Indie Emerson
"Edi wala tayong pasok sa katapusan?"
Narinig kong tanong ng isang cashier staff habang pumipili ako ng paint brush sa gilid. May kausap kasi siyang isang sales staff. Mga katrabaho ko sila pero hindi naman kami close. Hindi ko rin naman kasi sila nakakausap dahil nga sobrang ilap ko sa mga tao. May iba kasi na ayaw din naman ako kausap kaya ako na lang ang kusang lumalayo.
"Half day lang! Kasal nga kasi ng panganay niyang anak 'di ba?"
"Ay, oo nga pala!"
Lumapit ako sa pwesto nila at nilapag ang paint brushes na nakuha. Inabot ko rin ang debit card ko para iyon ang gawing pambayad.
"Paniguradong grande ang kasal nila! Vega at Ynares ang ikakasal!"
Napakunot ang noo ko nang marinig ang Vega. Saan ko nga ba 'yon narinig? Inasikaso ng cashier staff ang binili kong brushes at nang okay na ay kinuha ko muli ang card at bumalik sa room kung saan andoon ang painting area namin. Nasa loob lang din naman kasi kami ng Art Bar. Dalawa lang kaming painter ngayon ang pumasok dahil ang iba ay thrice a week lang din, minsan nga ako lang ang mag-isa rito kaya sanayan na lang din. Pero sa totoo lang takot na takot ako, mamaya kasi biglang may ibang kasama na ako o 'di kaya gumalaw ng gamit ko habang abala ako sa ginawa. Paranoid minsan.
"Indie," tawag sa akin ng kasamahan ko kaya napatingin ako sa kanya at ngumiti. "Hindi pala muna kita masasahan sa lunch ha? May kikitain kasi akong friend ko. Ayos lang ba sa 'yo?" tanong pa niya.
Ngumiti ako at saka tumango ng ilang beses. Sinamahan ko pa iyon ng thumbs up para maintindihan niya. Nginitian niya lang ako at sinabi na bukas na lang kami magsabay saka siya bumalik sa ginagawa. Umayos ako nang pwesto at tinitigan ang ginagawa. Buti na lang ay medyo maganda ang mga nagdaan na araw ko kaya marami at maganda ang nagagawa kong painting.
Ilang canvas na rin ang nagagawa ko sa loob ng dalawang linggo tapos mabenta pa! Ang swerte ko ata nitong mga nakaraan!
Dumating ang lunch break at nagpaalam na 'yong kasamahan ko. Ako na lang tuloy ang naiwan sa area namin. Lumapit muna ako sa isang mesa na andoon saka inilapag ang baunan ko ng pagkain. As usual, Weston cooked breakfast dahil ayoko naman masayang ay binaon ko na.
Speaking of Weston— We become strangers, again. Literal na literal, hindi kami nag-uusap. Oo, iniiwasan ko siya pero mukhang binabawian niya ako. Para akong naging hangin. Pero tama lang din naman siguro 'yon? Hindi rin naman kami talaga magkakilala at biktima kami ng kagustuhan ng mga magulang namin. Nag-iiwan pa rin siya ng pagkain sa umaga kahit na sinabi kong huwag na.
Tatlong linggo na kaming magkasama sa unit niya tapos dalawang linggo na rin kaming hindi nag-uusap. After nung gabi na 'yon, bumalik na naman kami sa dati, mas malala nga lang. Hindi ko alam ang iniisip niya. Nahihiya rin naman akong magtanong. Siguro maghihintay na lang ako na palayasin. Hindi ko alam baka mamaya ay narealize na mali talaga 'yong nangyari. Syempre, freedom niya ang nawala sa ginawa sa amin. Paano kung hindi pala totoo yung sinabi niya na wala siyang girlfriend? Paano kung narealize na kahihiyan palang makasal sa isang pipi na tulad ko? Tama lang din pala na hayaan ko siya o hindi pansinin kasi baka mapahiya rin siya kapag nalaman ng mga tao na ganito ako.
Ayoko rin naman sa katulad niya. For the past days I've a hunch na baka katulad din siya ng mga 'yon. In fact, I hate some men like him. I loathed them so much. They made fun of me. They once made me like a fool.
