Alette POV "Sige lang, ako na," ani Vera habang binubuhat ang mga kahon at inilipat sa kabilang silid . Hindi naman na ako umalma at hinayaan na lamang na siya ang bumuhat ng mga iyon. Naglakad ako papunta sa kabilang direksyon at umupo muna habang hinahantay siyang matapos. Ilang araw na matapos naming makatakas sa Litri. Dumiretso agad kami sa katabing lugar nito upang magpagamot. Mabuti na lamang at hindi ganun kaganda ang relasyon ng Litri sa kanila kaya naman hindi kami nakita sa lugar na ito. Malubha ang kalagayan ni Azriel at Jing nang mga oras na iyon dahil muntik na kaming mahuli nang isang tauhan ni Councilor noong paalis na kami sa site. Natamaan sa tagiliran si Azriel ngunit pinilit pa rin naming umalis sa lugar na iyon. Nang makarating na kami dito ay dumiretso kami sa is

