Chapter SIX

1233 Words
*Christmas Season* Kasalukuyang nasa garden kaming lahat. Naglagay ng mga dekorasyon, tables at chairs para sa celebrasyon ng pagsapit ng pasko mamaya dahil dito namin gaganapin. Ang kabuuan ng likod bahay namin ay my pool, maliit na playground at malawak na lupain, kasya ang ilang tables na inilagay namin, dahil darating din mamaya ang kapatid ni mommy si tita Zhenny at tito Zhack kasama ang pinsan kong kambal na si Zhiera at Zhandro. Kasama kong lumaki ang kambal, matanda lang ng tatlong taon sila sakin. Nagkahiwahiwalay kami ng lumipat sila sa Cebu. Kasundo ko si kuya zhandro pero hindi si zhiera, magkasalungat ang ugali namin masyado siyang spoiled brat. Wala na akong alam kung anong ganap mostly sa kanila minsan lang kong magkausap kami ni kuya zhandro sa phone at hindi naman niya binabanggit ang kakambal niya. Ang alam nila nasa states pa ako, at alam kong hindi rin sinabi nila mommy't daddy dahil na rin sa situation ko. Ang alam nila wala akong anak at nagpuntang america dahil nag aaaral. "Hapon na, magpahinga ka muna aiye. Sila na bahala dito" dinig kong sabi ni mom. "Tataposin ko muna to mom at aakyat ako sa taas" nakangiting lingon ko sa kanya, kasalukuyan kasi akong tumulong sa pag set.up ng mini stage dahil my band na kinuha si mom para naman lalong sasaya ang celebrasyon. "Ikaw bahala. Basta magpahinga ka, kanina kapa dyan sabi ko naman sayo ang mga katulong na ang bahala ikaw talagang bata ka." Ito naman. Para namang mamatay ako sa pagtulong, mommy talaga hayss "Yes maam. Masusunod po" pabiro ko'ng sabi sa kanya with matching bow pa, naiiling na natatawa nalang si mommy sa ginawa ko. Ilang saglit lang natapos din ang lahat. Simula preparation ng gaganapan at mga pagkain. Pumunta naman ako sa kwarto para maligo pagkatapos nagbihis at biglang my naaalala ako. 'wala pa akong gifts, mamimili muna ako' "Mom? Dad?" Tawag ko sa kanila pagkababa ko. Nasaan kaya sila. Pumunta ako sa kusina at doon ko sila nakita kasama si andrew na kumakain. "Pupunta muna akong mall, my bibilhin lang ako." Sabi ko. "Mall? Can I go with you mom?" Si andrew "Anong gagawin mo sa mall aiye? Dapat kanina mo pa yan ginawa. Anong oras na oh?" Tingin sa orasan ni daddy at tumingin din ako 3pm na. "Dad. Saglit lang naman ako" sabi ko at lumingon ky andrew at ky manang beth. "Manang bihisan mo si andrew, sasama daw siya sakin at sama kana rin" sabi ko at bumalik sa taas papunta sa kwarto ko't nagbihis. Isang jeans na my butas sa magkabilang tuhod ang sinuot ko at top na kita ang likod at puson ko at nag boots. Hindi naman sa pagmamayabang pero my anak na ako't lahat ang sexy ko pa rin tignan na animong walang bakas sa panganganak. Pagkatapos ko, kinuha ang purse ko at lumabas na ng kwarto saktong paglabas ko siya ring pag labas nila manang beth at andrew. "Naks! Ang gwapo ng baby ko ah at ang bango pa" .sabi ko ng makalapit ako sa kanya at inamoy amoy pa. "I'm always handsome mom, because you are beautiful" at kinindatan niya pa ako. Talaga tung batang to oo.. napakaboliro. "Ofcourse you are my love. Tara na" sabi ko at inaya siya pababa sumunod naman si manang samin. Pagkababa namin nasa sala silang dalawa ni mom at dad. Tutok sa palabas na pinapanood. "Mom. Dad.. aalis muna kami" "Sige, mag iingat kayo. Wag kayong magtatagal doon ah? Alas siete nandito na ang tito't tita mo kasama ang mga pinsan mo" si mommy "Yes. Mom, saglit lang kami. Isasama ko si mang Rey Wala ako sa mood mag drive ngayon" with that lumabas kami ng bahay at hinanap si kuya