Chapter 10

2506 Words
Indie Emerson "Wife?" the man uttered. Mabilis kong hinatak sa lalaki ang kamay ko at hinablot sa kanya ang paper bag na nakuha niya kanina. I felt my hands are trembling because of shocked and fear. Ayoko talagang hinahawakan ako lalo na lalaki at hindi ko talagang kilala. Mabilis na lumapit sa amin si Weston at nag-aalala na nilapitan ako. "May asawa ka na?" sambit pa nito. "Are you okay?" Weston asked habang kinukuha ang isang paperbag. I felt him touched my shoulder and looked at me. Tumango ako sa kanya bilang sagot. Naramdaman ko ang pagkalma ng sarili sa hawak niya. Umangat pa ang kamay niya at hinaplos ang maikli kong buhok. "Wait— Weston, care to explain? Wife? Kailan ka pa kinasal?" nagtatakang tanong ng lalaki. Napatingin kami sa kanya. Bakas ang pagtataka sa kanyang mukha at nakakunot pa ang noo niya. Imbis na umalis ay nanatili ako sa tabi ni Weston na parang nagtatago na bata. The guy is also good-looking just like Westom but he looks younger. Halatang anak-mayaman din tulad nito. "It's a long story, but she's my wife. Civil pa lang naman and the church wedding will be a month from now. You're invited, of course. Best man kita. Hindi pwede na wala ka ro'n." What? Doon na ako napatingin kay Weston. Church wedding? Paano niya nasabi? Bakit hindi ko alam? Weston looked at me then sighed. "We'll talk later," bulong niya na para bang nakuha niya agad ag gusto kong itanong. Wala na akong nagawa kundi ang tumango na lang. Nagkatinginan kaming dalawa, his eyes were deep while looking into mine. Gosh, why do I feel like I missed him? "Wedding and a wife? You don't even have a girlfriend, you moron!" the guy exclaimed. Nawala ang pagtitinginan namin ni Weston at napatingin na sa lalaki. "Shut up, Isandro. I will tell you all of this, just please shut your f*****g mouth." Nakita ko pa ang pag-irap ni Weston sa kaharap. Hindi ko alam pero natatawa ako sa reaksyon niya. Weston sighed and looked at me. Ngumiti siya saka itinuro ang lalaking nasa harap namin. "Indie, he's Isandro my f*****g bestfriend—" "Hey! Bakit may mura?!" putol nito kay Weston. Kunot na kunot pa ang noo niya at parang mananapak na kaya napatago ako lalo sa gilid ni Weston. I felt Weston stiffened and he cleared his throat. "Damn you! Calm down, you're scaring my wife!" sigaw nito sa kaibigan. "How can I calm because of this? You're married!" "So? Is there nothing wrong with that?" masungit na tanong ni Weston. "Wala! Wala ka ngang girlfriend, tanga!" "Ang tanga mo rin!" Nanlaki ang mata ko sa naging pagsigaw ni Weston. Para sila batang nag-aaway! Magkaibigan ba talaga 'to? Mukhang ayaw niya makasal si Weston kasi ngayong nalaman niya ay nagagalit siya. Napayuko ako at akmang iiwanan na si Weston nang mahawakan niya ang palapulsuhan ko. Napatingin ako ro'n sa kamay niyang nakahawak sa akin. "We'll talk, Isandro. Stay here, sabay-sabay na tayong mag-dinner. Kaya rin kita isinama rito ay dahil dito, so don't panic." "That's good!" mataas ang boses nitong sambit saka umalis sa harap namin ni Weston. Napatingin ako sa papalayong bulto nito at napansin na dumiretso ito sa itaas. Napakurap ako saka hinablot kay Weston ang kamay ko at nilapitan ang iba pang paper bag doon saka kinuha. Mabilis na lumapit si Weston para tulungan ako, naging malalaki rin ang hakbang ko habang tinatahak ang kusina niya. "I'm sorry about that, Indie. Well, Isandro is my childhood friend kaya siguro ganoon siya umasta sa nalaman." Inilapag ko sa kitchen counter ang mga paperbag, gano'n