*Christmas Season*
Adrian's POV
After kong magpark ng sasakyan, bumaba ako at pumasok sa bahay. Pagkapasok ko my sumalubong agad sakin.
"Kuyaaaaaaaaaaaaa" rinig kong sigaw. Walang iba ang kapatid ko, si sheena patakbong pumunta sakin at yumakap. Niyakap ko rin siya.
"Oh? Buti naman at nakauwi ka" sabi Ko ng maghiwalay kami ng yakap . Ngumiti naman siya sakin at iniangkla ang braso sakin.
"Ofcourse, naman kuya noh? Hindi ko palalampasin ang pasko ng hindi nakakasama ang pinakagwapo at pinakamabait na kuya ko"
"Whatever. Nasaan si yaya, sabihin mo pakikuha nong mga pinamili ko pakilagay sa my christmas tree. Akyat muna ako" pagiiba ko ng usapan at umalis, pumanhik sa kwarto ko at inalala ang nangyari kanina. Kung tutuusin normal lang yon kasi nasa mall ka at maraming tao.
Pero yung nakita kong bata kanina hindi siya mawala sa isip ko. Parang kakaiba na iwan. Hays. Umupo ako sa kama at humiga, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
.
.
.
.
.
.
Nagising ako ng may marinig na ingay sa pinto. Kapag talaga nandito sa bahay ang kapatid ko ang ingay ng bibig.
"Kuya? Kuyaaaaaaaa? Magpapasko na, ano ka ba.. baba kana dito hanap kana nila mommy't daddy" sigaw niya sa labas at kinalampag ng husto ang pinto ko.
"Oo na bababa na, ang ingay ingay mo" sigaw ko at nagshower muna pagkatapos nagbihis bago bumaba.
Pagkababa ko nandyan na silang lahat. Si mama, papa at ang maingay kong kapatid.
"Merry Christmas Everyone" bati ko sa kanilang lahat ng makababa ako and they did the same to me. Dito sa sala namin ginanap ang handaan dahil malaki naman ang lamesa at naglagay ng isa pa para sa ibang handa na hindi na ma kasya. Kasama naming magcelebrate ang mga kasambahay naming hindi nakauwi sa kani kanilang pamamahay at ilang guards at driver kaya masaya ang naging kalabasan ng pasko sa amin, kahit feeling ko my kulang.
"Kuya, anong gusto mo'ng regalo?" Nabalik ako sa realidad ng magsalita ang kapatid ko.
"Siya" maikling sagot ko sa kanya. Natigilan naman ang kapatid ko sa aking sinabi. Pero agad nakabawi at ngumiti.
"Matutupad yan kuya, matutupad yang regalo mo, nararamdaman ko" nakangising aniya. Nangunot naman ang noo ko..
"Paano mo nasabi yan? My nalalaman ka ba" tanong ko.
"Well my nakapagsabi sa akin na nakabalik na siya dito sa pilipinas, dito sa atin kuya" nakangiting sabi niya sakin at parang nagdiwang ang puso ko sa aking narinig. Yung mabalitaan ko lang na nandito na siya masayang masaya na ako. "At humanda talaga sakin ang babaeng yun dahil umalis man lang ng walang paalam sakin at take note kuya ah, Deactivated lahat ng account at hindi mo pa ma hagilap kung saang lupalop nagpunta. Bestfriend ako dito kuya helerrr, kahit gaga yun magpapaalam yun sakin. Pero putsa naman oO 4years? Tang*na hindi man lang nakapag isip komontak man lang sakin. Kapag nakita ko talaga siya makakatikim talaga siya sakin, my isang matinding paliwanag siyang gagawin sa ginawa niya. Nakuuuu!!! Nangigigil ako, sarap niyang kutongan ngayon alam mo ba yun kuya ha? Ha? Ha?" dagdag pa niya.
Kung ako hindi nagpa imbestiga kong nasaan siya, kabaliktaran yun ng ginawa ng kapatid ko. Ipinahanap niya si reign, pero umuwing bigo dahil nalaman yun ng mga magulang ni reign at hindi nila yun nagustohan. Mula noon hindi na namin nakikita sila tita lorraine, dahil na rin siguro sa busy, eh wala akong mukhang maihaharap sa kanila.
