Naglalakad ako ngayon pauwe na may ngiti sa aking mga labi. Hindi parin ako makapaniwala na may trabaho na kami ni Jessa. Napakasaya ko talaga noong sinabi ni Mam Anna na tangap na kami. Napaiyak nalang kami ni jessa dahil sa kasiyahan sapagkat sawang sawa na rin kaming maging tambay at unemployed.
Nagtaka rin si Mam Anna dahil bakit hindi daw kami nag aaply as teacher sa mga school kaso sinabi namin sa kanya na mahirap para sa amin na mga baguhan ang makapasok sa teaching industry lalo na kung kulang kami sa qualifications na hinihingi ng school kaya we decided na magtrabaho muna temporary. Kaya eto excited akong umuwi para ibalita ito kina mama at papa.
For sure matutuwa talaga sila. Pero kailangan ko palang dumaan muna sa isang department store para bumili ng murang damit man lang sana atlis may masuot ako bukas. Nakakahiya kasi sa trabaho na papasukan ko dahil mukha itong elegante at mukhang mga social at mayayaman ang mga customers nito kaya kahit isang damit lang na mura ay ok na atlis malinis at presentable akong tignan since pwede na kaming magsimula bukas according kay Mam Anna.
Kasalukuyan akong pumasok sa isang department store dahil may nakita ako na 50% discount sale sa kanilang mga products and not bad dahil im looking for a cheap but good in quality clothes naman.. Pero habang papalapit na ako sa nasabing store ay parang may mga pares ng mata na nakatingin sa akin kasi nakikita ko ito sa aking peripheral vision ko kaya agad agad kong tinignan ang taong ito at laking gulat ko dahil nakatitig nga ito sa akin... at talagang titig na titig na para bang hinuhubaran ako nito sa kanyang isipan kaya ako na ang nahiyang alisin ang aking mga mata kaya dali dali akong naglakad papasok sa loob..
Mygosh! Why that sudden feeling! Anong problema ng lalaking yun at kung makatitig akala mo kung sino? Tsk! Baka accidentally lang talagang nakipagtitigan sa akin! Hmmmp! Makapamili na nga! Masyado kong iniisip ang kumag na yon!
Habang kinikilatis ko ang mga damit na naka hanger ay parang naramdaman ko na naman na may nakatingin na naman sa akin. Hindi kaya sinundan ako sa loob ng lalaki na yun? Kaya palinga linga ako sa bawat sulok na aking nakikita. Pero wala naman. Haiisst... Ano ba tong nangyayare sa akin.
Nakakatuwa dahil sa murang halaga ay tatlo ang nakuha ko na t shirt and its kinda amazing dahil atlis magmumukha na akong presentable dito sa coffee shop!
Naglalakad ako ngayon palabas ng mall pero parang may nararamdaman akong may sumusunod sa akin. My goodness? Ano ba tong nangyayare sa akin! Hindi kaya sinusundan ako ng lalaki na nakatitigan ko kanina? Hindi kaya kidnaper or serial killer yun? Mygod! kinakaban na sabi ko sa aking sarili. Kaya binilisan ko pa ang paglalakad pero may naisip ako kaya
Binagalan ko ang aking paglalakad at dali daling lumingon ako sa aking likuran pero wala naman akong nakita bukod sa ibang tao at isang babae na parang nabigla dahil nabuhos ang isang starbucks coffee na dala dala nito sa isang lalaki na nakatalikod sa akin.
Fuckk. Ang nasabi ng lalaki. Hindi kaya mag syota ang dalawang to at dito pa nag away. Hmmmp! Masyadong papansin! Maka alis na nga!
Napaka assuming ko naman ata at judgemental baka feeling ko lang na may sumusunod sa akin.
Tuwang tuwa ang aking mga magulang ng sabihin ko sa kanila na bukas na bukas din ay magsisimula na kami ni jessa sa aming trabaho. Lubos nagpapasalamat si nanay dahil sa wakas nakahanap na daw ako ng trabaho gayon din si itay. Kaya sa huli nagluto sya ng paborito naming adobong manok at ginataan para I celebrate daw ang pagkakaroon ko ng trabaho.