din ang ginawa niya. Nang mailapag lahat ay inayos ko ang crossbody bag na nasa katawan. "I think he's being protective because he loves you. He wants the best for you." Senyas ko sa kanya. Mahina naman siyang natawa. Nakapatong na ang isang kamay niya sa kitchen counter habang ang isa ay nasa bewang niya. Agad akong nag-iwas ng tingin kasi nakakaakit 'yong itsura niya. Para bang bigla ka na lang mahi-hypnotize kapag tinitigan mo siya. "I guess so," he said in a low voice. Natahimik ang paligid namin. Ilang segundo rin nagtagal iyon hanggang sa naisipan ko nang galawin ang mga pinamili. Nasa ganoon pa rin siyang pwesto kaya hindi ko na siya pinansin. Isa-isa kong inalis sa paperbag ang mga laman no'n. "You bought me a milk and energy drinks?" Napatingin ako sa kanya at nakita kong ginagalaw na niya ang ibang paperbag. Napansin kong nakangiti siya habang tinitingnan ang mga 'yon kaya kumunot ang noo ko. Nawala ang ngiti niya at nailing kaya napairap na lang ako. Parang tanga naman 'to! "You can rest for a while after this. Ako na ang bahala sa dinner nating tatlo. I will just call you... or if you want you can join me here?" aniya habang may ngisi sa labi. Tinaasan ko siya ng kilay kaya mas naging mapaglaro ng mukha niya. "Wala naman akong gagawin!" Senyas ko sa kanya. "Help me cut the ingredients for Parmesan zucchini and corn while I do the honey citrus chicken and pork bites? Bakit may iba ka pa bang gusto gawin?" tanong niya. "Is that delicious?" I signed instead. He chuckled. "Yes." Sabagay iyong mga niluluto niya sa akin, masasarap kahit 'di ako familiar. Bilang nga lang din sa daliri 'yong araw na nilutuan ko siya, simple dish lang din naman 'yon, hindi tulad sa kanya dahil isa pa siyang chef. Weston helped me arranged the groceries in order and after that he get the ingredients needed for our dinner. Itinabi ko na lang muna sa gilid 'yong gamit ko, tutulungan ko na lang siya dahil nakakahiya naman kung lalayasan ko. Halos dalawang linggo kaming walang seryosong usapan. Mamaya siraan na niya ako kela Mama at mapagalitan pa ako. Tinuruan niya ako ng gagawin at bago ko pa simulan ay hinawakan niya ang braso ko. Napatingin ako sa kamay niya dahil hindi man lang ako nakaramdam ng pangamba. Parang ayos lang sa akin na hawak-hawakan niya ako. "Wear this first," sambit niya at napayuko na lang ako nang ilagay niya sa akin 'yong isang pink na apron na may cute na designs. "Binilhan kita para may magamit ka rito," dagdag pa niya. "Thank you," I mouthed. Nagsuot din siya at tumabi na sa akin, nagsimula na kami sa ginagawa. Hiniwa ko 'yong zucchini na sinasabi niya. It looks like a cucumber pero mas maugat lang ang dulo nito, same color din sila. Akala ko nga talaga no'ng una cucumber. "How's your day?" I heard him ask. "Ayos lang naman ba?" tanong pa niya. Tumango naman ako. Hindi alam ni Weston kung saan nagpupunta dahil hindi ko rin naman sinasabi sa kanya. Wala rin akong alam kung alam ba niya na isa akong painter, wala pa siyang natatanong about sa akin. So, for me, we're still a stranger to each other. Wala rin naman akong balak alamin ang buhay niya unless he will share it with me. "Will you believe me if I say that I quite missed your presence?" Napatigil ako sa paghihiwa, sa pagbaling ko sa kanya ay abala siya sa ginagawa. Hindi nakatingin sa akin pero nakangiti. Agad akong nag-iwas ng tingin at bumalik sa paghihiwa. "All my life, this is the first time that a woman ignored my presence and thought I was a gay. Siguro nasanay lang ako na sila ang lumalapit, sila ang clingy pagdating sa akin." "How come you still don't have a girlfriend if women are head over heels with you?" Senyas ko bigla sa kanya. Nagkibit-balikat siya. "I'm not interested with them, Indie. If I do, wala ka rito sa tabi ko. Alam kong sobrang dali lang na humatak ng isa sa kanila at pakasalan pero hindi ko ginawa kasi ayoko sa kanila." "Choosy," galaw ng bibig ko. Mukhang napansin niya iyon dahil natawa siya. Nakakatakot din pala na nababasa niya 'yong galaw ng bibig ko. Kahit anong gusto kong sabihin, malalaman at malalaman niya. "I also want to protect my name, Indie. You know the family where I belong, one wrong move and I'm dead." Tama naman siya. I can also relate to him, simula nang mamulat ako sa mga Emerson, grabe 'yong higpit at paglimita sa bawat galaw namin... lalo na sa akin. Hindi rin naman kasi ako totoong Emerson at ampon lang ako. People around me, especially both sides of the family ay may kakaibang pagtingin sa akin. Isang maling galaw, halos murahin at saktan ka na nila. Mayaman sila, nakukuha nila ang gusto nila, marami silang kaibigan, at hindi naghihirap sa buhay pero bakit ang sahol ng ugali nila? Hindi pa ba sapat kung ano ang meron sila? "Siguro ganoon din ang mga Emerson sa 'yo? Super protective? Panigurado inaalagaan ka nila nang maayos." Tumalikod ako sa kanya at nagpunta sa kitchen sink para hugasan 'yong isang plato at kutsilyo. Mali ang mga iniisip niya, kung mahal ako ng mga Emerson ay wala ako rito. They would not forced me into something that I don't want. Tatanungin nila kung ano ang gusto at ayaw ko, they would consider my choices and not this. And if they just treated me fairly and right, I wouldn't be anxious about everything. They give me trauma and scars that I'll surely bring throughout my life. "My mom was very strict with Winona before because she's a girl and the youngest, but she lets her decide on her own as long as she knows her limitations." Bumalik ako sa pwesto at sumenyas kay Weston. "Where is she?" I asked. "Managing some of our business." "You're not into it?" Nailing naman siya. "I love my job and people need some saving." I know that he's not talking about money but something. It's all about saving people when they're in danger. But how about those people like me? We also need to be saved. Hindi na ako nagtanong kasi ayoko nang makarinig ng about sa trabaho niya. May bad impression na sa akin ang mga pulis noon palang kaya ayoko talaga sa kanila. Tatahimik na lang ako at baka may masabi pa ako na ikagalit o ikagulat niya. "Nag-commute ka lang galing grocery store?" he suddenly asked. Sumenyas ako. "Oo, araw-araw naman ko naman ginagawa kaya sanay na." Napatango naman siya. "My Mom suggested to give you a driver or I will drive you wherever you go. What do you think about that?" I shook my head and gave him a smile before signing. "It's okay. I can manage myself. Sanay naman ako mag-commute at kung ihahatid sunod mo pa ako ay abala lang dahil may pasok ka pa sa umaga." Napailing siya na parang wala lang 'yong sinabi ko. "My schedule is not that hectic kaya pwede kitang ihatid sundo. Unless may magagalit kung gagawin ko 'yon? Meron nga ba?" ngumisi pa siya sa akin. Naningkit naman ang mata ko. "Kung meron man, sabihin mo lang nang maaga para makapagset tayo ng boundaries sa isa't isa habang nasa ganitong set-up tayo. Ayokong makarinig ng issue about sa atin lalo na't paniguradong pinapaalam na ni Mommy ang status natin sa mga kakilala niya. She's too excited about me