba ang bali-balita?" takang tanong ng isang ale sa katabing lalaki. Kasalukuyan silang nasa gitna nang building habang nakatingin sa mga taong nagkakagulo sa harap ng isang unit. "Siguro nga..." sagot nito sa ale. "Naku, kawawa naman tuloy ang mga anak niyan," "Ang sabihin mo, nasayang lang lahat ng pinaghirapan niya..." "Oo nga..." Kaliwa't kanang bulungan ang namayani sa paligid habang pilit na dinadala ng mga houseguards ang isang lalaki. Hindi naman mapigil ng isang bata ang pag-iyak habang nakatingin sa lalaki. "Amaaa!!" sigaw nito kasabay ng pagtulo ng kanyang luha at sipon. Wala namang pakialam ang bata sa kanyang itsura ng mga oras na iyon sapagkat ang tanging inaalala niya lamang ay ang taong nasa harap niya. Dahan-dahan na umupo ang lalaki sa

