Chapter I: Bakit ako?
Saan na ba ang babaeng yun! Mag iisang oras na ata ako dito at mukhang di pa ata nakaka alis ng bahay nila! Humanda ka sa akin mamaya pag dumating ka dito! Jusko ang init init na nga tas pinaghihintay pa ako! Ayaw na ayaw ko pa naman ang pinaghihintay.
BTW Ako nga pala si Clark Prey Lopez. I’m 22 years old. And If i were to describe my self simple lang ako at hindi mapormang tao at may mapagmahal na mga magulang. Nag iisa lamang ako na anak kaya kahit hindi ako tunay na lalaki at malambot haha ay tangap na tangap ako ni nanay at itay. Hindi naman kami mayaman sapagkat nagtitinda lamang ng mga gulay at isda sa palengke ang aking mga magulang. Pero kahit ganoon ay masaya kaming pamilya dahil nakakaraos naman kami sa pang araw araw na pamumuhay at eto nga kaka graduate ko lang ng college 2months ago at laking pasalamat ko dahil kahit mahirap man kami ay nagawa parin ng mga magulang ko ang tustusan ang aking pag-aaral.
Kasalukuyan akong nakatayo dito sa tabi ng isang pharmacy store dahil kanina pa ako naiinis sa sa bestfriend ko na si Jessa na hindi pa dumadating sa aming usapan na magkikita kami dahil mag hahanap kami ng trabaho. Ang usapan ay 8:00am ay dapat nasa meeting place na kame kaso mukhang mag te 10:00am na ay wala pa rin ang babaeng yun! Humanda talaga sya sa akin pag dumating sya! Nakakahiya kanina pa ako nakatayo dito sa labas at tinitignan na din ako ng security guard nakaka intimidate ang look ni manong guard ha mukha ba akong magnanakaw at may gagawin na masama? At bigla na lang nag vibrate ang phone ko agad agad ko itong kinuha at sinagot
Besh!!! Asan ka? Andito na ako! Saan ka dito di kita makita?
Mygod Jessa! Buti na lang dumating kana!Andito ako sa baba sa first floor dito mismo sa pharmacy store kaya bilisan mo dahil nagmumukha akong ewan dito!
Hahaha! Besh kalma lang ok? ayaw mo non besh? Daming makakakita sa beauty mo? Sus dapat pa nga matuwa ka dahil binigyan kita ng exposure para makita nila ang ganda mo diba?
Loko ka talagang baklita ka! Bilisan mo ibaba ko na ito!
Aminado naman ako sa sinabi ni jessa na maganda ako dahil marami din ang nagsasabi sa akin non pati sina nanay at tatay Pambihira at kakaiba daw ang mukha ko na parang babae talaga pero mas nakaka attract daw dahil lalake nga ako kaya mas napapansin daw talaga ang ganda ko pero diko na ito binibigyan ng pansin dahil Im gay wala naman siguro ang magkakagusto sa amin at isa pa inaayon ko naman ang aking pananamit sa normal na kinasanayan natin hindi porket bakla na ako ay literal na maglaladlad at magsusuot na ako ng mga pambabae. Its my choice parin kaya eto Im contended of what I Am.
Hoy bessh! Tulala lang teh?? Tulala lang? Nabigla na lang ako dahil sa biglang pag sulpot ni jessa sa tabi ko. Dahil sa pagkabigla ay pinitik ko ang ilong nya dahilan para mapasigaw sya para pagtinginan kame ng mga dumadaan.
Arayyyy! Anong problema mo teh! Bakit mo pinitik ang maganda at pointed kong nose ha?
Hahaha pointed! Ulol! Kailan pa naging pointed yang nose mo aber? Hoy wag ka feeling ginawa ko yun dahil parusa mo yan sa paghihintay ko sayo
Eto naman. Syempre alam mo naman kailangan maganda ako kapag lumalabas diba? Malay mo ngayon araw ko pala makilala ang destiny ko so atlis maganda ako sa paningin nya right teh? Ewan ko sayo teh! Kung ako lang ang may ganyan na mukha mygod baka proud na proud ko ng nirarampa dito! Sabay pose ng bakla
Ewan ko sayo jessa! Kung ano ano sinasabi mo! Halika na nga maghanap na tayo ng trabaho para hindi nasasayang ang oras natin. Remember ang goal natin?
Oo teh! Alam ko! Ang main goal natin ay makahanap na tayo ng work this week dahil tapos na ang beauty este rest day natin for 2 months mygosh! Mantakin mo yun besh? We are unemployed my gosh! Diko ma take na im still unemployed!
Haiist! Sabagay tama si jessa. Naging mahirap sa amin dalawa ang paghahanap ng trabaho ewan dahil parang minamalas ata kame dahil walang tumatangap sa amin. Totoo nga ang sabi nila na after you graduate in College doon mo mararanasan ang hirap.
Besh? Are you still there? May kausap ba ako? Haller? Are u there? Turan ni Jessa
Napapailing na lang ako sa sinasabi ng babaeng ito. Gayun paman laking pasalamat ko dahil sya lamang ang taong pinagkakatiwalaan ko at hindi ako iniwan. Siya lamang ang kaibigan ko mula ng mag kolehiyo ako. Maniwala man kayo o hindi Im a looner at walang kaibigan dumating sa point na parang ayaw ko na nga pumasok dahil nawawalan na ako ng gana kung di lang ki mama at papa dahil ayaw kong masayang ang pag aaral nila sa akin ay di na ako tutuloy mag aral sapagkat nakakabagot dahil boring ng college life ko masyado akong naka focus sa studies pero dahil kay Jessa ay nabago ang lahat ng pananaw ko bilang isang college student. She help me get out of my closet. Natutunan ko makisalamuha sa iba at magparticipate sa mga school activities namin. Sobrang saya pala ng may mga kaibigan. Napapailing na lang ako habang iniisip ang mga yun.tsk tsk hahah
Hoy tulala na naman teh? Ano bang nangyayare sayo ha? Tumatawa ka mag isa? Mygod dont tell me nababaliw kana?
Jessa stop it. Pwede may inisip lang ako. Halika kana at maglakad na tayo.
Hangang sa makita namin ang isang Advertisement na nakadikit sa isang establishments sa labas mismo ng isang clothing store. Nagtinginan pa kame ni jessa at mukha atang nabasa nya rin ang aking iniisip at dali dali kaming lumapit sa advertisement na yun!
Ng makalapit kami ay labis ang tuwa namin ng makita namin na may hiring ang isang coffe shop na mga crew
Mygod! Besh! Ito na ba yun? Ok lang ba sayo jan mag apply tayo dito sa coffe shop na ito? Kasi you know?
Alam ko ang iniisip ni Jessa, marahil iniisip nya rin na instead na sa pagtuturo dapat ang makuha namin na trabaho ay bakit ito na more on business related since hindi naman kami Business management graduate kundi more on social sciences ang natapos namin na course ay ito ang kukunin namin na trabaho.
JESSA, alam mo naman siguro na 2months na tayong unemployed? At alam mo naman siguro na pahirapan ang pagahahanap ng trabaho? Tumango na naman ito. Siguro temporary lang naman tayo na mag tatrabaho e at isa pa look at the incentives at salary my god! Ang laki ng sweldo for sure makakatulong talaga tayo sa mga parents natin!
Mukha atang na convince ko ito. Pero bigla na lang itong nagsalita....
Alam mo besh, kahit hindi mo ako i convince e talagang papatusin ko yan! Mygoodness besh! Nauubos na ang mga cosmetics ko at mga facial cream ko kailangan ko ng perang pambili
hahahahaha! Sa dami ng pwede mong sabihin yan pa talaga? Iba ka talaga jessa! Haha halika puntahan na natin yang address na ng coffe shop na yan! malay mo hindi lang tayo ang mag aaply kaya dali lets go! Lets grab the opportunities.
Inabot ata kame ng 30mins ng marating namin ang exact location ng nasabing coffee shop. At talagang masasabi kong napaka ganda ng interior design nito at perfect pa ang venue nito dahil malapit lamang sa mga condominium at company . Kaya siguro malaki ang pa sweldo rito. Nakita ko si Jessa na tinitignan din nya ang nasabing coffee shop.
Jessa tara na? Pumasok na tayo para malaman natin kung pwede pa bang mag apply. Tumango naman ito at sabay kaming pumasok.
Bessh... kinakabahan ako... ito na bayun? Sana matangap na tayo!
Pati ako ay kinakabahan dahil baka hindi na naman kami pumasa at matangap. Kaya lalo akong natakot pero naisip ko na baka makiki ayon na sa amin ang kapalaran.
Jessa think positive! Matatangap tayo dito! Kaya halika kana! ( lumapit kami isa isang crew na busy sa pag seserved ng coffee at tinanong namin ito. Since it was a girl, si jessa na ang kusang nagtanong rito.
Hi? Turan ni Jessa kay ate girl
Hello? Ano pong kailangan nyo Ma’am and Sir?
Wow ha.. ang formal naman ata, nahiya kami ni Jesssa pero siguro professionalism.
Itatanong lang sana namin kung saan kami pwede magpasa ng papers regarding sa hiring for new crew members ng coffe shop na ito?
Applicant po kami and were very interested po. Ako na mismo ang nagsalita at tumingin naman sa akin si ate girl with matching smile.
Ah I see! Applicant right? Tamang tama dahil kailangan namin talaga ng new crew since nakikita nyo tatlo lang kami dito ng kasama ko. Hali kayo sumunod kayo sa akin for sure matutuwa si Mam Anna dahil may mag aaply na rin.
Ako pala si Merry Anne pagpapakilala nito sa amin. Habang naglalakad papunta sa loob.
At ng marating namin ang office ay humarap ito sa amin.
Dito muna kayo ha,, hintayin nyo muna si Mam darating din yun at pag dumating sya magpakilala kayo at give all your best! Kaya fighting! Kaya nyo yan! Kayo pa! Im looking forward to see you here as my co workers!
Ay,,, I like you na girl! Sabe ni Jessa kay Merry Anne! At umalis na ito sapagkat busy rin ito sa counter. Pansin ko 3 lang sila na crew rito sa cofffe shop . Napakalaki ng coffe shop paano na kaya kung marami silang customers? Buti konti lang masyado ang tao ngayon.
Bessh... Im so scared! Paano kung masungit yung Mag iinterview sa atin? Huhu sana naman besh umayon na sa atin ang tadhana!
Habang nag uusap kami ni jessa ay sya naman biglang interrup ng isang boses sa amin.
Excuse Me? Kayo ba yung mga applicants?
Napanganga kami ni jessa sa aming nakita dahil napakagandang bababe nito at hiyang hiya kame ni Jessa dahil para talaga itong artista at nakangiti pa kaya tumayo kami agad.
Opo.. kame po tarantang sabe ko.
Well First and foremost welcome to El Z Coffe Shop Im Anna the Manager and ako mismo ang magsasagawa ng interview nyo. So ready na ba kayo? Sino sa inyo ang mauuna?
Siya po... turo sa akin ni Jessa at tinulak pa ako kaya bigla na lang ako nabigla at napasabi ng
“bakit ako?
..........
What do you think Guys? Should I continue write this one? Hehe Baguhan lang po ako kaya pls bear with me
Abangan...........