Chapter 8

2261 Words
Indie Emerson Drawing and painting become my comfort zone. My youth was constantly kinda frustrating up until now. My mind is always occupied with new thoughts and ideas, and I couldn't voice all of them. Painting become my way to peace in this cruel world. Kapag nakahawak ako ng brush at nakaharap ko na ang canvas ay para akong nabubuhayan lagi ng loob at nakakadama ng ginhawa. But not all the time. I also have bad days at kahit kaharap ko na ang mga bagay na nagpapatahimik sa akin ay hindi ko pa rin maiwasan na hindi mag-isip ng kung ano. I just know how not to pour it out in people. Kaya nasanay din akong hindi makihalubilo sa mga tao. Nasanay akong ako lang mag-isa. Okay lang naman dahil iyon naman ang sinuntok sa akin ng mundo... ang mag-isa. Kumunot ang noo nang makita na hindi maayos ang pagkakalinya ko sa mata ng babae na nasa drawing pad ko. Naiinis na pinunit ko ang pahina no'n at tinapon na lang sa kung saan. Sa paglingon ay nakita ko ang kumpol ng mga nagusot na papel na naihagis ko gawa na hindi ako satisfied sa naguhit. Pakiramdam ko, hindi matatapos ang linggo na 'to ay ubos na ang drawing pad ko. Ang dami na kasing napunit. Nagkalat din sa sahig ang ibang paint brush at canvas board. May easel stand din na nakatayo ro'n at may canvas na nakalagay, hindi pa iyon tapos at mukhang hindi ko na matatapos pa. Isang linggo na ang nakalilipas nang sunduin ako ni Weston sa bahay at sumama ako sa kanya. Isang linggo na rin akong nakatira sa iisang bahay kasama siya. I mean sa condo unit niya. Hindi kami natuloy sa mismong bahay niya dahil pag-iisipan niya pa pala raw. Tama rin naman siya, hindi naman dapat ako tumira sa bahay niya kasi asawa lang naman niya ako sa papel. Baka mamaya pala nakalaan 'yon sa gusto niya talagang mapangasawa. I was living with him pero pinanindigan ko ang pag-iwas. Siya na rin ang nagsabi na gamitin ko 'yong guest room. Sinabihan ko rin kasi siya na ayokong matulog na katabi siya. Pumayag naman agad ako dahil mas okay 'yon. Isang linggo ko na rin siyang iniiwasan. Alam kong sinisilip niya ako o 'di kaya kakatukin pero titigil siya saka aalis sa harap nitong room. Nakikita ko 'yon sa door hole. Kinakatakot niya rin ako kapag kakain na pero sinasabi ko na mauna na lang siya. Hangga't maaari ayokong mas mapalapit sa kanya. Tama na 'yong nagpirmahan kami ng marriage license. Gano'n naman dapat 'di ba? Hindi rin naman kami romantically attached sa isa't isa. Siguro after a year or two ng ganitong set-up ay tutulungan niya na akong makaalis. Hindi naman siguro niya ako pipilitin sa mga bagay na ayaw ko 'di ba? Kasi may mga ganoon akong nababasa sa libro para magampanan lang 'yong wifely duties ng mga pumasok sa arranged marriage tulad nito. Kung tungkol sa mga gawaing bahay, I can do that. Kaya kong gawin lahat, maglaba, maghugas ng plato, magwalis, maglinis ng banyo at ng buong bahay. Men have needs. Kaya kong gawin kay Weston ang mga simpleng bagay pwera sa bagay na 'yon. Kahit 25 na ako, I'm still virgin. Sabi ko noon, ibibigay ko lang 'to sa lalaking mamahalin ako at makakasama ko habambuhay, pero napagtanto ko na wala naman sigurong mahuhulog sa akin kaya magiging mag-isa ako habambuhay. Siguro magagawa ko lang 'yong bagay na 'yon kapag handa na ako. Sa nakalipas na isang linggo ay wala rin naman akong natanggap na messages galing kay Mama at Papa. Kay Manang meron, halos araw-araw pa nga kami nag-uusap. Siya pa ang unang nangangamusta sa akin. Siguro magandang bagay din na mawala ako sa bahay na 'yon para wala nang sisira ng araw ni Mama. Kapag nasa bahay kasi ako, pakiramdam ko, ako ang dahilan kung bakit ang sama lagi ng timpla niya. Simula nang mawala si Ingrid, naging gano'n na ang trato niya sa akin. Hinahayaan ko lang dahil kapag nilabanan ko ay baka mas lalong magalit sa akin. Minsan ko nang naisip na ang tanga ko kasi kahit na gusto na nila akong itaboy, kahit na ilang beses na akong nilait at minura ay nanatili pa rin ako. Wala eh, mahal na mahal ko sila kahit na gano'n ang nangyayari at saka gusto ko silang alagaan. Wala naman akong boyfriend o asawa kaya naisip ko na sila na lang ang aalagaan ko hanggang sa tumanda sila. Napatingin ako sa orasan at nakitang alas-nuebe na ng gabi. Nakaramdam ako ng pagkangalay ng leeg at gutom kaya naisipan ko nang ligpitin ang kalat ko para makalabas na ako ng kwarto at makakuha ng pagkain. Baka bukas ay magpunta akong supermarket para bumili ng stock at lagyan ang refrigerator ni Weston. Nakakahiya dahil dito rin ako kumakain. Nung isang araw nagulat na lang ako na kinatok niya ako tapos sabi niya may pagkain na. Sa loob ng isang linggo, gano'n siya lagi. Sa sobrang sarap niya magluto baka pagkatapos ng isang buwan ang taba ko na. Wala rin naman kaso sa akin dahil ang payat ko. Kapag kinakatok niya ako para kumain, alam kong tapos na siya kasi mukhang ramdam niya na gusto ko talagang mag-isa. Kapag lalabas na ako ng kwarto, wala na siya sa dining area nitong unit niya. Siguro nasa kwarto na siya. Malaking 'tong condo unit niya. Actually, penthouse na nga kaya sobrang laki. May indoor swimming pool pa. Siya lang mag-isa rito, minsan daw dito natutulog 'yong isa niyang bestfriend pero pinalayas niya muna kasi nga andito ako. Patakbo akong bumaba ng hagdanan. Marahan kong tinahak ang kusina, nadaanan ko 'yong living area niya pero wala siya ro'n. Bukas naman 'yong ilaw, baka nasa kwarto niya. Nakatali rin 'yong curtain at nakaangat 'yong blinds ng glass wall window niya kaya kitang-kita 'yong city lights. Ang galing niya rin pumili ng unit, parang luxury penthouse na nga 'to. Mataas 'yong ceiling ng unit niya at saka my second floor. Nasa second floor 'yong room niya at saka guest room kung saan ako tumutuloy. Malayo agwat ng room namin kasi may entertainment and gym pa siya. Agad napansin ng mata ko ang plato ro'n sa kusina na nakatakip ng cling wrap. May note iyon kaya kinuha ko para basahin. Eat your dinner, Indie. This is my special dish and my favorite. Creamy Chicken Breast in Special Spinach Parmesan Sauce. Sinamahan ko na rin ng sweet potato kasi alam kong nagustuhan mo 'yong ginawa ko no'ng nakaraan. And his note ended with a three smiley face. I felt my cheeks heated because of his simple gestures. Isang linggo na siyang ganito kahit na ang sungit ko sa kanya. Napabuntong-hininga ako at tinitigan ang tatlong plato. Nahiya ako bigla sa sweet potato niya, kasi naman bagong luto pala 'yon tapos naubos ko bigla. Hindi pa ata siya nakakakain no'n. Kinuha ko 'yong plate na may rice at nilagyan ng chicken breast, dinamihan ko rin ng sauce dahil mukhang masarap siya amoy pa lang. Nang okay na ay agad akong tumakbo sa living area at doon pumwesto malapit sa may glass wall. May mga nagkalat naman kasi na one-seater sofa roon kaya kahit saan ako umupo. Naka-dekwatro akong umupo at nilagay ko sa kandungan iyong plato. Kalahati ata nitong unit niya ay glass wall window. Hindi ba siya natatakot? Paano kung lumindol? Tapos siya lang mag-isa rito. Sa monday, papasok na ako sa Art Bar. Buti na lang talaga pinayagan ako ni Ma'am Sonya na hindi muna pumasok nitong nakaraan. Medyo kailangan ko lang talaga mag-adjust dito sa bagong tinutuluyan kaya hindi muna ako pumasok. Isang sakay lang din 'tong penthouse ni Weston mula sa Art Bar. Alam kong papasok na rin siya sa Monday sa trabaho niya dahil one week lang ang leave niya. Isang linggo na, medyo nagsisink-in na sa akin na kasal na ako though naninibago pa. My Mom used to paired me with different boys na anak ng kakilala niya, hanggang date lang, hindi na umabot sa ganito. May iba na sa mismong dinner namin ay umatras nang malaman na pipi ako. May iba na kunwari ay magbabanyo lang pero iiwanan na ako. Meron naman na kunwari may meeting pala pero ang totoo ay gusto lang makatakas sa akin. Naiintindihan ko naman, buti na lang din ay sila na mismo ang umaatras. Ayoko rin naman sa kanila. Mapepera nga sila pero masahol naman ang ugali. How they treat me, is how they feel about me. Actions tell what people hide. They were disgusted and embarassed about the idea of me being a mute. If they can't like me, so what? Ayoko rin sa kanila. Action speaks louder than words and it will truly shows their true colors. Minsan hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Minsan ang tapang ko, minsan ang hina-hina ko. May mga araw na kaya kong i-handle 'yong tingin nila sa akin at may araw na down na down ako sa mga napapansin at naririnig patungkol sa akin. Pinipilit ko lang pala maging malakas para sa sarili ko kasi ayoko na maging talunan. Kasi walang iba na tutulong o dadamay sa akin kundi ako lang talaga, sarili ko lang. Ipinagkait sa akin ng kalagayan ko ang mundong gusto ko— iyong may magmamahal sa akin ng buo, makakasama sa lahat ng bagay. Pero nagpapasalamat ako kasi kahit na ganito ay nakakagawa naman ako ng bagay na maganda at hindi nakakasakit ng taon. I'm not perfect, I have flaws, I have sins and I am mute. I have nothing to offer but only myself and my sincerity in this cruel world. At kahit alam kong napaka-imposible mangyari... sana may taong tatanggap sa akin bilang ako. Iyong hindi magsasawa sa akin sa kakakumpas ko ng mga kamay para lang magkaroon kami ng komunikasyon, o 'di kaya 'yong hindi mapapagod umintindi bumasa ng bibig ko kahit na walang lumalabas na tunog. Iyong pwede kong gawing model kapag nasa mood talaga ako magpinta. Naging malupit sa akin ang mundo at sana dumating ang taong magiging pahinga ko sa araw-araw. Muntikan na ako masamid nang makita ang repleksyon ni Weston sa glass wall. Agad akong napatakip ng bibig at mabilis na nginuya ang kinakain. Agad kong inabot ang baso ng tubig sa gilid at ininom. And for pete's sake he was just wearing a shorts! Those pandesals are waving! Holy cow! One, two, three, four, five, six— Halos mapatalon ako nang tumikhim siya. Ano ba naman 'yan, Indie! Naisipan ko nang ilapag 'yong baso at humarap na ako sa kanya, napatayo pa ako sa kinauupuan habang hawak-hawak ang plato. "Kanina ka pa diyan?" Gumalaw ang bibig ko kahit na wala namang lumalabas na tunog. Agad akong napatakip doon. Ang tanga ko lang! Pipi nga pala ako! Nanlaki ang mata ko nang tumango si Weston. "Naiintindihan mo?" muling buka ng bibig ko. Pinagkrus niya ang mga braso niya at nakita ko kung paano gumalaw ang mga muscle niya. Tikom ang bibig na muli siyang tumango. Diyos ko po! Bakit ba nakahubad 'tong nilalang na 'to! Hindi ba siya nilalamig sa lagay niya?! "I can read your lips, Indie and I don't know why. Iyong kamag-anak ko na katulad mo ay hirap na hirap ako intindihin 'yong galaw ng labi kaya puro kami sign language pero bakit sa 'yo..." Umawang ang labi ko pero naitikom ko rin 'yon nang tumingin siya sa labi ko, tapos iyong tingin niya ay parang— nailing ako at winaksi ang naiisip na kahalayan! That's bad! Ipinakita ko 'yong plato sa kanya at sumenyas ng salamat. Muli akong bumalik sa kinauupuan at nagpatuloy na sa pagkain. Gising pa pala siya! Mariin akong napapikit dahil ang bilis ng t***k ng puso ko! Kailangan ko na siguro magpatingin sa doktor at baka mamaya may sakit na pala ako. Dahil kita ko ang repleksyon niya ay nakita kong umupo siya at bumukas ang malaking TV niya. Manunuod pa ata siya sa netflix ng movie. Dahil medyo naging mailap ako sa kanya nitong nakaraan at kahit na gano'n ay lagi pa rin niya akong nilulutuan ay parang na-guilty ako. Tumayo ako sa kinauupuan at doon na pumwesto malapit sa kanya. "What is your favorite movie?" he suddenly asked. Nilapag ko sa lap ko 'yong plate at sumenyas sa kanya. "I love fairytale movies." Saglit siyang tumingin sa akin saka muling tumingin sa harapan. Kahit na nakatagilid siya ay nakita ko ang pagngiti. "You love fairytales?" he asked in a low voice. Hindi ako sumagot sa tanong niya. Fairytale for some people is hardcore, too perfect and too hard to achieve. But in someone like me, I really want that kahit na napaka-imposible. I love to read romance novel and watching romance movies, at minsan ko na hinangad 'yon. At baka sa panaginip na lang mangyari. "Life is messy and complicated. Hindi lahat ng nasa fairytale movies or books ay pwedeng mangyari sa totoong buhay." Sa sinabi niya ay doon ako napatingin sa kanya. Nagkatinginan kaming dalawa at nakita ko ang ngiti sa mukha niya na para bang natutuwa siya sa mga sinasabi. People got stucked to the idea of fairytale kaya nakakalimutan na nila ang realidad. At alam kong talagang napaka-imposible mangyari ang fairytale na minsan ko nang hinangad, pero wala naman masamang mangarap 'di ba? Baka malay natin isang araw o 'di kaya sa panaginip ay maranasan man lang natin. "Nevertheless... you can go out there, experience life, and create your own fairytale, right? All of us, can." All of us can? In my state... how?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD