I’m not imagining things, do I? Malinaw na malinaw sa pandinig ko ang mga sinabi ni Felix kanina sa pag-uusap nila ni Mama… and I am sure of everything… every word I heard. Kumakabit pa sa pagdududa ko ang napakinggan kong pag-uusap noong araw na pinasok ko ang isang factory kung saan ay muntik pa nga akong ma-trap. Match sila sa iisang salita; Russia. Mula nang mapadpad ako sa detective team nina Ken ay nagsimula na akong matutunan na kahit ang isang maliit na bagay ay p’wedeng pagmulan ng malaki. Natutunan ko sa pag-anib sa team nila na hindi ko na tinitingnan bilang isang simpleng bagay kahit ang pagragasa na tila parang baha ng mga langgam dahil sa natapong asukal. Instead I think like… mayroong scientific reason kung bakit asukal ang paboritong putaktihin ng mga langgam. Kapareho ng

