
Upang maka iwas sa arrange marriage na plinano ng uncle nya sa kaibigan nito ay napilitang lumayo at magtago si Chanel para iligtas ang sarili sa kapahamakan. Binago nya ang panlabas na anyo at nagtungo sya sa bansa kung saan nakatira ang dati nyang yaya. Itinago nya ang tunay nyang pagkatao at nag apply bilang katulong sa hacienda ng mga Carter. Doon din nakilala nya ang kanyang hinahangaang car racer.
Wala man sa plano nya na mahulog ang loob sa amo pero sa kabila ng pagbabalat kayo nya ay minahal din sya nito.
Ngunit paano nalang kung mabuking nito ang lihim nya?