Ginawa ko lang siyang exemption no'ng una naming pagkikita dahil sa kabaitan niyang taglay pero nitong mga nakaraan ay bumabalik 'yong takot ko at pangamba kaya tama lang na hindi ko siya pinapansin. Ayoko siyang makita sa Police Uniform niya. Kaya ginagawa ko talaga lahat para lang hindi ko siya makita sa umaga na suot 'yon. Gusto ko lang din ingatan 'yong sarili ko.
I sighed and looked at my food. Bigla akong nawalan ng gana pero kailangan ko 'tong kainin. Maraming bata ang nagugutom at ayokong magsayang. Kinain ko na 'yong nasa baunan, hindi rin naman 'yon marami. Baka mamaya bumili ako ng ilang snacks kasi sa gabi ako ginugutom. Bibilhan ko na rin si Weston ng energy drink at gatas kasi napansin ko na mahilig siya ro'n. Kahit ayoko siyang pansinin, bibilhan ko na lang din siya. Ako rin naman bumibili ng grocery kasi sinabi ko sa kanya.
Nang maubos 'yong pagkain ko ay nagpunta ako sa banyo para hugasan iyon saka ibinalik sa lagayan. Pagkatapos ay muli akong bumalik sa ginagawa para matapos na at makapagsimula ng bago.
"Indie! Patambay kami ha?" Napatingin ako sa pintuan nang magsalita 'yong dalawang staff ng Art Bar. Mukhang katatapos lang din nila mag-lunch.
"Promise, hindi ka namin guguluhin."
Nakangiting tumango ako. Mukhang alam nila na ayokong nagpapaistorbo kapag may ginagawa. May part kami ng area na 'to ang tanaw ang city kaya magandang tambayan, pero dahil pwesto namin 'to ay mahigpit ako. Minsan sinasarado ko talaga para walang makapasok. Tapos may ibang staff na nagagalit kasi ang sungit ko raw kaya natatakot na tumambay. Natatawa na lang ako sa isipan ko.
Hindi ko na sila pinansin at ipinagpatuloy ang ginagawa. Babaeng nakasampa sa bintana, nakatalikod at nakatingin sa madilim na kalangitan. Madali lang kasi more on black colors, silhouette 'yong girl pati 'yong bintana then 'yong night sky lang ang binigyan ko ng kulay.
Ang next na gagawin ko ay 'yong Santa Cruz Breakwater Lighthouse sa Santa Cruz, California. Kasama 'to sa bucketlist ko, sana one of these days ay mapuntahan ko na. Hindi ko alam kung kailan ko magagawa 'yong mga nasa bucketlist ko pero may isa na akong nagawa. Itinigil ko muna ang ginagawa at kinuha ang crochet pouch ko sa gilid. Nilagay ko rin kasi doon 'yong pitaka ko, phone at isang maliit na notebook.
Kinuha ko 'yong notebook at binuksan. Matagal na akong may ganito at dinadala ko lang kapag pumapasok sa trabaho, minsan hindi ko na nabibitbit kasi masyadong complicated ang mga nakalagay at bihira mangyayari kung sakali man.
1. Go to Santa Cruz, California.
2. Picnic at Central Park.
3. Ride a Ferris wheel.
Hindi pa ako nakakasakay ng Ferris wheel kasi natatakot ako, gusto ko may kasama. Hindi namin dati nagawa ni Ingrid kasi bantay sarado sila Mama at Papa. Marami akong gusto gawin na hindi ko nagawa no'ng bata ako kasama si Ingrid kasi pinagbabawalan nila.
4. Adopt a puppy.
I want a corgi! Iyong matabang butt kasi nila ang cute-cute! Hindi pa ako makabili kasi masyadong mahal, nanghihinayang din ako sa laki ng magagastos.
5. Get a tattoo.
6. Go on a late-night drive.
7. Take a trip to Italy with Mama, Papa, and Ingrid.
8. Make a difference in someone's life.
9. Fall in love.
10. Get married.
That's all my bucket-list. Medyo complicated nga para sa akin kasi hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawa. Wala pang bawas— wait. Nahaplos ko ng daliri ang number 10 at gumalaw ang labi ko para bigkasin kahit na walang tunog na lumalabas sa akin.
Three weeks ago, Weston and I... signed a pre-nuptial and a marriage license. Kasal na talaga ako sa kanya. Should I consider that? Marriage is not a joke, it's actually a sacred thing, pero sa lagay naming dalawa ay parang ginawa nilang laro iyon.
It's a long-life commitment.
I always viewed marriage as a sacred bond. I couldn't marry someone unless I was passionately and deeply in love with him. And the reason why there's a failed marriage is that they aren't right for each other.
Hindi ko na lang muna ginuhitan yung nasa notebook ko at muling ibinalik sa may crpchet pouch ko at saka bumalik sa ginagawa.
"Nakita kong may singsing si Peter! Baka kasal na siya? Sayang, crush na crush ko pa naman 'yon!"
Nagtawanan naman 'yong dalawa. "Porket may singsing, kasal na agad?" tanong pa nung isa.
"Oo naman! At saka may nakita ako sa account niya na parang nasa restaurant siya, siguro may ka-date. At saka mukhang babae 'yong kasama niya!"
"Sabagay, nasa edad na rin kasi 'yon si Peter. Ilang taon na nga 'yon? 30? Nasa right age na rin para mag-asawa."
"Tama ka! Hays, kailan kaya ako makakahanap ng lalaking mapapangasawa ko?"
"Gaga! Huwag mo kasing hanapin! Kusa naman darating 'yon! Tingnan mo ako!"
Muli akong nakarinig ng pagtawa. "Edi ikaw na may asawa!"
"Ay teka nga, tanungin naman natin si Indie."
"Huy, busy siya! Ikaw talaga!"
"Hindi 'yan, saglit lang naman!"
"Bahala ka!"
Kahit may ginagawa ako ay naririnig ko ang pinag-uusapan nila. Bago ko pa mailapat 'yong brush sa canvas board ay may tumawag na sa akin kaya agad ko silang nilingon.
"May lovelife ka na?"
Umawang ang labi ko at saka umiling bilang sagot.
Napanguso naman 'yong isa. "Mas maganda ka naman dito kay Lovely pero bakit wala ka pang jowa? Naunahan ka pa nito."
Nahampas siya ni Lovely. "Sabi ko na nga ba! Baka ginayuma mo talaga 'yong asawa mo!"
Napangiti ako sa sinabi nito. Nanlaki ang mata ni Lovely saka dinipensahan ang sarili sa kasamahan. Gayuma? Gumagana pa na ang gano'n sa panahon ngayon?
"Diba nagkagusto sa 'yo Indie 'yong bunsong anak ni Madam Sonya?"
Napapitik naman si Lovely. "Ay, oo! Naalala ko nga laging nagpapadala ng flowers and lunch 'yon dito, ang kaso binasted ata ni Indie."
Napangiti na lang ako at bumalik sa ginagawa.
"Gwapo rin 'yon si Diesel! Bagay sila ni Indie! Parehas mayaman tapos maganda ang lahi! Kaso mukhang hindi pa talaga ready si Indie pumasok sa isang relationship," malungkot na sambit ni Jelai.
"Baka mamaya Indie may boyfriend ka na pala at hindi mo lang sinasabi ha!"
Napatingin ako sa kanila at nailing. Ramdam ko pa ang pag-iinit ng pisngi ko sa narinig.
"Huy, nag-blushed siya!"
Nauwi kami sa tawanan. Hindi porket nag-init ang pisngi ko ay kinilig na ako. Madali lang talaga ako maasar at saka hindi ako kinikilig sa lalaking 'yon. Maya-maya ay nagpaalam na ang dalawa at bumalik na rin ang kasama ko. Medyo nag-rant pa siya kasi ang dami niya raw hahabulin na camvas gawa na marami ring nagpagawa sa kanya nitong mga nakaraang araw. Sanay na rin siya sa katahimikan ko kapag ganito. Hindi rin naman kasi siya marunong mag-sign language kaya hindi niya ako maiintindihan.
"Wait lang, Indie ha! Tatawagan ko lang asawa ko!" sambit nito at lumabas.
Napangiti na lang ako nang maisip na iyong ibang kakilala ko rito sa Art Bar ay masaya na. Iyong iba may boyfriend at asawa. Ako, single pa. Wala naman kaso. Ayos naman na ako na mag-isa. Pero minsan iniisip ko kung ano pakiramdam na may taong mahal na mahal ka. Iyong pakiramdam na may ka-date ka sa labas at kasama mong gumala sa mga lugar na gusto mong puntahan.
Si Diesel ay anak ni Madam Sonya, siya 'yong bunsong anak. He's a working as a Financial Advisor in a Worldclass Bank. Two years ang agwat namin ni Diesel. I met him sa isang Art Exhibit namin, a year ago. Ipinakilala siya ni Madam sa akin kasi mahilig din sa arts 'yong anak niya. Ako pa nga mismo yung kinuha niyang designer ng room niya kahit hindi ko naman na-master 'yong interior design. Nagustuhan pa niya 'yong sinuggest ko. May good taste lang siguro kaya ganun. Ako rin 'yong nagpinta ng mga art paintings na dinisplay niya sa unit niya pati sa kwarto niya sa mismong bahay nila. Then after two months, he confessed to me that he likes me then kinabukasan nagsimula na yung pagpapadala niya ng flowers and lunch.
I even confronted Madam Sonya about her son, I told her na hindi pa ako handa, naiintindihan naman daw niya kaya hayaan na lang din si Diesel pero makulit. Tumagal din ng four months ata 'yong panunuyo niya hanggang sa konprontahin ko.
Ang ending... ako pa ang lumabas na mali at masama sa sitwasyon namin at sa ginawa ko. Napahiya pa ako sa mga taong kasama namin sa restaurant kung saan kami nagkita at kumain. Hindi ko alam kung sinadya niya ba iyon para pambawi sa ginawa ko. Ipinagsigawan niya na hindi ko siya masagot-sagot kasi may ibang lalaki raw ako at pinaasa ko lang siya. Binaliktad niya ako nung araw na 'yon at hiyang-hiya ako.
Hindi ko naman siya pinaasa, simula pa lang sinulat ko na sa board ko at ipinakita sa kanya ang gustong sabihin. Ipinaalam ko na sa kanya na hanggang friends lang kami at hindi ko pa kayang ibigay yung hinihingi o anuman ang gusto niya.
Hindi ko naman magagawa 'yon. Sino ba naman ako para magpaasa? Wala naman akong maipagmamalaki. May kulang sa akin, mababa ang self-confidence ko, I have this poor self image dahil sa kalagayan ko. Lahat ng ginagawa ko para sa iba, mali. I am a woman with jumble of insecurities in life.
Hindi ko na 'yon nagawang sabihin kay Madam Sonya kasi natatakot ako na baka mabaliktad din at ako na naman ang lumabas na mali. Pagod na pagod na akong mainsulto at makarinig ng mga salita na hindi nagpapatulog sa akin sa gabi. Buti na lang talaga ay hindi na nagpaparamdam sa akin si Diesel. Minsan pumupunta siya rito sa Art Bar para bumili ng painting pero hindi ko siya nakakausap. Hindi ko na ini-expect na hihingi siya ng sorry sa ginawa, basta huwag na lang niya ako guguluhin.
Lumipas pa ang ilang oras at mas maaga sa usual time namin ng kasama ko kami lumabas ng Art Bar. Kahit hapon na ay marami pa rin customer. May iba pa ako na namukaan na laging bumibili ng painting. Malaki ang pwesto ng Art Bar dahil hindi lang art and school supplies ang ibibenta nila, may abstract paintings din at may iba na for display lang.
Nang makalabas ng Art Bar ay dumiretso ako sa isang cafè para bumili ng frappe. Dahil kilala naman ako ng ibang staff doon ay itinuro ko na lang ang usual order ko, um-order din ako ng ensaymada at doon na lang mismo kumain. Habang nakaupo ay inabot ko pa ang phone ko para buksan ang banking app ko. Magwiwithdraw pala ako para may pang-grocery ako. Hindi kasi ako nag-iiwan ng cash onhand. magwiwithdraw lang ako kapag kailangan, pero nagtatabi ako kahit kaonti para may magamit kapag may gusto akong bilhin.
I have three bank accounts. Iyong isa, andoon ang savings ko at 'yong isa ay doon ipinapasok lahat ng bayad para sa mga paintings ko. Iyong isa naman ay para sa online transactions ko. May binigay din sila Mama at Papa pero hindi ko 'yon ginagamit. Hindi rin naman kasi ako magastos o 'di kaya maluho. Ang tipid-tipid ko nga kaya nagagalit si Mama minsan sa akin kasi hindi branded iyong mga isinusuot ko unlike the woman like me on their sides. Hindi rin naman ako mahilig sa branded signatures. Pagdating naman sa mga international trips, isang beses lang ako isinama at hindi na naulit. Alam ko naman na ayaw din nila ako isama. Pagdating naman sa mga party sa pamilya ng Emerson ay sumasama ako pero simula nung mamatay si Ingrid ay hindi na. Ako na ang dumistansya sa pamilya na 'yon. Lahat sila ay iba at estranghero ang turing sa akin.
And it's all because I'm an orphan and a mute.
Bumuntong-hininga ako at inubos na lang 'yong frappe at ensaymada. Umalis na rin ako sa cafè na 'yon at dumiretso sa department store. Kumuha ako ng cart at nagsimula na bumili ng mga kailangan. Nagtagal din ako ng almost an hour sa department store dahil sa kakaikot. Mabigat yung dala ko dahil may milk and energy drink ni Weston. Marami rin akong binili na snacks, processed foods at gulay.
Habang nasa grab ay narinig ko ang pagtunog ng phone ko at nakitang nag-text si Manang, kinakamusta ako. Sa ilang din na magkasama kami ni Weston ay hindi ko pa siya nakakausap sa phone via text. I have his number pero hindi ko pa nasesend-an ng text message. May tumatawag sa akin na unknown number pero hindi ko naman kilala kung sino kaya hindi ko sinasagot. Hindi man lang mag-text bago tumawag. Pakiramdam ko nga si Weston 'yon kahit wala naman siyang sinasabi sa akin. Ang hirap pala nito pero buti na lang wala kaming feelings sa isa't isa. Ganito pala pakiramdam kapag arranged marriage, and I know na ito palang ang simula namin.
Nang makarating ako sa lobby ng condominium ay may sumalubong sa akin na bellboy para tulungan ako magbitbit hanggang sa penthouse. Binigyan ko na lang din ng tip dahil mabigat iyon. Nakatayo na ako sa tapat ng pintuan at nilagay ang thumb ko for fingerprint. Bumukas iyon at isa-isa ko munang ipinasok ang mga paperbags. Siguro wala pa si Weston kasi alas-sais pa lang naman.
Baka magluto na lang muna ako ng pagkain naming dalawa saka magkukulong na ulit sa kwarto, magpepaint hanggang sa makatulog. Isinara ko na yung pintuan at binuhat ang dalawang paper bag. Sa pagharap ay nanlaki ang mata ko nang may makitang lalaki na naka-topless. Blonde rin ang buhok niya tulad ng kay Weston pero mas dark ang kanya. Sa pagkagulat ay nalaglag ang isang paperbag na nasa bisig ko. Parehas kaming napatitig sa paperbag na nasa sahig. Mabilis siyang kumilos at kinuha ang nalaglag ko. Bigla akong napaatras sa paglapit niya sa pwesto ko.
Sa pag-angat niya ay tumingin siya sa akin. "Hi?" nakangiti niyang sambit.
Napasara ang bibig ko at umatras lang. s**t, sino naman 'to?
"Ahm, who are you? Babae ka ba ni Weston? Pero mukhang hindi naman? Pangit kasi mga dini-date no'n," sunod-sunod niyang tanong at may accent pa ang tagalog niya.
Naalala ko naman yung sinabi ni Weston na bestfriend niya. Baka ito na 'yon? Pero bakit andito siya? And Babae? What kind? Sinabi na ba ni Weston?
Kumunot ang noo ko nang ilahad niya sa akin ang kanang palad niya. Napatingin ako ro'n. "Hi, miss beautiful. I'm Isandro and you are?"
Hindi ako sumagot at gulat pa rin sa nangyayari. Okay, masyadong mabilis. I'm not f*****g ready! Napamura ako sa isipan ko nang abutin niya ang free hand ko. Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan. At bago pa siya makapagsalita ay may narinig kaming boses.
"Isandro Nuevo! Don't f*****g touch my wife!"