Chapter 2

1936 Words
"Alam mo namang matagal ko nang tinanggap na hindi para sa akin ang pag-arte, Suzy. Kaya nga nag-apply na lang ako as PA, 'di ba?" I said, releasing a long sigh. "Baka hindi talaga para sa akin ang pag-arte, kaya ayoko na. Kuntento na ako sa trabahong mayroon ako, okay?" "Sure ka ba talaga?" "Okay na ako, Suzy. Sa iba mo na lang ialok 'yan." "Pero sakaling magbago ang isip mo…" Iniabot niya sa akin ang isang calling card. "Tawagin mo lang 'tong number na 'to para makapag-inquire ka, or puntahan mo 'yong address kung saan magaganap ang audition. Same requirements lang ang kailangan, tiyaka dapat proper attire ang suot." Bago siya tuluyang tumayo sa pagkakaupo ay nagawa niyang tapikin ang balikat ko. "Naniniwala akong susubok ka ulit. Take another risk, Julie. Baka ito na 'yon… wala namang masama kung mag-try ka, 'di ba?" Without letting me speak, lumabas na siya sa coffee shop kung saan kami nagkita. Ilang segundo akong nakipagtitigan doon sa calling card bago ako nagpasyang isilid na lamang 'yon sa loob ng bag ko. Nagbayad ako ng bill sa cashier bago ako tuluyang lumabas ng coffee shop. Napaka mautak talaga no'ng si Suzy, e. Kaya pala siya nauna nang lumabas ay dahil ako pala ang balak niyang pagbayarin ng cheesecake at ice coffee na in-order niya. Pero bigla na namang nanggulo sa isipan ko 'yong tungkol sa audition. Honestly, gusto kong mag-try ulit. Sabihin ko man sa sarili ko na tanggap ko nang hindi ako para sa pag-aartista, still I can't deny the fact that sometimes, umaasa pa rin akong sa kabila ng mga rejections na natanggap ko from the past, may opportunity na magbukas para sa katuparan ng pangarap ko. At baka ito na 'yong opportunity na hinahanap ko… baka sa pagkakataon na ito ay hindi na ako ma-reject. Hindi ko malalaman ang kasagutan sa what if's ko kung hindi ako susubok ulit. Pero ewan ko ba. May kung ano pa rin sa loob ko na pumipigil sa akin na 'wag nang pansinin ang chika ni Suzy. Kuntento naman na ako sa trabaho ko as PA and as a part-time writer. Kaya nga lang, 'di hamak na mas malaki ang bigayan ng sahod 'pag artista ka. Tiyaka pangarap ko kasi 'to… napakahirap i-let go. What should I do now? --- "Ate, pahiram muna ako P500." Pagkauwing-pagkauwi ko sa bahay ay sinalubong ako ni Mara, 'yong kapatid kong buntis ngayon, para lang hingan ako ng pera. "Malapit na kasi kabuwanan ko, kailangan ko nang ibili ng mga kailangang gamit si baby." "E, 'yong asawa mo? Bakit hindi mo hingan?" "Para namang hindi ka na nasanay roon, Ate. Hindi ko nga mahingan kahit pambili man lang ng bigas 'yon, e." "Tapos isinisiksik mo pa rito sa bahay natin?" iritadong sambit ko. "Mara, kaya mo namang alagaan 'yang anak mo kahit ikaw lang. Tutulungan ka naman namin, e. Basta hiwalayan mo na 'yang palamunin na Tatay ng anak mo. Nang mabawasan man lang gastusin natin sa bahay!" "Ate naman! Alam kong ikaw itong kumikita at kumakayod para sa pamilya natin, pero 'wag ka naman sanang ganyan makapagsalita kay Andrew. Hindi ko kayang lumaki itong anak ko na wala siyang kinikilalang ama." Napabuga ako ng mainit na hangin. Mukhang kahit anong gawin ko ay hindi ko makukumbinsi si Mara na hiwalayan na 'yong asawa niya. Hay nako. "Bukas kita bibigyan, bukas pa ang sahod ko." Matapos sabihin 'yon ay agad na akong nagdiretsyo sa kwarto ko tiyaka ako nahiga sa kama. Dapat ay diretsyo ako upo sa harap ng laptop para magsulat pero dahil sobrang nanlalata ang katawan ko, nagdesisyon muna akong magpahinga. Nakakapagod mabuhay sa gan'tong buhay, sa totoo lang. Pagod ka na nga physically, pagod ka pa mentally. Walang katapusang problema ang palaging bumabagabag sa isipan ko, salamat na lang talaga sa Diyos dahil sa kabila ng kabi-kabilang problemang iniisip ko ay nagagawa kong matulog sa gabi. Pero 'yong totoo, may katapusan kaya 'tong problema ko? Para yatang utang ito, hindi maubos-ubos. "Anak, busy ka ba?" "Hindi po," walang kalatoy-latoy na tugon ko kay Mama na batid kong dahil sa sagot ko ay pumasok na sa loob ng kwarto. Talagang ipinasadya ko na humiwalay ng kwarto sa kanila dahil kahit man lang sariling kwarto ko ay may maipundar ako, magkaroon lang din ako ng personal space ko. "Hindi ko sinasadyang marinig ang usapan n'yo ni Mara kanina," pagsisimula ni Mama ng conversation. "Uhm, nak… Pagpasensyahan mo na sana 'yong kapatid mo, huh? Alam mo namang mahal na mahal niya si Andrew at gusto niya talagang maging buo ang pamilyang bubuuin nila, kaya gano'n na lang kahirap para kay Mara na hiwalayan si Andrew." "Kung bakit ba naman kasi magmamahal na lang 'yang si Mara, doon pa sa walang silbi. Ni hindi man lang hayaan ang katawan na pagpawisan para sana kumita, lalo't alam niyang may pamilya na siya. Ano ba namang klaseng manugang 'yon, Ma?" bakas sa boses ko ang pagkairita. "Alam mong hindi rin ako payag sa pagpapakasal ni Mara sa lalaking 'yon, 'di ba? Kaso dahil nabuntis nga niya ang kapatid mo, wala na rin akong magagawa---" "Ma, okay lang naman na mabuntis si Mara. Kaya naman natin silang tustusan, sila ng anak niya. Hindi na natin kailangan pa 'yong walang kwenta niyang asawa!" "Sorry naman, Ate!" Ikinagulat ko nang nasa labas ng kwarto ko si Mara, umiiyak. "Pagpili na nga lang ng lalaking pakakasalan ko, ang tanga-tanga ko pa. Sorry, huh? Sorry kung sa kagaya pa ako ni Andrew nagpabuntis." "Pero hindi naman kita pinipilit na bigyan mo ako ng pera! Iyong-iyo na 'yang pera mo, hindi 'yong kung ano-ano pa ang sinasabi mo laban sa asawa ko! Palibhasa ay tatanda kang dalaga, kaya 'di mo alam 'yong pakiramdam ng nagmamahal at minamahal!" Hindi na ako hinayaan pang sumagot ni Mara dahil agad siyang umalis na sa tapat ng kwarto ko. "Tingnan mo ang isang 'yon," ang naibulong ko sa sarili. "Ang lakas ng loob na ipamukha sa akin na tatanda raw akong dalaga. Tsk! Ni hindi nga siya sure kung minahal ba talaga siya ng Andrew na 'yon! E, mukha ngang ikinama lang siya at hindi sinasadyang anakan. No'ng kasal nga, mukhang si Andrew pa 'tong gustong tumutol no'ng nagtanong 'yong pari kung sino ang gustong tumutol sa kasal!" "Julie, magpasensya ka na lang sa kapatid mo---" "Ma, buong buhay ko, nagpapasensya ako sa mga kapatid ko… sa inyong lahat! 'Yong totoo? Hanggang kailan ba ako magpapasensya? Hanggang kailan ko ba kayo iintindihing lahat?" Maluha-luha ang mga mata kong iniwas kay Mama. "Kailan kaya darating 'yong araw na ako naman sana 'yong intindihin n'yo? Tao lang din ako, may kapaguran din." "Anak---" "Lumabas ka na, Ma. Gusto ko mapag-isa." D-um-ive ako sa kama ko padapa, isinubsob ko roon sa dalawang malaking unan ang mukha ko. Gusto kong umiyak kaya gusto kong mapag-isa. Sobrang sama na kasi ng loob ko, mukhang kailangan ko 'to ilabas lahat sa pamamagitan ng pag-iyak. Wala na talaga akong ibang natanggap sa pamilya ko kung hindi sama ng loob lang. --- Kinabukasan ay nagpadala ako ng text message kay Xy para i-inform siyang hindi ako papasok ngayon sa trabaho. As usual, ayaw niyang pumayag na 'di ako pumasok pero wala rin naman siyang nagawa, desisyon ko pa rin naman ang masusunod. What's the use na magpaalam pa ako, 'di ba? Well, for professionality lang. Kunware professional ako kaya nagpaalam ako sa boss ko na 'di ako papasok. But still ended up in a 'bastos way'. Kung bakit ako um-absent sa trabaho… e, kasi ang rupok ko. Kahit anong gawin kong pigil sa sarili kong 'wag mag-audition sa ibinalita ni Suzy sa akin, pero ito ako sa venue ngayon, bitbit ang mga requirements na kakailanganin para sa screening. 'Pag pangarap talaga ang kalaban, sobrang hirap ibaliwala. "Wait for your name to be called na lang. Thanks!" At pinabalik ako nito sa upuan para maghintay na tawagin 'yong pangalan ko. Parang ano lang, maghihintay ako na tawagin ang pangalan ko para mabakunahan, gano'n. Pero natatawa na lang talaga ako sa sarili ko. Ang daming beses ko nang naranasan mag-audition pero nagawa ko pa talagang kabahan ngayon? Kabado ma-reject yarn? "Miss Lazaro." Nang marinig ko ang napakaganda kong apelyido, agad akong pumasok sa loob ng entertainment room… ngayon ay kaharap ang tatlong tao sa isang 'di kahabaan na table. Dalawang babae ang nasa magkabilang gilid at ang nasa gitna ay isang lalaki… gwapong lalaki. "Show us your best acting skill," sambit ng babaeng nasa right side. "We'll give you a scenario." "Imagine if your husband betrayed you with your friend, show us how you would react?" That is from the woman on the left side. Sandali kong in-absorb ang scenario at nag-isip ng malalim. Nang tuluyang makaisip ng gimik, huminga muna ako nang malalim bago nagsimula sa pag-arte. Bilang panimula, sinampal ko ang ere. Just pretending na may nakatayong lalaki sa harap ko, which is 'yong asawa ko, at siya ang sinampal ko. "How dare you?! How could you do this to me?! Akala ko ba ay nagbago ka na, Migo? Hindi ba't nangako ka sa akin na hindi ka na mambababae ulit? Na hindi mo na ako ulit pagtataksilan?!" "Pero ano 'to?!" Nagwawala kong sabi, halos magmukha akong baliw dahil sa marahas na pagwilig na ginawa ko sa aking ulo, just to show how frustrated I am. "Inulit mo naman, e! Niloko mo na naman ako! And what makes it hurt is that…" Lumingon sa kabilang gilid, kung saan na-i-imagine kong katabi ng asawa ko 'yong kaibigan kong taksil. "Kaibigan ko pa talaga? Sa rami ng babaeng pwede mong maging kabit… kaibigan ko talaga?!" At kunwaring may sinugod ako't sinabunutan. "Hindi ko kayo kayang patawarin! Mga demonyo kayo!" At sa pagkakataon na ito, bumuhos ang isang katutak na luha sa mga mata ko, at dahan-dahang napaupo sa sahig. "Sisiguraduhin kong… magbabayad kayo sa kataksilan n'yo!" At doon na nagwakas ang acting workshop. Mukha namang na-impress ko 'yong tatlong nanonood sa akin, dahil na rin sa mga mukha nilang bahagyang nagulat. Marahil nang makita na nagawa kong maglabas ng luha habang umaarte. Right after that, pinalabas akong muli at pinaghintay sa resulta. Ibang klase nga sa agency nila, ngayon ding araw na ito ay matatanggap ang resulta kung pasado o hindi. Unlike sa ibang agency na bibilangin ang ilang linggo bago ka makatanggap ng call kung rejected ka or hindi. Siguro baguhan lang sila na agency, talagang nangangailangan ng artista. "Miss Lazaro, please enter the room." Muli kong narinig ang maganda kong apelyido kung kaya't agad akong pumasok muli roon sa room. "Congratulations, Julie Lazaro! Among 170 auditionees, ikaw ang napili namin!" "A-Ako lang?" nag-aalangan kong tanong. Nakakapagtaka naman kasi na ako lang ang natanggap, e 170 kaming nag-audition. 'Di ko alam kung blessing ba ito or baka… kamalasan. Baka mamaya scam pala 'to? Kasi kung new agency sila na naghahanap ng artista, malamang sa malamang, hindi lang ang isa ang tatanggapin nila… 'di ba? "We're sorry for smashing your expectations, Miss Lazaro." Tumayo 'yong lalaki sa gitna, crossing his arms around his chest. "But this audition you just participated in is not affiliated with show business." "A-Ano?" naguguluhan kong tanong. Ano bang sinasabi nito? Edi, na-scam nga ako? The guy just started walking towards my direction. Nang kaunting hakbang na lang ang pagitan niya sa akin ay huminto siya, hindi pa rin binibitiwan ng mga mata niya ang akin. "Congratulations, Julie. You're hired to be my bride." A smirk just started to form on his lips. "Be a good actress at pretending your role. Because the better your acting skills you have, the higher your salary is."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD