Third Person's POV "Na-nakita,” “...nakita ko na siya," nahihirapang saad ng binatang si Azriel. Hindi makapaniwala ang lahat. Sa dami ng dugo na nawala rito ay nagawa pa rin niyang umupo upang magsalita. "Azriel..." mahinang tawag sa kanya ni Vera. "Nakita ko na...ang batang Lei," pahina nang pahina na saad nito. "Sino? Sabihin mo?! Nasaan na ang taong hinahanap namin?!" galit na saad ni Councilor Cosin. Dahan-dahang tumayo ang binata habang inaalalayan siya ng mga tao sa paligid. Kung tutuusin ay hirap na hirap na ito sa pagsasalita. Maging ang paghinga ay hindi na rin niya alam kung paano. Nanunuyo na rin ang lalamunan niya kaya naman hindi na rin ganon kalakas ang boses niya. Ilang saglit pa ang nakalipas ay tuluyan nang binitawan ng councilor ang leeg ng dalaga. "Aauckk!!" ma

