Ika-apatnapu't limang Episodyo

2311 Words

Third Person's POV Dahan-dahang bumagsak ang walang malay na katawan ni Jing. Halos manlaki ang mga mata ni Azriel at Alette habang nakatingin dito. Para bang huminto ang mundo ni Azriel dahil sa nakita. Hindi niya maramdaman ang kanyang paghinga, maging ang kanyang paligid ay hindi niya na maramdaman. Tanging sa kaibigan niya lamang siya nakatingin. Unti-unting bumalik sa kanyang ala-ala ang lahat ng pinagsamahan ng dalawa. 'Bakit...bakit ko na-aalala ang mga ito?' sa isip isip ni Azriel. Para bang ang paligid niya ay naging mabagal ang paggalaw at maging ang pagbagsak ng katawan ni Jing ay umabot pa ng ilang minuto. Habang si Jing naman ay nakatingin lamang sa mga kaibigan.Sa huling sandali ay napatingin pa sa kanya si Azriel hanggang sa dahan dahang bumagsak sa sahig "JINGGG!!!!"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD