ADRiAN's POV
"Hello young man. We meet again.. remember me?" Saad ko sa batang lalaki, kanina pa to nakatitig sakin. Tumango naman siya bilang sang.ayon sa sinabi ko at kumapit sa katabi.
"Kilala mo siya" singit ng kasama niya tiningnan ko naman ito. "I believe you are the great "Von Adrian Clemente" of Clemente Winery corp. I'm Zhandro Madrigal twin brother of Zheira Madrigal" he extendid his hands for me to shake so I accept it.
"Yes I am that Von Adrian Clemente. Nice meeting you in an unexpected day Mr. Madrigal. I didn't know Ms. Madrigal has a twin"
"That's because i'm not into parties and whatsoever. Si zhiera lang ang umaatend nun at si dad, I prefer to stay away from the limelight, quiet and peaceful"
"That's true."
"Anyways, so how did you know this kid? I mean, how much did you know about him" intrigang tanong niya na parang naninigorado.
"Not that much, I was bumped into him one time when I go to the mall" parang nakahinga pa siya sa nalaman na sagot ko.
"Oh? Okey."
"Is he yours?" Tanong ko.
"Nope, he's a nephew"
"I see, so. Una na muna ako sainyo at mukhang my hinihintay pa kayo. Have a safe trip."
"Thanks, we well. See you around"
"Bye mister" saad ng bata at nag bye lang ako saglit bago sumakay sa kotse, hindi ko na tinapunan pa ng tingin si ms. Madrigal.
Habang nasa daan pauwi biglang nagsalita si dad, si mom kasi tulog. Nang mapansin kong wala si sheena sa sasakyan, baka nasa huli. Dalawang sasakyan kasi ang nagsundo sa amin.
"You know what son?"
"What is it dad?"
"The little man seems to be just like you when you were little."
"And?"
"Kailan ka ba mag-aasawa ng my magtatakbo na sa ating sala. Matanda na kami ng mama mo, gusto kong masilayan ang apo ko sayo" ayan na naman siya sa asawa asawa na yan.
"Heto na naman tayo dad. Darating din tayo dyan." Tugon ko sa kanya.
"Kailan pa? Bakit hindi pa ngayon? Marami namang babae dyan na suitable for your taste as long as mabait at my delekadesa"
"Malapit na dad, konting antay malapit na akong mag aasawa" Napailing nalang siya sa sinabi ko at hindi na nagsalita.
'malapit na dad, sana tatanggapin pa niya ako. Sana my pag-asa pa'
Aiyeliegh's POV
Naghahanda ako ngayon para sa vacation namin papuntang hawaii.
Si andrew nauna na sa airport kasama si kuya zhandro dahil my inaasikaso pa ako dahilan para mahuli ako sa kanila.
Pagdating ko sa airport, sa private way ako dumaan. Yong jet nina tita ang gagamitin namin papuntang hawaii.
Konti lang ang tao dito, naglinga linga ako kung nasaan sila ng hindi ko makita inilabas ko ang cellphone ko at tinawagan si kuya zhandro at hinahanap pa rin sila.
Ring. . . . .
Ring. . . . .
Ring. . . . .
Mga tatlong ring bago niya sinagot.
'hello? Nasaan kana?'
"Kararating ko lang saan ba kayo banda? Hindi ko kayo makita."
'nasa loob na kami ng jet, ikaw nalang ang kulang dito. Makikita mo naman agad to dahil my nakalagay na letrang 'M' yan yon.'
"Okey Wait, be there. Nakita ko na" at binaba ang tawag, ipapasok ko na sana ang cellphone pabalik sa purse ko ng my makabangga ako at nahulog ang cellphone ko.
"What the Heck!" Anang pamilyar na tinig, kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang babaeng nakahulog sa cellphone. Laking gulat ko kung sino ito at gulat rin siyang napatingin sa akin.