Nakahiga ako ngayon sa aking kwarto at nag chat kay Jessa since online naman ito.
Besh... alam mo ba kanina noong papunta ako sa department store may nakita akong lalaki na nakatitig sa akin at take note! Grabe kung makatitig sa akin! Ang bastos ng mata besh!
Wew? Di nga?? Sabi ni jessa
Oo nga! Alam mo yun? Yung feeling mo may nakatingin sa iyo tas biglang pagtingin ko totoo talaga syang nakatingin sa akin bessh! And worst thing is parang sinundan ako mismo sa labas ng department store. And take note I also feel na noong palabas na rin ako ng mall na parang sinusundan ako.
Hahah? Seriously? Besh! Dapat matuwa ka dahil at last! May nakapansin na ng ganda mo! Sarap mong sampalin besh!
Langya kang bakla ka! Matutuwa ba ako sa lagay na yun? Malay ko ba kung kidnaper at holdaper pala yun aber?
Haha... Gwapo ba? Daliiii
Hmmmp...pwede rin? Haha. Basta hindi ko alam eh haha nahiya ako titigan sya eh
Loka! Kung ako yun nilapitan ko na sya at nakipagkilala diba? At tinanong mo pangalan nya? Besh magkakajowa kana nga pinakawalan mo pa!
Haha jowa agad? baka hindi accidentally lang talaga na nakatitig sya sa akin eh! Anyway goodluck sa atin bukas ha! Yun na matutulog na ako! Goodnight bakla!
........
Andito na kami ngayon ni jessa sa coffee shop at kasalukuyan namin ginagawa ang aming duties. Ito pala ang feeling, nakakapagod na masaya. Si jessa ay abala sa pagseserve sa mga customers at talaga naman dagsa ang mga tao ngayon kaya pahirapan para sa amin dahil lima lang kami na crew dito sa coffe shop.
Habang abala ako sa pagpupunas ng mga table ng katatapos pa lang na customer ay para akong kinabahan dahil bigla na lang may grupo ng mga kalalakihan at mukha itong mga mayaman base na rin sa kanilang pananamit. At kay gagandang lalaki lahat may hitsura parang mga artista.
Nakita ko rin kung paano ito tignan ni Jessa. Malamang mga gwapo eh!
Itinuloy ko na lang aking ginagawang pagpunas pero sinenyasan ako ni jessa na lapitan ang mga ito para kunin ang order nila. Kaya agad agad akong lumapit sa kanila.
Good Morning Mga Sir! Welcome to El Farido Coffe shop sabay abot sa kanila ng menu.
Pero kinabahan ako dahil lahat sila nakatingin sa akin at napangiti pa sila sa isat isa na nagpadagdag sa kanilang mga ka gwapuhan.
Aheem.. Ubo ng isa sa kanila.. kaya agad akong na alerto baka may napili na ito na gustong kunin.
Hey Miss pwede bang malaman pangalan mo? Tanong ng isa sa kanila na mukhang pilyo
Ho? Sagot ko dahil nabigla ako sa tanong nito.
Yess,.. Your name? Pwede ba Miss? Sabay smirk at kindat pa pero tinapik lang ito ng isa sa kanila
Dont mind him Miss hes just a jerk. sabi ng isa sa kanila na mukang matino
Nako ok lang po. Clark po ang pangaan ko! And hindi po ako babae lalaki po ako na nagpabigla sa kanila kaya napayuko na lang ako.
Sabi ko nga ba pare sya yun eh! Sabi naman ng isa sa kanila kaya napatingala ako dahil nabigla ako sa kanyang sinabi pero natauhan na lang ako ng magsalita ang isa sa kanila ulit
Pwede ba tumigil kayo! Sabi nito gamit ang mahina na boses. Sabay tingin sa akin.
Pasensya na sa mga kasama ko. Ito na pala ang order namin.
Kinuha ko ito agad at nagpaalam sa kanila dahil nahihiya na rin ako dahil mukhang pinag tit tripan ako ng dalawang yun. Buti na lang mabait yung isa sa kanila.
Hoy besh!!! Iba ka! Anong sinasabi ng mga hottie na yun sa yo ha? Dont tell me may gustong maka one night stand sayo! Sabe sa akin ni jessa kaya sa bigla ko ay kinurot ko ito sa tagiliran kaya napatili ito pero buti na lang walang nakakita masyado
Ikaw baklita ka! Kung ano ano nasa isip mo. Aasikasuhin ko itong order nila and ikaw magdala nito ok? Sabe ko sa kanya
Ha? Bakit ako besh! Ikaw kumuha ng order nila kaya dapat ikaw ang magdala duh! Aray! Ano ba kanina ka pa nangugurot besh! Sige! Sige ako na!
Good! Pumunta na ako sa kitche area para ayusin ang order ng mga lalaking yun at ng matapos ay agad ko itong nilagay sa isang tray at inabot kay jessa para sya na mismo ang magdala sa kanila.
Ng makuha na ito ng babaing ito ay nagsalita pa ito.
Tapatin mo nga ako besh? Nahihiya ka noh? Kaya siguro ako ang inutusan mo magdala nito sa kanila? Haha
Ulol! Punta kana don! Kanina pa sila naghihintay! Taboy ko dito! At ng papunta na ito sa kanilang direksyon ay sya naman pasok ng isang lalaki at lalo akong kinabahan dahil nagkasabay pa kaming tumingin sa isat isa at halos hindi ako makagalaw dahil ngumiti pa ito sa akin kaya dahil sa taranta ay tumalikod
Paanong... Paano napunta ang lalaki na yun dito? Siya yung lalaki na nakatitigan ko sa mall! Sabi ko sa aking isipan. Hindi kaya sinusundan nya talaga ako? Erase. Erase!
Napaka assuming ko naman baka sadyang napadpad lang talaga sya dito! Pero laking gulat ko dahil nakita ko itong umupo sa mesa
Kung saan nakaupo yung mga lalaking makukulit kanina.
Dont tell me mga kaibigan nya ang mga yun? Mygosh! Dahil sa hiya ko ay agad akong lumapit papalapit kay jessa na papalapit na din sa akin!
Besh! Besh! Ang gwapo ng customer na yun huhu! Hindi mo na alam sinabihan ako ng isa sa kanila na maganda ako? Mygos besh! Hihimitayin yata ako ngayon’! Alalayan mo ako dali besh!
Baliw... tulak ko sa kanya. Umayos ka jessa nasa trabaho tayo ok!
Ito naman parang binibiro lang. pero besh ang guguwapo nila noh? Lalo na yung bagong dating! At mukhang mga bigatin sila ha! No wonder magaganda siguro mga syota nila at mayayaman din siguro gaya nila.
Natauhan nalang kami ng biglang lumapit ang isa kanila yung matinong lalaki at mukha atang may order.
Hi? Sorry to interrupt to the two of you. Mind if pwede magpadagdag ng same order para sa kasama namin.
No problem Sir! 5 mins po. Sabi ni ko at bumalik na ito sa kanila. Until I realized na nasa kitchen na pala si Jessa kaya pinuntahan ko ito.
Ako na ja jessa.. pero tinabig lang ang aking kamay kaya napatingin ako sa kanya.
Huwag mo akong lokohen teh! Alam ko ang galawan na yan! Nahihiya ka sa mga papafable na yun noh!
Ha? Gulat kong sabe sa kanya
Wag mo akong lokohen! O eto dalhin mo doon sabay tulak sa akin! Kaya lalo akong kinabahan pero huli na dahil nakatingin sa akong diresksyon ang grupo ng mga lalaki na yun.
No choice kaya i gained my posture at naglakad sa kanilang direskyon! Humanda ka sa akin jessa langya kang babae ka! Sabi ko sa aking isipan!
Jusko lord para akong aatakihin sa puso dahil habang papalapit ako sa pwesto nila ay sila naman tingin nila sa akin at nakangiti pa silang lahat lalong lalo na yung lalaki na nakatitigan ko sa malll!
Huhu what should I do!