“What the…” ang tanging mga salita na lumabas sa bibig niya. “Niloloko mo ba ako, Julie? Are you just playing around?” “Bakit naman ako magbibiro? Tumatawa ba ako para ma-consider na nag-j-joke lang ako?!” Magkasalubong ang mga kilay ko ngayon habang ang mga mata’y sa kanya lang nakatitig. “Kung napapansin mo man na biglang nag-iba sa paningin mo ang kilos ko, ‘yon ay dahil doon. Dahil iniimbestigahan kita. Dahil gusto kong malaman kung totoo ba talagang murderer ka ng sarili mong ina-” “Shut up!” Umalingawngaw ang malakas niyang pagsigaw, ubod ng lakas kaysa roon sa mga naririnig kong busina sa labas. “How dare you think of me like that? Nang dahil lang sa nalaman mong chismis sa kung kani-kanino sa bahay, paniniwalaan mo talagang totoo ‘yon? Baliw ba ako para paslangin ang sarili kong