"Mag-isip ka nga ng matino, baka nakakalimutan mong ako ang dahilan kong bakit siya lumayo" natahimik naman siya sa sinabi ko.
"Hey! stop arguing, both of you. Ano ba? Nasa harap kayo ng grasya" si mama. Napagalitan tuloy kaming dalawa dahil sa kadaldalan nitong katabi ko.
"Sorry mom. Di na mauulit" sabi.ng kapatid ko at natahimik kaming pareho. Nag ingay lang ulit siya ng mag countdown na. Tumayo siya
"Oh my goosssh!!! Malapit na. Guys sabay tayo......
10
9
8
7
6
5
4
3
2
1
M E R R Y C H R I S T M A S ! ! ! ! !
Sabay na bati namin at kasabay nun ang pagputok ng mga fireworks sa kalangitan. 'merry christmas sayo' sabi ko sa isip ko para ky reign. Nagtuloy tuloy ang kasiyahan sa pasko hanggang sa isa isang namahinga ang iba.
Ako? Heto, nag iisip na sa mga bagay bagay kung ano ang gagawin ko para mapatawad niya. I need to see her, I missed her so much, so much that I want to go to their house right now. Alam ko kung saan nakatira ngayon ang parents niya. Noong mga panahon na inihatid ko siya dahil lasing na lasing at umiiyak ng dahil sa breakup nila ni rence. Kaya humantong kami sa vacation trip at doon mas naging close kami na naging bunga ng kaniyang paglayo sakin, samin, dahil sa isang pangyayari.
Kasalanan ko, dahil I take advantage of the situation. I know, galit kayo sa isang tulad kong mapagsamantala ng sitwasyon pero hindi ko na alam ang gagawin ko nung time na yun para mapasaakin siya. I want her all for me. And i'll chase her, wait her no matter what. All I'm waiting is that, for us to meet one day and I'll confess and I can't wait for that day to happen especially now that she's here, she's back.
My idea na pumasok sa isip ko at sure akong wala na siyang kawala dito, oras na matanggap ng daddy niya ang proposal ko.
Hindi na ako mananahimik, sapat na siguro ang apat na taong paghihintay sayo mahal ko.
—
—
—
—
MATAPOS ang Pasko naisipan namin ang mag vacation trip, kaming magpapamilya sa ibang bansa at doon kami nagcelebrate ng bagong taon. Mga ilang araw din kaming nanatili bago naisipan namin bumalik sa pinas dahil my trabaho pang nakatambak sa opisina ni dad at sa akin. Ngayon nandito pa kami sa NAIA sa private part, kakalanding lang ng private jet namin galing paris. Una akong bumaba sa jet hinintay sila ng my marinig akong tumawag sa pangalan ko sa likod
"Von? Is that you? Woah! It really is you" panigurado niya sa pagharap ko Bakit nandito to? Walang iba kundi si Ms. Madrigal anak ng business partner ni dad, na meet ko sa isang gathering ng minsa'y isinama ako ni dad, dahil palagi daw akong nasa trabaho. Ano na naman kaya ginagawa nito dito?
"Ms. Madrigal, How are you? Its been a long time. What are you doing here?" Pormal na bati ko sa kanya at nakipagkamay, babawiin ko na sana ang kamay ko ng higpitan niya ang hawak dito at tumingkayad na lumapit pa sa akin. Buti nalang at nakaiwas ako, kundi baka nahalikan na niya ako. Isa to sa mga babaeng my gusto sakin, Oo! Alam ko, makapal ang mukha ko pero totoo yun. Maganda naman siya, maputi, matangos ang ilong pero sobrang skinny at ayaw ko sa ganyang babae lalo na kapag masyadong malandi. Katulad ng ginawa niya ngayon, kaya napaatras ako. Pero nasa malapit pa rin siya.
"What's with the formal tone? Von. Zhie. You can call me zhie. And you know that I like you so much, right? but, you are so distant" malanding prangkang tugon niya sakin na my kasamang haplos pa sa dibdib ko. Napamaang ako, ganito ba talaga siya? Minsan ko lang to nakita pero kung makapagsalita akala mo palagi kong kasama, sa madaling salita FC. Sa pagkakaalam ko mga dalawang beses ko lang siya nakita, una sa gathering, pangalawa ng minsa'y nagpunta sila ng daddy niya sa office ko.
"No offense but your a woman, act with dignity Ms. Madrigal. So that they will respect you and not some wh*re trying to hook up with someone." Matigas kong pahayag sa kanya, dahilan para matigilan siya at binawi ang kamay ko at lumayo ng tuluyan sa kanya. Nakahinga ako ng maluwag ng makababa na ang mga magulang ko at napansin ni dad si ms. Madrigal.. .
"Ms. Madrigal its so nice to see you here iha? Going somewhere?" Tanong ni dad sa kanya.
"Hello tito, tita. Yeah! I'm going to hawaii, taking a vacation. How have you been po?" Magalang niyang tugon sa mga magulang ko. Nginitian lang siya ni mama, akala mo hindi kami nagkausap kanina. Kung ganyan ka kahinhin magkakasundo tayo pero yung tinuran mo kanina? Bahala ka sa buhay mo. Tsk! Tsk!.
"Wow, nice choice. Were fine and healthy, all thanks to God. Are you alone iha?" Masayang tugon ni dad sa kanya.
"Thanks tito, nope i'm not alone. I'm waiting for them. Maybe they're on their way now"
"Oh? I see, is that your family or friends?" Si dad
"My Family tito and mom's sister's family." Saad ni ms madrigal
"That's nice. Hanging out together, the more the merrier"
"Yeah. That is true tito, especially now that my cousin is home and her child. My aunty is so happy that she's back, that's why vacation to hawaii happen, you know to celebrate" parang bored na salaysay niya. Matapos nun siya namang dating ng sasakyan namin at nagpauna na akong sumakay dahil pagod ako.
"So? Sa susunod ulit nating pagkikita iha. Have a safe trip, send my regards to your father" pagtatapos ni dad sa usapan nila, dinig ko pa rin kahit nasa kotse na ako dahil nakaawang ang bintana ng sasakyan.
"Thanks tito, yeah I well." Paglingon ko sa kanila kita ko naman na papalapit siya dito sa sasakyan namin. "Bye for now von, you know? You can't escape me. Hard to get? My type" malanding sabi niya ng walang ka hirap hirap at dumungaw sa bintana ng kotse namin saka hinaplos ang mukha ko kaya hindi ko napigilan ang sarili kong manginig sa galit. Kinuha ko ang kamay niya at pabatong binitiwan.
"What is wrong with you? Haven't you notice that I'm not interested with you?!" singhal ko sa kanya dahilan para mapatingin si dad samin at lumapit.
"What's going on? Why are you shouting in front of a lady adrian? Where is your manners?" Saway ni dad. At hindi ko na napigilan ang sarili ko at lumabas muli sa sasakyan.
"Its okey tito. Baka nabigla ko si von." Sabat niya,
"No, it's not okey iha." Si dad at bumaling sakin ng "Hindi magandang tignan adrian, you should apologize" nandidilat na matang aniya ni dad animong sinasabi na 'umayos ka, business partner natin yan' pero hindi ako nagpatinag sa kanya.
"Why would I ? When in the first place—" naputol ang sasabihin ko ng my tinig na tumawag sa babaeng kaharap namin ni dad.
"Zhie, why are you here so early?. Hindi mo kami hinintay man lang" tinititigan ko ito parang isang lalaking bersyon niya. Kaya hindi ko namalayang my kasama siyang batang nakatingin na sa akin, he seems familiar. The kid is very familiar, wait? Siya yung bata sa mall nung pasko.
"Ehem? Ah! Mauuna na muna kami sa inyo iha, iho." paalam ni dad na kumaway lang sa kanilang dalawa, ngiti at tumango lang ang mga ito sa kanya, napatitig pa siya saglit sa batang lalaki bago pumasok sa sasakyan. saka tumingin tung si ms. madrigal sa bagong dating.
"Why not? Makakarating naman kayo dito ng wala ako." Mataray niyang aniya at tumingin sakin. Tiningnan ko lang siya saglit at tinaasan ng kilay saka tumingin sa bagong dating.
Nawala bigla ang pagka irita ko sa babae ng makita ko ang bata.
**************************************