"Oh. My. God." Mahinang sambit ko na nanlalaki parin ang matang nakatingin sa kanya. Bakit ba ang liit ng mundo ngayon?
"Aiyee?" Sambit niya sa pangalan ko. "Aiyee. Is that you?" Paniniguro niya at tumango lang ako.
"Yeah? It is me shee." Awkward na sagot ko sa kanya
"The f*ck! Saan kaba galing? Alam mo bang nag alala ako sayo? Kami? Ha? Hindi ka nagpaalam sakin na BESTFRIEND mo kong saan kang lupalop ng mundo pupunta. I even tried to go to america where you once said you'd be there pero hindi kita nakita dun. I even hire a person to find you but got nothing! Ano bang nangyari? Sabihin mo nga?" Diritsong saad niya na makikita mo talaga sa mukha ang dissapointments.
"I'm sorry. I'm really really sorry for making you worried about me at sa hindi ko pagpapaalam sayo. Please! I'll make you understand but not now, I have a flight. And I promise to call you when I come back" paliwanag ko, pero hindi pa rin siya natinag. Tinititigan pa rin niya ako ng masama kaya... "Besty? Please. I promise" pagmamakaawa ko sa kanya kaya napabuntong hininga siya.
"Fine! I'll be waiting for that call. If you ever tried to escape again without saying anything. Friendship is over" mataray niyang sagot sakin kaya hindi ko na natiis at niyakap siya ng mahigpit.
"I miss you so much besty" tugon ko.
"Miss your ass, you didn't even call me after you came back. Yan ba ang na miss??? You b*tch" Tampo niya sakin.
"Okey! I know. I well explain soon got it?"
"D*mn right!! A very long long explaination"
Sa paguusap namin biglang dumating si kuya zhandro.
"What took you so long??" Nababadtrip na aniya.
"I was coming but I bumped into someone important" saad ko na tinuro pa si sheena at tinignan niya naman ito, saka tinignan rin siya ni sheena at tumingin sakin na parang nagtatanong kung sino siya.
"Ah... Besty this is Zhandro Madrigal my cousin, and kuya this is Sheena Faith Clemente" pagpapakilala ko sa kanila. At nagshake hands naman sila.
"Nice to meet you. How are you related to Clemente Winery Corp.?" Saad ni kuya zhandro ky cristy.
"I'm The Vice President and the second born of Clemente family." Pormal na tugon ni sheena ky kuya zhandro.
"Wow. This is unexpected, I just saw your brother a while ago and your family. I didn't know he has a beautiful sister" I froze. Nandito rin si adrian? Sh*t, hindi ako handa. Bakit! Bakit! Ngayon pa.
"Psh! Yeah! But they already left" nakahinga ako ng maluwag. "Besty, tawagan mo nalang ako kapag magkikita na tayo. I need to go, bye" paalam niya at hinalikan ako sa pisngi saka kumakaway habang papalayo. Tinitigan ko lang siya, kinawayan saka ako tumingin ky kuya zhandro. Nakatingin siya sa papalayong pigura ni sheena kaya I snap my fingers infront of him
"Hoy! Kuya. Tara na?"
"This is interesting" at nagpaumanang maglakad patungo sa jet, nakasunod lang ako sa kanya. Hanggang sa makasakay kami sa loob.
"Where's drew?" Agad na tanong ko sa kanila.
"Nandun sa kwarto ng jet nakatulog sa paghihintay sayo. Ba't ba ang tagal mo?" Si mommy.
"My nakita lang akong kakilala nang papunta ako rito"
"Okey sige. Umupo kana dun.. wag kang mag alala ky andrew dahil nandun naman si manang beth kasama niya" yon lang at tinalikuran na niya ako at naupo na. Ako naman ay tumabi ky kuya zhandro at si zhiera sa kabila, napapagitnaan namin si kuya zhandro. Hindi nagtagal nasa himpapawid na kami patungong hawaii, ang iba tulog na kasi malayolayo pa ang byahe. Ako? Heto, nakamula't hindi mapakali simula ng makasakay ako dahil sa pangyayari kanina. Kung nandun siya sa airport kanina, nakita niya kaya si drew? Possible yon kasi hindi naman karamihan ang tao sa private way.
"Mukhang malalim ang iniisip natin babygirl ah." Akala ko ba tulog to. Tsk! Babygirl na naman.
"Tigilan mo ko sa kaka-babygirl mo kuya zhandro.. yang babygirl mo na yan my baby na." Pabiro kong tugon sa kanya pero tinitigan lang niya ako ng seryoso. Kaya tinaasan ko siya ng kilay ko. "Anong tingin naman yan? Ha?"
"I wonder why you seem uneasy kanina ng mabanggit kong nandito ang brother ng bestfriend mo. Siya ba?" Prangkang sabi niya. Natigilan naman ako at hindi makatingin sa kanya, kaya tumingin nalang ako kung saan at napabuntong hininga. Hindi talaga ako makakatakas sa mata't bibig niya, kilalang kilala talaga niya ako.
"I know everything. Kahit hindi mo sabihin sakin" dagdag pa niya. Malamang sa malamang naghire to ng tao.
"Ang gulo ng isip ko kuya"
"Why? When the right thing to do is simple. Let him know what he needs to know?"
"Hindi ko kaya. Natatakot ako"
"And when do you plan to tell him, huh??? He already meet drew twice not knowing they are related to each other. And one more thing he's sister is your bestfriend. Are you ready to face the consequences when the time comes that your hiding something from them and they'll know it to others instead from you?" I froze. Naiintindihan ko ang sinabi ni kuya zhandro pero yong nakita na ni adrian si drew twice? How come?
"What do you mean he met drew 'twice' ?! How come I didn't know about this?" Nalilitong sagot ko sa kanya.
"Any memory of drew bumping to someone sa isang mall?! I'm sure you still remember because your not that long after you came back here" literal akong napanganga. Hindi ako nakapagsalita agad. "And the other one is a while ago"
"Yeah. Sa EMALL yon nung bago magpasko, si manang ang nagbabantay sa kanya dahil my pinamili ako. And I didn't expect its him" sagot ko ky kuya zhandro. Ilang linggo lang naman akong nakabalik pero bakit parang gusto ng tadhana na magkatagpo kami agad?
"What are you going to do next?"
"I don't know, I really don't know kuya zhan"
"Better think fast on what you were going to do, you never knew what's gonna happen next."
"Paano ko nga gagawin eh? Hindi naman naging kami. Kuya naman!" Na frufrustrate na sagot ko sa kanya. Nagulat naman siya na animong hindi makapaniwala sa sinabi ko.
Kung kayo ang nasa sa situation ko. Anong gagawin niyo? Hindi naging kayo pero my bunga. Sige nga!
"Teka! Teka! . Hindi naging kayo?"
"Hindi!"
"Eh? Seryoso? Paanong my andrew kung ganun? Mali ata ang nakarating sa akin na balita"
"Drunk'n hell"
"What?" Animong hindi makapaniwala ky kuya zhandro.
"Yep." Maikling sagot ko na pinalobo pa ang bibig ko.
"This...is...unbelievable"
"Ayaw ko ng pag–usapan kuya, gusto ko kahit sa bakasyon na to lang at sa pagbabalik na natin pagusapan ulit."
"Yeah! Nice suggestion. Because I might gonna say something unpleasant to ears. I feel like I wanna punch that bastard right now" gigil na aniya. Naiintindihan ko siya, kung sa iba siguro niyan samo't saring masasakit na salita na ang narinig ko.
Hindi nagtagal Nakarating din kami sa destination namin. Isinantabi muna ang mga problema at hinayaan ang sarili na magsaya kasama ang pamilya.
********************************