delfin at ayon kausap niya ang guard. "Manong, aalis tayo" "Oh? Iha. Sige, saan tayo pupunta" "Diyan lang sa mall manong. Tara na, yung fortuner ang dalhin mo. Dahil my bibilhin tayo" Sabi ko at pumunta naman siya sa garahe upang kunin ang kotse ilang saglit lang nandito na siya at sumakay kami sa likod ni andrew at si manang sa harap. Hindi nagtagal nakarating kami sa EMALL, dahil hindi pa naman gaano ka traffic at hinanap ang mga dapat kong bilhin. ADRIAN's POV Merry Christmas. Bati dito, bati doon. Nasa office ako ngayon at papalabas pa lang. Kakatapos lang kasi ng meeting ko sa mga staff at bigayan ng mga bunos at kung ano-ano pa. Pagtingin ko sa orasan 6pm na ng gabi, my kailangan pa akong bilhin. Mga regalo para sa pamilya ko at mga katulong sa bahay at mga importanting tao sa buhay ko na kailangan kong bilhan. Saan naman kaya ako makakabili agad nito eh anong oras na. Napagdecisyonan kong dyan na lang sa tapat na mall. Mag tingin tingin nalang siguro ako sa mga boutique dyan. Matapos kong magpark ng kotse ko. Pumasok na ako sa loob ng EMALL. Sa kalagitnaan ng pag tingin-tingin ko sa maaaring pasukan na boutique ay my nakabangga ako. Muntikan na siyang matumba, buti nalang nasalo ko yung kamay niya. "Watch where your going mister" masungit na aniya. Habang pinagpagan kunyari ang damit, at saka tumingin sa'kin. Bumilis bigla ang t***k ng puso ko at hindi ko alam kong bakit, tinititigan ko lang siyang maigi, isang batang lalaki ang nakabangga ko. "Sorry, Hey. There little guy, where's your guardian? Why are you walking alone here?" Sabi ko na tinap saglit ang ulo niya. Tinignan niya lang ako at.. "My mom went to buy gifts in there. I get bored that's why I decide to go outside the boutique. So, don't worry mister I know my way" masungit parin na pahayag niya habang nakaturo sa boutique na maraming tao. Ilang saglit lang my isang matanda lumapit sa amin at tila nakahinga ng maluwag ng makita ang batang kasama ko. "Drew. Bakit naman umalis kang bata ka, buti nalang nakita kita agad." Sabi ng matanda at tumingin sa'kin mula ulo hanggang paa na animong pinag aaralan ang kabuuan ko. "Ah?Iho, wag mo sanang mamasamain pero bakit kasama mo ang batang ito ?" Turo niya sa batang tinatawag na 'drew' . "Ah, nakabangga ko po siya manang ng magtingin tingin ako ng shop na papasukan para sana mamimili din ng regalo." "Ah, ganun ba iho. sige mauuna na kami at baka hanapin na kami ng mommy niya. Merry Christmas sayo iho" Nagmamadaling paalam niya. "Sige po, bantayan niyo po siya ng maigi sa susunod. Merry Christmas din" sabi ko at nilagpasan sila at dumiritso sa kabilang boutique. Pumasok ako at namili ng dapat kong bilhin. Hindi nawala sa isip ko yung bata kanina, iba pakiramdam ko ng makita ko ito.. "That's P45,725.50 cents in all sir" nabalik ako sa ulirat ng marinig ang cashier. Tapos na pala siya sa pagbabalot lahat ng nabili ko. Kaya kinuha ko ang card ko at binigay sa kanya at binalik agad pagkatapos. "Thank you for shopping Mr. Clemente and come again. Merry Christmas" sabi nung staff at nginitian ko lang siya pagkatapos nagpatulong ako para dalhin sa kotse ko yung mga binili ko. "Thank you for helping. Here. Take this. Merry christmas" abot ko sa kanya ng 2,000 matapos maisakay lahat ng pinamili ko. "Your welcome and thank you also for the big tip sir. Happy holidays" masayang bati niya at bumalik na sa loob ng mall. PUMASOK na ako sa sasakyan at nag drive pauwi.. *********************************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD