“What? Are you kidding me?!” Hindi makapaniwala ang mukha niya na nakatingin sa kamay ko na may suot na singsing. Kinuha niya pa ang kamay ko na ‘yon at maiging pinagmasdan ang suot ko na singsing, na tila ba tinitingnan niya nang maigi kung tunay ba ‘yon o gawa lang sa pwet ng baso. Akala siguro ng babaeng ito ay nagloloko lang ako o pinag-t-trip-an ko lang siya. Laglag siguro ang panga niya kung sakaling nandito si Felix at siya na mismo ang magsabi sa babaeng naghahabol sa ex na ito na ang akala niyang katulong lang ni Felix, asawa niya naman talaga. “Hindi naman kita pinipilit na paniwalaan na asawa nga ako ng ex mo. Kung hindi ka naman bukas para sa katotohanan, edi sa kasinungalingan at sa imahinasyon mo ikaw maniwala.” Inirapan ko pa siya, para syempre hindi ako ma-out of charac

