Chapter 1
"Meetings and conferences are already canceled, Xyrus. I already informed the press that you're not coming today, so they asked me if pwedeng i-schedule sa ibang araw---"
"I'm expecting that you make another excuse, Juls."
Natawa ako. "Of course, as if I still don't know you. Sinabi kong hindi ka na pwede sa ibang araw dahil puno na ang sched mo."
"That's why I can't let go of you," narinig ko ang pagtawa nito kahit na nakatalikod siya ng upo sa kanyang gaming chair, abalang-abala sa online game.
Although it's not good to tolerate him na maging pasaway, wala naman akong choice kung hindi ang sundin siya because at the end of the day, he's still my boss. Siya lang yata ang kilala kong aktor na tamad na tamad um-attend sa meetings at press conferences dahil tinatamad siyang makinig at sumagot sa mga hindi raw siya interesadong tanong at topic.
Pag-attend nga ng mga awarding shows and ceremonies, kinatatamaran niya rin. He's a good actor, walang kaduda-duda roon. Tamad nga lang talaga siya.
"How about my fanmeet? Have you already canceled it?"
"You know I can't---"
"You can---"
"No!" Sinamaan ko ng tingin si Xy. "You already promised your fans to meet them, baka nakakalimutan mo 'yon? Hindi naman ubrang hindi mo sila siputin dahil lang tinamad ka. Just this once, act professional."
Inikot niya ang gaming chair kung saan siya nakaupo, just to meet my gaze. "As if may magagawa pa ako 'pag ikaw na ang nagdesisyon, my PA s***h Manager."
"Come on, you're just afraid na baka mag-resign ako 'pag nagpasaway ka pa."
"So, sinasabi mo bang takot akong mawala ka, Julie?"
"Hindi ba?" pang-aasar ko. "You know what? Just get some rest. Tama na ang paglalaro, magpahinga ka naman."
"Now you're like a concerned wife for me?"
"Just a concerned employee of yours." Inirapan ko na lang ang pasaway kong amo bago ko lumabas na ng kwarto, just so I could give him some space to do his personal stuffs.
Almost two years na akong PA ni Xyrus, isa rin ako sa naging saksi kung paano siya nagsimula sa pag-aartista niya at natunghayan ko ang mga pinagdaanan niya bago siya tuluyang nakilala. Kaya gano'n na lang kami ka-close sa isa't isa. We're not treating each other like a boss and an employee… just ordinary people; close friends to be exact.
I could say na kuntento na ako sa trabaho ko kay Xy since hindi naman gano'n kahirap ang trabaho ko yet I'm earning something like a two-month salary in one month. Kaso sa rami ng gastusin sa bahay at sa rami ng pinapakain ko, 'yong salary ko from being Xy's PA ay kulang na kulang pa rin. Tinutulungan ko sa pagtatrabaho sina Mama at Papa, kaso kahit magsanib-pwersa 'yong mga kita namin, kinakapos pa rin talaga.
Kaya ako napilitang pumasok sa mundo ng pagsusulat at gamitin ito para pagkakitaan. Every night, nagsusulat ako sa isang paying platform, extra income na rin since malaki ang bigayan. The more the word counts, the more dollars I will earn.
'Yon nga lang ay sobrang hirap pagsabayin ng dalawang magkaibang trabaho, lalo't minsan ay inaabot ako ng alas-dose ng gabi as Xy's PA, dahil kasa-kasama rin ako ni Xy sa taping na minsan ay inaabot ng madaling araw.
Pero tiyaga lang talaga ang kailangan, worth it naman lahat ng pagtitiis 'pag payday na. Ngayong pinalad akong makauwi sa bahay ng alas-singko ng hapon, sa laptop kaagad ang diretsyo ko para magsulat ng 2k word count sa ina-update kong story sa isang paying platform. Gan'to lagi ang setup ng buhay ko, I need to update at least 2k word counts a day dahil ang attendance ay may bayad rin.
"Hindi ka ba muna maghahapunan, anak?" rinig kong tanong ni Papa mula sa labas ng kwarto ko.
"Mamaya na po, Pa. Mauna na po kayo, may mahalaga lang po akong tatapusin."
"Sige, anak. Ipagtatabi na lang kita ng kanin at ulam."
Hindi na ako sumagot bagkus ay nagsimula na akong mag-type sa laptop ko. Sa rami kasi namin dito sa bahay, hindi mawawala 'yong issue na ang palaging nahuhuling kumain, siya 'tong laging nauubusan ng pagkain. Kaya 'yong sinabi ni Papa na ipagtitira niya ako ng pagkain, he just want to make sure na may kakainin ako once na matapos na ako sa ginagawa ko.
Mayroon naman akong sinusunod na outline kaya madali na lang para sa akin na makabuo ng isang chapter consisting of 2k word counts and above. Nakagawian ko na kada linggo ay nagsusulat ako ng outline, between five to ten chapters a week, tapos ay uubusin ko 'yong outline na 'yon within a week or two, tapos tiyaka lang ulit ako magsusulat ng panibago.
Hindi ako 'yong tipo ng writer na nakaimbak lang sa utak ang isusulat, isang problema kasi sa akin ay napaka makakalimutin ko. Sa rami ba naman ng trabaho ko at pinoproblema, malabo pa sa galunggong na matandaan ko pa 'yong scene na nabuo sa utak ko no'ng nakaraang linggo. Kaya ang ginagawa ko ay isinusulat ko na lang 'yon para sakaling makalimutan ko, at least mababalikan ko 'yon sa notebook ko para maalala ko ulit.
Kung kumusta naman ang sahuran sa platform kung saan ako nagsusulat… pwede na. Extra income lang naman kaya kuntento na ako sa sahod na natatanggap ko. Hamak na maliit ang sahod rito kumpara sa trabaho ko as a PA, pero at least nakakatulong kahit papaano na tugunan ang kakulangan ng sahod namin kada buwan para magbayad ng gastos sa bahay at kali-kaliwa naming utang.
Hay nako, kami na yata ang pamilyang kahit ano'ng gawing bayad sa mga utang, e hindi pa rin maubos-ubos.
Author's Note: This is the last chapter before the epilogue. Happy reading, everyone! And also, I am always grateful for all your comments and for always giving me gifts just to show some support for my story. I appreciate it a lot!
Ang author's note ang naging huling bahagi ng chapter na katatapos ko lang isulat, at nang matapos kong i-type ang appreciation message ko sa mga readers ko ay kaagad ko nang pinindot ang submit button.
Pursuing my other passion, which is writing, will not be possible without their support. Kaya sobrang thankful ako sa mga readers na nagbabasa sa story ko sa platform na 'yon, for always leaving comments and motivational messages on the comment section. They boosted my morale to keep going, and to keep writing another batch of inspirational stories in the next coming years.
---
"Selfie tayo, please?"
Tiningnan ko nang masama si Xy nang magbalak siyang tumanggi sa request ng fan niya. Sinenyasan ko siyang pumayag, at mukhang nakuha naman siya sa tingin dahil sa, batid kong pilit niyang pagtango roon sa babae.
"This clip suits you well, Xyrus!"
"Hindi ako babae---"
"Can I try this on your hair?"
"No, please---"
"Yes, you can." Pinutol ko sa akmang pagtanggo si Xy nang ako na ang humarap doon sa kasunod na babaeng nakipag-selfie kay Xy kanina.
"But---"
Hindi na nakapalag si Xy nang tuluyan nang ikabit sa kanya no'ng isa niyang fan 'yong hair clip na may disenyong bratz yata 'yon. Basta pambatang hair clip 'yon na inilagay niya sa malagong buhok ni Xy.
"He's so pretty!"
"Yeah. He's such a Disney princess, aren't he?" nang-aasar kong sambit, sinakyan ko 'yong sinabi no'ng babae. And I'm fully aware na nasira ko ang kaninang sirang-sira na mood ni Xy.
Saktong lunch break ay nag cutoff muna ang fanmeet dahil kinakailangang makakain at makapagpahinga rin kahit sandali si Xy. Sa isang maliit ngunit maaliwalas na kwarto kami tumuloy, doon kami nag-lunch at sandaling nagpahinga.
"Pwede bang tumakas na ako? Ayoko nang mapag-trip-an ako ng mga 'yon, Ju! Baka mamaya, ahas na ang ilagay nila sa ulo ko, e."
"Do you think I will allow that?" nakataas ang kilay na tanong ko.
"Pumayag ka nga na ilagay sa akin no'ng fan na 'yon 'yong pang-girly na clip, e. That's the worst thing ever!"
"G na g ka, huh?" Ayoko man siyang tawanan pero wala, e. Natatawa talaga ako sa itsura ni Xy, salubong ang kilay samahan pa ng masasama niyang titig.
"Whatever," he stood from his seat. "Just do anything para mapagtakpan mo ako. Ayoko na bumalik doon, gusto ko na magpahinga."
"Xyrus---"
"Marami ka kamong nakalistang excuses for future purposes, 'di ba? This is the time na gamitin 'yan, Ju!" And in instant, nawala na lang siya bigla sa harap ko.
Jusko, ano bang klaseng trabaho 'tong pinasok ko? Buti sana kung 1M ang pinapasahod niya sa akin kada buwan, baka mas lalo talaga akong sipagin na gumawa ng dahilan para lang pagtakpan 'yang katamaran niya.
---
"O, ano'ng chika natin? Ngayon mo lang yata naisipang ayain akong gumala?" diretsyang tanong ko kay Suzy, 'yong friend kong madalang na lang sa kabayo na lumitaw.
Naiintindihan ko naman kung bakit hindi na kami masyadong nakakapag-usap at kwentuhan, abala rin kasi kami sa kani-kaniyang trabaho. Pero si Suzy, isa pang pinagkakaabalahan niya ay ang sarili niyang pamilya.
"May gusto lang akong ibalita."
"Ano na naman kaya 'yang dala mong chismis?"
"Ginawa mo naman akong Marites!" At tiyaka niya pinalo nang mahina ang braso ko. "Nabanggit lang sa akin ng asawa ko na open for audition daw sila."
"Saan ba nagtatrabaho si Drian? 'Di ba sa toy company siya?"
"I mean 'yong kakilala niya," aniya, "naghahanap daw ng babaeng may talent sa pag-arte."
"Kaya ako ang nilapitan mo?"
She just nodded. "Malay mo sa pagkakataon na 'to, swertihin ka na? Sa ilang rejection na napagdaanan mo noon sa rami ng sinalihan mong audition, baka dito ka na matanggap, Julie."