Chapter FIVE

980 Words
Aiyeleigh's POV 3 weeks Had passed since I came back and started working in my father's company. 'December...' Malapit na pala magpapasko. "Moooooooommmyyy..." Si drew, nagtatakbo papalapit sakin. Galing siya sa garden kasunod niya ang yaya niya. Kakarating ko lang galing trabaho. Nandito ako ngayon sa sala namin nakaupo sa sofa. "Hello baby, how's your day?" Ipinaupo ko siya sa lap ko at hinalikan ang noo niya. "It was fine mommy, we we're playing at the back. Granpa put a mini playground for me" masayang aniya. "Woooow.. really? Granpa did that to our drew? And what did you say to granpa for your playground?" Baby talk ko sa kanya.. "I said. Thaaaaankyou graaaandpa.. and hug him tight" natawa ako dahil my action pa siyang ginagawa. Ang cute-cute niya "What would baby drew wants for a present this christmas?" Pagiiba ko sa usapan. Bukas na ng 12 midnight ang noche buena sa pasko. Ito na siguro ang pinakamasayang pasko sakin kasi kompleto ang pamilya ko at nasa maayos na kalagayan. At nandito pa ako sa bahay namin kung saan ako lumaki. Sabi nga nila 'There's no place like home' "I want my dad to be my present this christmas. Can santa give that wish to me mom?" Natigilan ako, pagtingin ko sa anak ko nakatingin siya sa TV. Pagtingin ko, ang palabas ay mag ama na naglalaro sa park. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Sensitive ako sa part na to kapag pinag uusapan, parang mas lalong bumibigat ang katawan ko. "Ha?. Ah.. ahm...Yes baby, yes. But for now granpa can go with you if you want to. And baby don't you want mommy anymore?" Natutulirong response ko sa kanya, pilit nagpapaawa. Sh*t! Umayos ka aiyeliegh. Nakahinga ako ng maluwag ng ngumiti siya matapos sa aking kagagahang sinabi. "Ofcourse mom, I want you more than anything. I Love you, love you love you so much." Sabi niya ng hinalikhalikan ang magkabilang pisngi ko. "I Love you more baby." At niyakap ko siya ng mahigpit. "Manang beth, dalhin mo sa kwarto si drew. Palitan mo ng damit, pawis na pawis oh." Sabi ko habang kinapa kapa ang likod at balat ni andrew. "Sige. Mabuti pa nga anak, halika kana't magbihis tayo sa taas andrew. Nang makapagpahinga naman ang mommy mo, galing pa iyan sa trabaho" si manang, kapag siya ang magsasalita. Napasimangot si andrew, hindi pa kasi siya sanay magtagalog kaya si manang sinikap na turuan siya minsan. "Alright. Go upstairs baby, change your clothes you smell stinks" pabiro kong pahayag ng nakatakip pa sa ilong ko. Pero siya? Ayon mabilis pa sa alaskwatro kung makasibat. Tinitingnan ko lang sila habang paakyat hanggang sa makapasok sa kwarto at tumayo ako pumunta sa kusina upang uminom ng tubig. Pagkatapos umakyat muna ako sa kwarto ko, nagshower saglit at nagbihis pagkatapos. Hihiga na sana ako ng my kumatok. "Iha, handa na ang haponan. Nasa hapagkainan na ang lahat" si manang beth pala. "Sige manang. Bababa na ako" Ilang saglit lang bumaba na ako at dumeretso sa dining area. Nadatnan ko pang aalis sana si manang beth pero pinigilan ko na. "Manang sabay kana samin kumain" "Mamaya na anak, nakakahiya naman sa inyo" "Ano ka ba, wag kanang mahihiya. Dito ka umupo sa tabi ni andrew" turo ko sa gilid ni andrew. "Umopo ka beth at sabayan mo kami. Parang pamilya kana rin namin at malaki ang aming pasasalamat sa iyo dahil inalaagan mo si aiye at andrew sa states" si dad. Totoong pamilya na turing namin ky manang dahil sa maalaga na mabait pa. At hindi mo talaga siya makitaan ng galit dahil tinatrabaho niya ang lahat simula ng makasama namin siya at talagang napaka swerte ko dahil siya ang kinuha ni mommy. "Maraming salamat din po sa inyo sir, lalong lalo na ni maam lorraine dahil ako ang napili niya. Napakalaking tulong po sa akin at sa pamilya ko ang ibinigay ninyong oportunidad saakin at magpapatuloy pa po ako hanggang sa kailangan ninyo ako. Napamahal na din saakin ang dalawang ito. Parang apo't anak ko na kung ituring." Nakangiting litanya ni manang. Nagngitian lang kami at pinagpatuloy ang pagkain Nang matapos ang haponan. Saglit pa kaming nagkwentuhan sa sala about sa mga ganap ni andrew ngayong araw at pagkatapos nagpaplano kong anong gagawin bukas sa noche buena. Hindi nagtagal, nagsipag akyatan na kami sa mga silid, sinamahan ko muna si andrew sa kwarto niya at pinagbasa ng kwento hanggang sa makatulog siya. Hinalikan ko siya sa noo at lumabas sa kwarto niya. PUMUNTA ako sa bar room namin. Kinuha ko sa cabinet ang isang bote ng vodka. Ito pinili ko kisa dun sa mga super hard na inumin ni daddy na ilang years ng nakapreserve. Kumuha ako ng wine glass at sinalinan ang sarili ko. Umupo ako at inaalala ko na naman ang sinabi ni drew kanina ng tanongin ko siya kung anong gusto niyang regalo sa darating na pasko. Hindi naman sa ayaw kong ipakilala siya sa ama niya, dinadaig kasi ako ng takot, kaba at alinlangan. Sa paglalayag ng isip ko, hindi ko namamalayang nakatulog ako sa bar room. KINABUKASAN "Aiye..? aiye..? .aiyeee gising" rinig kong my gumigising sakin. Kaya napamulat ako at napabangon ng makita si mommy sa harap ko. Tinititigan niya ako at ang nasa table. Naubos ko pala ang vodka kagabi. "Mom?. Anong oras na?" Sabi ko habang humihikab pa. "Tanghali na anak. Bakit ba naglasing ka? My problema kaba?" Nag-aalalang tanong ni mommy sakin. "Wala mom. Naisipan ko lang uminom kagabi para sana makatulog agad. Hindi ko namalayang dito pala ako nakatulog." Salaysay ko. "Ganun ba. Pero kapag my problema ka, alam mo namang nandito kami ng daddy mo diba?" Sabi niya at nangiti naman ako. "Thanks mom. I know your always at my back, Akyat muna ako sa kwarto ko." Sabi ko at humalik sa pisngi niya tapos umakyat na sa taas. ******************************************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD