SHEENA's POV
First time. (^_^)
Hiiiiiiiiiiiii everyone.
I am Sheena Faith Clemente, 24yrs/old aiye's bestfriend and kuya adrian's sister.
Pagkatapos ng pag uusap namin ni aiye at ng pinsan niya na iwan ko kung ano ulit yung pangalan. Zhandy? Zhan-? Ay! Iwan. Basta yun at nauna akong magpaalam sa kanila, mukhang my pupuntahan pa sila. Inaasahan ko namang anytime magkakatagpo talaga ang landas namin dito simula nung malaman kong nakabalik na siya.
Nagtatampo ako sa kanya, syempre bestfriend ako, sisters na turingan namin lahat ng problema niya sasabihin niya sakin at ganun din ako sa kanya.
Pero naiintindihan ko siya, iba na kasi ang situation syempre awkward yon pagnagkataon. It's between aiye and my brother na hindi ko naman inaasahang mangyari yon sa kanila. Hellooow? 24 lang din si aiye like me and 34 naman si kuya adrian magkapatid lang kung tutuusin, baka nga totoo yung sinasabi nila na 'Age does not matter'. Pero bakit kami ni heath hindi ganun? Heath was my first boyfriend and never ko inexpect na magkakahiwalay kami. No third party involve in our break up it was all of a sudden and 2 years ago na yon at ayaw ko ng balikan.
Trabaho sa companya nalang namin ang inaatupag ko kasi nakakatrauma ang magmahal. Imagine? We were 8years in a relationship and break up ang bagsak namin, NAPAKASAKIT! SOBRA! Pinahiran ko ang luhang pumatak, P*tik! Kasasabi ko lang na ayaw ko ng balikan ang mga alaala pero ang b*plaks ko din, kasi ang tanga ko pa rin. Oo, mahal ko pa. Rinig niyo na?? Marupok ba? Anong magagawa ko? Eh, sa hindi pa ako fully nakamove.on, 8 years yon.. eh huhuhu
I fix myself and get inside the car who was waiting for me and told the driver to go and drove off.
While on the way pauwi my phone rang. So, kinuha ko ang phone sa bulsa ng jeans ko at tinignan ang caller kung sino. Si kuya lang pala kaya sinagot ko.
"Hello kuya. Bakit?"
"Nasaan kana?"
"On the way pa lang. Bakit?
"Saan banda?"
"Papalagpas ng avenue, dito emall banda"
"Bili kang pizza hut, yong hawaiian. Tatlong box"
"Sige." At ibinaba ang tawag saka ako tumingin ky kuya jun. "Kuya jun, daan muna tayong pizza hut. My pinapabili si kuya."
"Sige po maam shee" ilang segundo lang narating namin ang shop dahil malapit lang to nung tinawagan ako ni kuya. Bumaba ako ng kotse at pumasok sa loob.
"Welcome to pizza hut, what is your order maam?" Maligayang bati ng isang staff.
"3 box of hawaiian please yong large"
"Okey. Anything else maam?"
"No, that's all. Thank you"
"I'll prepare your order maam, here's your no. And please be seated for a while" bago ko kinuha ang order number nagbayad muna ako at naghanap ng mauupuan. Pinaka paborito ni kuya ang pizza lalo na ang hawaiian. Iiyak ang buong mundo paghindi yan nakakain ng pizza sa isang linggo. Nag Scroll scroll lang ako sa cellphone ko habang hinihintay ang order ko nang my mahagip akong post.
Whatever is taken away from you will be replaced with something better...
-unknown
Yan ang nakalagay na caption sa isang picture. Motivational to ah. E heart ko nga ❤️ 'ZMxoxo' ang name ng nagpost at ini'stalk ko ang account. Puro mga positive ang post niya kaya nilagyan ko ng heart yung ibang gusto ko, bahala kung sino man to.
Hindi nagtagal dumating rin ang order ko saka nagthank you at lumabas na pagkatapos pumasok sa sasakyan.
"Tara na kuya jun" tinanguan lang niya ako at nagdrive na pauwi.
Pagkarating ko sa bahay.
"Oh! Ito na po order niyo sir" sabi Ko ky kuya.
"Thanks bunso"
"Wow! Makabunso to. Ba't ba kasi hindi ka nalang nagpadeliver?"
"Matagal pa kasi darating pag nagpapadeliver kapa, on the way ka naman kaya, bakit ba?"
"Tsk! Cheee!!!"
"Ikaw ah, Simula nung maghiwalay kayo ni heath nagtataray kana." Panunukso kunwari niya sakin.
"Sige. Ipaalala mo pa, hindi kana makakaulit dyan sa pizza na yan" banta ko.
"Hindi ka na rin mabiro" tampo niya kunwari.
"Whatever"
"Anyways, I have something to discuss with you about work"
"What is it brother? Can't it wait? I just arrive. I mean we just arrive from a freaking vacation!"
"It can wait, Ofcourse. it's just that I can't wait"
"Fine. About what?"
"I'm thinking about being partnered with the ALRA Group" Sabi niya. Teka, alra group? Diba kina aiye yon?
"ALRA Group? You mean, aiye's company?"
"Yes."
"Are you serious? We haven't even keep in touch with them for how many years. And you want to be their business partner?"
"Yes, ofcourse I am serious. Do I joke about business?" Seryoso niyang sagot. Tinititigan ko pa siya kung totoo ba talaga ang sinasabi niya.
Totoong wala na kaming connection sa kanila simula ng mawala si aiye, it's because nahihiya rin si kuya adrian sa mga nangyaring hindi maganda. I am confident in our winery, but the thing is papayag kaya si tito alex about this?
"Why all of a sudden?" Tanong ko.
"I want to do everything, everything that I can make reign to be near me." Makahulogang sagot niya
"Kuya naman. There are other ways for you to be near her, did you forget what did you do to her? Para kang stalker na sobrang creepy. Alam mo ba yon?" I ask frankly, natameme naman siya. Buti nga kasi parang nagkakalimutan na eh. Naaalala ko pa kanina ang reaksyon ni aiye ng mabanggit ng pinsan niya na nakasalubong niya ang kuya ko. Hays .. . ..
"I saw her" sabat ko bigla dahil natahimik siya, kita kong nagulat siya.
"What? When? Where? Bakit hindi ka tumawag sakin? Where is she?" Panic agad na sagot niya. Ang oa ah, ito ba talaga ang kuya ko? Tinamaan ng husto.. tsk! Tsk!, Pag ibig nga naman .
"Chill! My dear brother." Pambibitin ko.
"Saan nga?"
"Sa airport. Kanina.. diba nahuli ako?"
"Wait. What? How come I didn't see her?"
"Parang naging b*plaks ka ata ngayon kuya. Diba kasasabi ko lang, nahuli ako kanina. Kaya nga nakapag utos ka ng pizza."
"Oh? Makab*plaks ka naman. Kuya mo pa rin ako."
"Tsk. Iwan ko sayo, magpapahinga muna ako. Nakakapagod ang byahe natin kanina" nilagpasan ko lang siya at pumanhik sa taas papunta sa kwarto ko. Naligo lang ako sandali at nagbihis ng pajama at maluwag na tshirt saka sumampa sa kama. Matutulog na sana ako ng mag beep ang phone ko. Tinignan ko naman, mga notif? Galing ky ZMxoxo? Teka! ZMxoxo......... Aha! Yong kanina, yong my ari ng mga positive post. Binuksan ko yong mga notif.
*ZMxoxo followed you
*ZMxoxo reacted to your PP
*ZMxoxo reacted to your photo
*ZMxoxo likes your cover
At meron pang iba. I followed back, send a message saying 'Thank you for following me, I followed back' at pagkatapos nun, nakatulog ako bigla.
******************************