getting married. In no time, pwede nang kumalat ang status nating dalawa. "Ayoko naman dumating sa punto na may kakalat na issue na may kasama kang iba at lalabas na niloloko mo ako. Ayaw mo rin naman siguro makarinig ng gano'n 'di ba? I have a lawyer who can help us if we decided to have an agreement about something. I hate cheaters, I know that this is just an arranged marriage but let's respect—" "I'm not a cheater!" Pagsenyas ko sa kanya at sinabayan ko pa 'yon ng bibig ko. Sa isip ko ay sinisigawan ko pa siya. "I don't even have—" He cut me off. "We're not sure, who knows that maybe one of these days you'll find someone while being married to me." Medyo kinakabahan na ako sa kakaibang aura niya habang binabanggit ang mga 'yon. "I don't know you but I respect you and this f*****g set-up!" Muli kong senyas sa kanya. "Lagi kang wala," aniya sa malamig na tono. Napatitig ako sa kanya at kita ko ang walang emosyon niyang mata. "You always leave this house early in the morning and will come back at night. You even barely talk to me. You're ignoring me, Indie. Ilang beses nang humihingi si Mommy ng dinner kasama ka kaso hindi ko alam kung paano ibibigay 'yon dahil wala ka at hindi tayo nakakapag-usap nang maayos. Kaya gumagawa na lang ako ng alibi. Malay ko ba kung nakikipagkita ka sa lalaki mo o kung anuman 'yang ginagawa mo. Ayos lang naman as long you keep my name and your family name... safe." Umawang ang labi ko sa narinig. Tama ba ako? Is he accusing me of having an affair? At bakit ba namin 'to pinag-uusapan? Wala naman kaming relasyon! Sa sitwasyon namin, hindi naman siguro big deal 'yon. Kung magkakaroon man siya ng babae, wala akong pake! Hindi ko siya guguluhin o papakielaman! And all this time, may issue na pala siya sa hindi ko pagpansin sa kanya at sa araw-araw na pag-alis ko rito. Eh, sa nangangapa ako sa sitwasyon naming dalawa kaya ako ganito! At sabagay, iyon din naman ang tingin nila Mama sa akin, a threat and a trash kaya laging may pasabi na alagaan ko ang pangalan nila kasi nakadugtong 'yon sa akin. Damn it. Pakiramdam ko ay may nagbara sa lalamunan ko, ramdam ko rin ang pag-iinit ng mata ko sa hindi malamang dahilan. Nang magtama ang mata namin ni Weston ay lumamlam ang mga mata niya. Hinubad ko ang apron at iniabot sa kanya. Sumenyas ako. "Don't worry because I'm working as a painter in an art gallery. Doon ako laging pumupunta sa araw-araw na wala ako. Hindi ako lumalandi, wala akong nilalandi. Painter ako. I'm not a model or a business owner tulad ng iba mong kilala. Pasensya ka na ha? Ganito lang napangasawa mo." "That's not what—" Nginitian ko siya at tumango na para bang ipinapahiwatig na ayos lang. Sumenyas ulit ako na aakyat muna ako sa itaas para magpahinga at saka ko siya iniwan. Muli niya akong tinawag pero hindi ko na siya pinansin. Nang makarating sa itaas ay dali-dali kong isinara 'yong pintuan. Napasandal ako sa pintuan, napahawak sa dibdib ko dahil sa mabilis na t***k no'n. May nakatakas sa akin na luha kaya agad ko 'yong pinunasan. Why am I even crying? Dapat sanay na ako sa ganito, may mas matindi pa nga rito. Hindi man directly pero alam ko ang nais ipahiwatig no'ng mga sinabi niya. Hindi ako tanga. Kung ayaw niya ng ganito ako, maghanap na lang siya ng iba. Marami namang nagkakandarapa sa kanya 'di ba? Doon na lang siya o maghanap siya ng swak para maging asawa niya. Iyong walang sabit at nakakapagsalita. In that way, he's at ease and his life will be easier.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD